CHAPTER 15
Tiffany's POV
Ang bagong Ace ng buhay ko ay si Chase Caleb Del Rosario. Kaapelyido ko pa siya pero noon pa 'yon. Apelyido na ni Mama Marga ang gamit ko ngayon. Ano kayang ginagawa niya dito? Makiki noche buena? Haler wala po kaming handa. Kandila lang. Hahaha.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko siya kausap niya si Mark. Close na sila agad? Tumatawa silang dalawa naku I'm sure dota pinag uusapan nilang dalawa. Tss.
"Ate okay pala 'tong boyfriend mo eh. Astig!" bati sa akin ni Mark na tumatawa pa.
"Hindi ko yan boyfriend!" mataray kong sagot sa kapatid ko
"Dineny ka bayaw oh?" Mananapak na ako sinabing nang hindi ko boyfriend. Bayaw daw?! Close na talaga sila. Galing mang-uuto ni Caleb pati si mama botong-boto. Parang ako yung bisita, OP na OP ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako at umupo sa tabi niya. May pakiramdam ako na makikikain siya rito sa amin.
"Malungkot ang pasko ko. Wala yung family ko sa bahay kaya dito na lang ako." I knew it!
"Wala kaya kaming handa! Ano yun tutunganga na lang tayo dito?" tanong ko sa kanya. Imbes na matutulog na sana ako heto at iintindihin ko pa ang pagkain ni Ace.
"Hay! San mo na naman ba naiwan yang common sense mo sa malamang may dala akong pagkain." tinawanan na lamang ako nila mama at Mark.
"Ang sweet niyo naman! Salamat Caleb di kasi kami naghahanda pag pasko. Salamat sa mga dala mong pagkain nang maiba naman yung pasko namin." ani mama
"B-bakit di po ba kayo Katoliko?" sabay kaming tumawa ni mama nang mamutla si Caleb. Hahaha.
"Katoliko kami hijo kasi 'tong si Tiffany hindi niya trip ang pasko." natatawa pa ring saad ni mama kahit na nawala na ang mga ngiti ko.
At ayun nga first time ko ulit mag-pasko. Hmmm masaya naman pala. Si Ace close na close kay mama at Mark. Feel at home ang loko kulang nalang samin makitulog. Hahaha. I admit ang saya!
Oras na para mag open ng presents. Si Ace lumabas may kukunin lang daw sa kotse niya. Mayaman talaga eh. Nung nagpasabog ng kagwapuhan gising na gising siguro siya. Pumasok na ulit si Ace. May dala siyang gifts para sa akin, mama and Mark. Nakakahiya! Wala akong gift for him.
"Merry Christmas!" bati niya sa akin at inabot niya sa akin yung gift nya.
"Ace wala akong gift sayo. Sorry."
"Okay lang masaya naman ako kasi hindi malungkot yung pasko ko ngayon. Parents ko kasi laging wala tapos yung kapatid ko naman nasa America pa."
"Thanks. Babawi ako sayo." nakakahiya naman kasi na siya itong bisita pero kami iyong walang mai-alok sa kanya. Sana man lang kasi sinabihan niya ako para kahit papaano ay nakapaghanda kami. Tinutulugan lang kasi namin ang pasko. I tiptoed and kissed him on cheeks. Laking effort yun ah ang tangkad kaya niya. Hahaha. Nag blush ba siya?
"Ikaw ah marunong ka pa lang mag-damove. Isa pa nga ikaw na din mag thank you para sa mama at kapatid mo. Hehehe" Loko na 'to! Sige isa pa sa lips naman. Hahaha. Habang tumatagal nagkakapalit na kami ng ugali ni Ace. Nagiging manyak na ako. Yak! Ayoko na ngang masyado sumama sa tao 'to.
Pero ang saya ng Christmas na ito. Thank you Ace! I love him. Sagad! Lubos! Wagas!
�������~�_!�չ
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
JugendliteraturMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.