ESTELLE POV:
"Change your clothes" si Kayson at inabot sa akin yung bagong uniform. "I bought you a new uniform, kaya magpalit kana" hindi naman sira yung uniform ko ah, bakit sya bumili ng bago?. Sana all rich.
Kinuha ko nalang yung uniform.
"Dahan-dahan" si Kayson at inalalayan niya akong tumayo.
"Salamat, pero kaya ko na, hintayin mo nalang ako dito" ako.
"Are you sure?" si Kayson. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. "Be careful"
Nang nakapasok na ako sa CR, dahan-dahan kong hinubad yung uniform ko, kumirot kasi eh. Tang*na, hindi nalang sana ako pumasok ngayon. Saklap.
Ano kayang pumasok sa isip nitong si Kayson at bumili pa talaga ng bagong uniform, pwede namang damit nalang. Gastador talaga. Ok na 'to. Pagbukas ko ng pinto mukha ni Kayson ang bumungad sa akin.
"Ako na" si Kayson at kinuha sa akin yung uniform ko. Hindi na ako pumalag. Ganyan talaga yan eh, masyadong caring, overprotective pa, kaya nga minsan naiinis yung kapatid nyang si Cassidy sa kanya. Dati nalulungkot ako kasi wala akong kapatid pero na realize ko mabuti nalang na wala akong kapatid kasi walang makapagpipigil sa akin kahit anong gawin ko.
"Kayson, hindi ba magagalit yung girlfriend mo na ikaw yung bantay sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Break na kami" seryosong sagot nya. The hell, 2 months palang sila ah, break na agad. Tsk.
"Sorry, ok ka lang ba?" nag-alalang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya "Yeah, I'm alright"
"Parang hindi" ako. Napailing nalang sya. Sabi ko nga eh, hindi sya ok. "Anong reason bakit nag break kayo?"
"I don't know, hindi nya sinabi eh, bigla nalang syang nakipaghiwalay" si Kayson.
"Ganun ba. Hayaan muna yun, maghanap ka nalang ng iba dyan, basta wag lang yung Pokpok.. hehe" ako.
Habang nag-uusap kami ni Kayson ng bigla nalang dumating si Anaziah.
"Sorry, na disturbo ko ba yung usapan niyo?" si Anaziah.
Umiling ako "Hindi naman, anyway, nasimulan nyo na ba yung paggawa ng mga props?" tanong ko sa kanya.
Naupo naman sya dun sa mono black chair na malapit sa pintuan.
"Yep, Buti nalang at pumayag yan si Kayson na bantayan ka dito" sabi nya. "Paalis na kayo?"
"Hindi pa, hihintayin ko pa si Nurse Mera para magpaalam" ako. Napatango naman sya.
"Wag ka na'ng magpaalam" si Anaziah. Sira-ulo talaga.
"Napaka-walang respeto ko naman kung ganun, aalis nalang ako na walang paalam" ako.