Chapter 24
"Tiffany nandito na si Caleb. Bumaba ka na diyan!" sigaw ni Mama mula sa may sala habang ako naman ay abala pa sa pagsusuklay ng basa ko pang buho. OMG! Anong gagawin ko? Nahihiya talaga ako sa nangyari noong Sabado. Hindi ako nag-reply sa mga text niya saka sa mga tawag niya. Nakakaloka nonsense lang din yung tutorial ko sa Physics kasi hindi na talaga ako nakapagreview kagabi. Last chance ko na at kung hindi ko pa maipapasa ang Finals ay paniguradong kakailanganin kong mag Summer Class.
"Ate! Ang tagal mo kanina pa si bayaw dito!" padabog kong ibinaba ang hawak kong suklay ng marinig ang pagsigaw ni Mark kaya naman napilitan na akong bumaba sa may sala.
"Late ka na naman anak!"
"5 minutes na lang!" Hay umagang-umaga sigawan talaga kami tapos nandito pa si Ace. Naku po! Ano ba namang pamilya 'tong napuntahan ko.
Bumaba na ako ng hagdan. Hindi ko na alam ang hitsura ko. Halatang fake na fake yung smile ko. Ano ba sasabihin ko? Hindi naman siguro kami LQ diba? Pero hayun siya at napatayo, mukhang hindi din alam yung sasabihin. Pumunta ako sa tapat niya tapos inabot niya yung bag ko. Ganun? Act as if walang nangyari? Nakakahiya talaga! Bakit noong araw pa kasi ako na 'yon nadatnan saka yung paninigaw ko sa kanya.
"Huy!" sita ni Ace sa akin dahil nakatulala yata ako.
"Oh?"
"Tulala ka na naman diyan." napadaing ako ng pitikin niya ang aking noo.
"Bhie naman!!" sigaw ko sa kanya at nagtawanan na kami. Napraning lang siguro ako.
As usual ay sabay kaming pumasok sa loob ng klase. Kailangan na naming sulitin ito dahil sa susunod na semestre ay madalang na kaming magkakasama gawa ng hindi naman pareho ang kurso naming dalawa. Mas kailangan na niyang mag-aral ng seryoso dahil mahirap ang kurso niya.
Ilang exams din ang nagpasakit ng ulo ko at sa wakas ay natapos na din ang malupit na exam sa Physics. Nasagot ko naman yung problem solving, salamat sa gwapo kong boyfriend. Ayun nagpasa na din ng test paper si Ace may usapan kasi kami kanina na magd-date after ng Finals. Palabas na sana kami ng kwarto nang sabay kaming nagulat sa biglang pagsulpot ni Antonette.
"ATE!!!" napadaing ako nang bigla na naman niya akong niyakap ng mahigpit. Akala mo hindi kami nagkita ng ilang taon!
"Tonette stop that! Papatayin mo ba ang girlfriend ko?" pilit na hinihila ako palayo ni Ace sa kapatid niyang makadurog-buto kung yumakap! Grabe!
"Opps sorry! Gahh! I'm not Tonette. Call me Toni! " maarte niyang riin sa Kuya niya at ngumuso. Spoiled brat.
"Oh bossing may kapatid ka palang babae. Pakilala mo naman." saad ni Troy sabay kindat kay Toni. Ano bang kapatid. Duhhh! Nako lagot ka kay Ace ko. Dumidilim na yung aura oh.
"She's not my sister." mariin kong sabi sa kanya.
"Weh? Ayaw pa aminin. Niloko mo pa ako. Ayan oh! Obvious naman, magkamukha kayo. Kadaya. Tss." Huh? Nakakain na naman ba ng katol yung lalaki na 'to? Si Ace yung kapatid hindi ako pati ano bang kamukha. Maganda kaya ako, cute lang siya. Hmph.
"Sinabi ng hindi. Kulit ng lahi mo" irap ko sa kanya pero tinignan lamang ako ni Troy na para bang hindi siya naniniwala sa akin.
"Weh? Di nga kasi. Huy Miss dinedeny ka ng ate mo oh." sumbong pa ni Troy kay Toni. Nanloloko ba siya o paniwalang-paniwala siya na kapatid ko si Toni?
"Ha? Hehe. Actually she's my future sister-in-law." sabay-sabay kaming nagulat nila Ace at Troy sa sinabi ni Tono.
"In short I'm Caleb's little sister. By the way I'm Mary Antonette del Rosario, but you can call me Toni for short." sasagot pa sana ako ng sumulpot sa tabi ko si Clavs at inakbayan ako. Tinitigan din niya si Antonette na hindi makapaniwala.
"Tiffany?"
"Oh bakit? Ano bang hitsura yan?" titig na titig din siya kasi kay Toni at maya-maya ay titignan naman ako.
"May kapatid ka pa except kay Mark? Ngayon mo lang nilabas?" paano naman ako magkakaroon ng kapatid? Hindi ko naman kamukha si Toni!
"Actually she's my sister. Toni you better go home. May date pa kami ni Tiffs." awat na sa kanila ni Ace. Kung ano man ang trip ng mga kaibigan namin ay hindi na namin alam.
"I'm bored!" pagmamaktol ni Toni sa Kuya niya. Gusto pa yatang sumama ng bruhilda sa date namin ni Ace.
"Samahan kita gusto mo?" natawa ako sa suhestyon ni Troy at mas lalo akong natawa nang sigawang siya ni Ace. Buti nga!
"Joke lang dude! Pero sure ka ba talagang kapatid mo 'to? Baka naman kapatid talaga ni Tiffs yan." paninigurado pa ni Troy kaya naman sinapak ko na siya sa braso. Hindi nga sabi!
Ang gulo nila grabe! Tinitigan ko si Toni. Hmmm yeah may hawig kami pero sa mata lang. Baka naman may mga taong magkamukha lang talaga diba? Imposibleng maging kapatid ko siya. Tss.
�������
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
Teen FictionMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.