Chapter 1

8.5K 110 1
                                    

Chapter 1

"I'M LATEEEEEEEEEE!" araw-araw yan nalang ata ang linya kada pumapasok sa university. Malapit lang naman ang bahay namin ngunit sadyang late lang ako. Ako si Precious Tiffany Javier. 18 years old at isang HRM Student. Nasa 2nd year college na ako.

Pagkarating sa may university ay dahan-dahan na akong pumasok sa may likod ng room ngunit agad naman akong napansin ng professor. Napapikit na lamang ako napapadyak dahil alam kong pagagalitan na naman niya ako.

"Miss Javier! Late ka na naman?!? Ang lapit na nga ng bahay mo pero lagi ka pa ding late? Kabisado ko na ang linya ni Ma'am kaya naman pinadaan ko nalang ito sa kabilang tainga ko. Tama. Ang lapit nga naman ng bahay ko. 5 minutes away lang kapag nilakad. Ikaw kaya ang matulog ng 2:00am tapos gigising ka ng 6:00am ay kamusta naman yun diba. Buti na lang talaga maganda pa din ako kahit puyat at ngarag all day. Bwahahaha.

"Sorry Ma'am. Tinulungan ko pa kasi si mama sa restaurant."

"Excuses!" Totoo naman na tinutulungan ko pa si mama sa restaurant namin pagkatapos ng klase at madalas ay gabi na kami magsara kung maraming customers ay inaabot kami ng madaling araw lalo na sa paglilinis. Umupo na lamang ako sa tabi ng bestfriend ko na si Clavs.

"Yan kasi late ka na naman." bulong niya sa akin. Tss. Sinimangutan ko na lamang siya at sinubukang intindihin ang tinuturo ni Ma'am.

"Nag-review ka na ba sa College Physics?" tanong ni Dessa. Ang pinaka matalino sa grupo namin.

"Hindi pero yung formulas naka-ipit sa calculator ko. Hehe." hindi ako matalino lalo na kung gagamitin ng fomulas. Hindi ko alam na kailangan pa pala 'yon sa kurso namin at minor subject pa siya! General subject daw 'yon. Ewan ko ba! Nakuha ko naman nung highschool yung Physics, akala ko tapos na ayun pala may Part 2 ngayong college.

"Buti hindi ka nahuhuli ni Mrs. Lee." matatalino ang mga kaibigan ko. Well, noong first year college ay nasa dean's lister ako kaya lang naalis ako last sem dahil napabayaan ko ang pag-aaral ko. Mas inuna ko pa yung lovelife na bandang huli siya ring sumira sa akin.

"Magaling ako eh. Saka nahihirapan talaga ko sa Physics. Nakakaantok! Si Ma'am naman kasi sa dulo pa ko inupo tapos sa tapat pa ng aircon." reklamo ko pa sa kanila.

"Adik ka talaga. May new student daw pero di ko alam kung sa section natin mapupunta." Sabi ni Nica. Pinaka tahimik sa amin yan. Pag usapang boys or transferees kami ni Clavs ang nangunguna. Haha.

"Boy or girl?" bored kong tanong. Na-curious naman ako bigla siyempre nauumay na ako sa mga mukha ng blockmates ko. Hahaha.

"Boy. Galing ibang bansa bukas pa daw papasok." Sagot ulit ni Nica. Aba bakit ba ang daming alam nito ngayon sa new student? Hindi naman siya iyong tipo ng tao na interesado sa mga ganitong bagay.

"Bakit mo alam? Kilala mo ba?" tanong ni Clavs. Inunahan niya ako, itatanong ko din sana 'yon.

"Pinsan ko." sabay-sabay kaming ngumanga nila Clavs habang nagkikibit-balikat lang si Nica.

"Ang dami mong sinabi pinsan mo lang pala." Sabi ko. Minsan talaga ang tino kausap ng mga barkada kong 'to pero love ko sila kasi nung iwan ako ng malandi kong ex sila yung sumalo sakin.

Matapos ang nakakaantok naming klase ay mayroon kaming 1 hour break bago ang susunod na subject. Nanguna na agad ako sa pagpunta sa may canteen dahil kanina pa ako ginugutom.

"Grabe gutom na ko!" himas ko sa aking tiyan habang pababa sa may hagdan.

"Gutom ka? Wala ka namang ginawa kanina sa klase kundi mag day dream." inirapan ko na lamang si Clavs dahil binara na naman niya ako.

"Takaw mo talaga!" natatawang komento ni Nica habang umiiling. Sinimangutan ko na lamang sila dahil pinagtutulungan nila ako.

"Nica gwapo ba yung pinsan mo?" tanong ni Miel.

"Maganda ako. So ano pa ba edi gwapo." umirap kami sa kawalan dahil sa sinabi ni Nica. Well maganda naman talaga siya.

Malapit na sana kami sa may canteen ng maky mahagip ang aking mga mata. Damn! Nagugutom pa naman ako! Bakit kailangan magkasabay pa tayo dito Max Andrew Gil? Ayokong nakiki-share ng iisang hangin sa'yo. Ugh!

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon