CHAPTER 35
TIFFANY'S POV
Nagpunta kami sa Gerry's Grill para kumain ng lunch at sobra kung maka-interview si Maggie if I know matapobre talaga siya, yung ngiti ko nga paralyze na. I can't stand her. Damn! Gustong gusto ko na siyang sakalin pero sabi nga ni Rubi dapat kinakaibigan ang kaaway para madaling saksakin.
Isang tanong, isang sagot lang kami mag-usap. I hate her! Yung ngiti ko pilit na pilit lang talaga kasi gigil na ako sa kanya. After a few hours nang pakikipag plastikan at last makakauwi na din ako, hindi na ako sumama sa bahay nila at baka makasunog lang ako ng wala sa oras alam ninyo naman nararamdaman ko, kahit anong oras pwede akong sumabog.
At dahil sa ayoko pa talagang umuwi nagpunta na lang muna ko sa basketball court para tumambay. Naupo ako sa bench at nanuod ng mga naglalaro ng basketball tapos may kumalabit sa akin. Paglingon ko si Andie pala, ngumiti siya at umupo din sa bench pero 3 inches apart kami.
Nginitian ko din siya at parehas kaming tahimik na nanuod ng mga naglalaro. After a long minute of silence siya ang unang nagsalita.
"Masaya ka ba ngayon?" ngiting tanong niya habang hindi nanonood pa rin sa basketball court.
"Ha?" nagtataka kong tanong. Hindi ko naman akalain na tatanungin niya ako ng ganoon.
"Ang tanong ko ay masaya ka ba ngayon?" pauulit niya.
"Bakit mo naman natanong?" ngayon lang ulit kami nakapag-usap at iyon agad ang ibubungad niya.
"Wala naman. Gusto ko lang makasiguro kung masaya ka kay Caleb." kibit-balikat niyang saad at tumawa.
"Paano kung sabihin kong hindi, anong gagawin mo?" seryoso siyang tumitig sa akin na para bang tinitimbang kung seryoso rin ako sa sinasabi ko.
"Aagawin kita sa kanya. Look Tiffany, sobra ko talagang pinagsisihan noong nag-break tayo. I'm so sorry."
"Wala na sa akin yun Andie." I smiled sweetly.
"I really miss you so much Tiffany. Sana hindi na lang kita nasaktan." napangiti ako at hinawakan ang kamay ni Andie. Kitang-kita naman kasi sa kanya na nagsisisi na siya sa nangyari noon sa amin.
"Kalimutan na natin yun." imbes na ngumiti ay ginulo lang niya ang kanyang buhok kaya naman natawa ako. Anong problema niya?
"Nakakaasar. I realized na mahal na mahal pa din pala kita. Sayang may iba ka na." natawa na ako ng tuluyan at pabiro siyang hinampas sa may braso.
"It's too late." napailing ako at tumawa.
"How do you say so?" nagulat naman yata siya sa tanong ko kaya naman agad siyang nag-seryoso.
"What do you mean Tiffs?" tanong niya.
"Andie any minute pwede kaming mag-break ni Caleb."
"I can't understand you. May problema ba kayong dalawa? As I can see okay naman kayo."
"I really don't know."
"So meaning?"
"Hintayin mo ako na maging single ulit."
"Trip ba to? Papatulan ko talaga Tiffs."
"Hindi. I'm giving you a second chance." Bigla akong niyakap ni Andie.
"Thank you Tiffs. Maghihintay ako kahit gaano katagal. This time ako naman ang magpapakatanga para sa ating dalawa."
"Okay lang ba sayo Andie?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
Novela JuvenilMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.