ESTELLE POV:
Nakarinig kaming kaskas ng guitar mula sa labas at ilang sandali pa ay may pumasok na tatlong gwapong lalaki sa room namin na may dalang rose at ibinigay iyon kay Astrid. Weew.. Sana all. Maybibigay rin sana sa akin ng ganyan. Char lang. Hindi na ako aasa.
"He's waiting you outside" sabi nung isa nilang kasama. Saan kaya pinaglihi 'tong mga 'to, bakit ang ga-gwapo nila, pero may nakapagsabi sa akin na, don't be deceived by their charisma because behind their faces, may itinatago silang kasamaan ng ugali.
"I'm back!!" si Liam na may dalang tela. Napahinto naman sya ng makita nya yung tatlong lalaki. "My ghad! Hindi nyo naman sinabing andito kayo, edi, sana nakapag-ayos ako.." napailing nalang ako. Sira-ulo talaga. "I just kidding you, guyz. Haha"
"You're ready?" si Liam at lumapit kay Astrid "But before you go out, kailangan kang piringan" hindi na nakapagsalita si Astrid dahil piniringan na sya ni Liam.
"Girls, We are going out." sabi nung isa. Mukang mabait sya tapos yung isa mukhang mabait rin at yung isa naman suplado. Napaka- expressionless ng mukha eh, parang hindi sya marunong ngumiti.
Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla syang tumingin sa akin. Tang*na.
"Go, lumabas na kayo, wala naman kayong maitutulong dito eh" si Mizia na masama ang tingin sa kanila. Problema nito sa kanila?.
Napailing nalang yung dalawa at lumabas at yung si Mr. Suplado binatukan ng malakas si Mizia saka lumabas.
"What the hell! Kuya! Mapapatay kita mamaya!" galit na sigaw ni Mizia. Gulat kaming napatingin kay Mizia.
Napataas naman yung kilay ni Mizia sa amin.
"Oh, bakit gulat na gulat kayo?" tanong nya.
"Kuya mo yun?" ako
"Shit, magkapatid pala kayo?" si Anaziah.
"My ghad, kapatid mo pala si Matthew?" si Liam. Matthew pala pangalan ng suplado na yun.
"Yes, we're siblings, he's my monsters brother.. Grrrrrr.." inis na turan nya. Sino ba naman yung hindi maiinis kapag binatukan ka ng ganun kalakas.
"Girls, that's enough, naghihintay na sa labas yung manliligaw nya" si Liam na tapos na pala sa paglalagay ng piring kaya Astrid.
"Ano ba, nakakahiya" si Astrid.
"Ssshhh.. Kakalbuhin kitang bruha ka eh, inagaw mo si Sevyn sa akin. You should be thankful dahil boto ako sa'yo" si Liam at pinalo si Astrid sa braso.
"Ewan ko sa'yo" si Astrid.
"Kailangan pa talagang piringan sya?" si Chermine.