ESTELLE POV:
"Estelle, malamig na ulo mo?" biglang tanong ni Chermine sa akin. Napakunot naman ako ng noo.
"Huh?" ako.
"Furious na furious ka kasi kanina, halatang mainit ang ulo mo kaya tinanong kita kung malamig na" napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Sino naman ang iinit ang ulo sa ginawa ng mga deputang babaeng yun.
"Sa tingin ko, hindi na.. kaya... " tumingin si Mizia sa akin. "Paki-bili 'to lahat.. Hehe" at inabot nya ang listahan at tatlong libo sa akin. Talagang may listahan ah. Tinignan ko ang listahan nagulat naman ako sa dami ng ipinabili niya, kaya pala 3 thousand ang pinadala niyang pera.
"Mizia, seryoso ka?. Ako lang mag-isa tapos ganito ka dami ang pinabili mo?" ako.
"Oo, kaya mo na yan, nabuhat mo nga si Astrid kanina pababa ng stairs yan pa kaya" si Mizia. Kung hindi ko lang 'to kaibigan nasapak ko na 'to.
"Yaga, na adrenaline rush lang ako kanina noh" ako.
"Shushh, wag ka nang maraming sinasabi bumili ka na dun" si Mizia at itinulak ako palabas.
"Kung makapanulak ka naman!" asik ko.
"Heheh, sorry, bili ka na dun" bungisngis ni Mizia. Napabuntong hininga nalang ako at umalis. "SALAMAT, LAB U!!!" pahabol niyang sabi. Sira-ulo talaga.
Gago, ang dami talaga, hindi ko mabubuhat ang lahat ng ito na ako lang mag-isa. Ang sasama talaga ng ugali ng mga yun wala manlang kahit isa sa kanila ang mag volunteer na tulungan ako.
Nang papalapit na ako sa canteen ng biglang..... Wtf.. Umilag ako at..
*Booogggsshhh!!!*
Tumama yung bola ng baseball sa flower vase. Tang*na, buti nalang at nakailag ako, kasi kung hindi hospital punta ko kong nagkataon.
"Valmarie!" napalingon naman ako at nakita ko si Kayson na papalapit sa akin. Nang nakalapit na sya agad niya akong niyakap at tingnan ang kabuuan ng katawan ko.. "Are alright? Natamaan ka ba?" sunod-sunod na tanong niya. Kita ko sa mukha niya ang pag-alala.
"Ayos lang ako, hindi naman ako natamaan" sagot ko at nakahinga naman sya ng maluwag.
"Buti naman at nailagan mo yun" si Kayson.
"Sus, ako pa" ako. Pero aaminin ko kinabahan talaga dun. Tang*na, sino naman kasing gago bumato sa akin nun. Parang ang laki ng galit nya sa akin ah.
"Ano 'to" si Kayson at kinuha sa akin yung listahan. "Ako na ang pipila, just wait for me here" sabi niya at tumango lang ako. Ganyan dapat, kung may mag volunteer na tumulong hindi ka na dapat pumalag buti pa nga tumulong eh. Hehe.. Char lang. Sa totoo tamad lang talaga akong pumila.
Mukang matatagalan pa yun dahil maraming nakapilang estudyante eh. Naupo sa isang bakanteng upuan dahil nakakapagod kayang tumayo.
Habang nakaupo ako narinig ko ang usapan ng mga babae sa likuran ko. At hindi ako nagkakamali, isa ang grupo nila na tinaguriang campus bitches. Marami kasing campus bitch group dito. Iba yung nakaaway namin kanina at iba rin 'tong mga 'to. Aside from the campus bitches there are also gangs. Ang gaganda at ang gagwapo sana kaso suwail ang mga tang*na. Buhay estudyante nga naman.
"I hope, she already knows her place" maarteng sabi nung isang babae na nasa likuran. Eavesdropper lang ako kumbaga. Hehe..
"I hope so, akala ko pa naman dati, she's decent pero malandi rin pala"
"I swear, Erskine will break up her, she extremely ambitious, sa tingin niya magtitino si Erskine dahil sa kanya, in her dream"
"Let's go girls, Tyler text me, they're already done beaten up that flirt girl"
"Ohh.. Pity girl" sabi nung isa at nagtawanan sila saka umalis.
Teka lang, si Aubrielle lang naman yung girlfriend ni Erskine ngayon ah. So... No way... Sigurado akong si Aubrielle yung tinutukoy nila. Pero hindi ko naman alam kung saan nila dinala.
Hindi ko na hinintay si Kayson at tumakbo ako nagbabasakaling masundan ko pa yung mga babae kanina. Buti nalang at mabagal lang yung lakad nila kaya sinundan ko sila.
Saan naman pupunta 'tong mga 'to?.
Agad akong nagtago sa may halagi bigla lumingon yung isa sa kanila.
"Guyz, Is someone following us?" " rinig kong sabi nung isa. Napalingon-lingon naman yung mga kasama nya.
"Wala naman" sabi nung isang babae. Tumango naman yung Lexie at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay may sumalubong sa kanilang pitong lalaki. Kasamahan siguro nila tong mga to. The heck, para akong detective na king*na. Para hindi nila ako makita nagtago ako sa mataas na damo. Sa totoo lang ang hirap ng sitwasyon ko dito, baluktot na baluktot talaga yung katawan ko. May disadvantage rin pala kung matangkad ka ano. Yaga.
Sumilip ako kung ano ang ginagawa nila. Kitang kong lumusot yung mga kalalakihan sa mga barbwires atsaka tinulungan yung mga kababaihan. Ang laki naman ng galit nang mga yan kay Aubrielle.
Akmang tatayo na ako ng biglang may tumakip sa bibig ko.
"Shhhh... Wag kang maingay, don't worry, I'm not with them" bulong niya at tinaggal ang kamay niya sa bibig ko. Dahan-dahan ko syang nilingon at.. Wait kapatid 'to ni Mizia ah...
Si Matthew..
"What are you doing here, you will be in danger if you continue doing this" seryosong sabi niya. Ano naman pakialam niya.
"Kailangan ko silang sundan baka kung ano na ang ginawa nila sa kaibigan ko" sabi ko at tumayo.
"Stubborn" bulong niyang sabi pero rinig ko pa rin.
Hala, asan na sila?.. Tang*na naman oh. Paano ko mapupuntahan nito si Aubrielle. Ito kasing lalaking 'to eh. Panira.. Ayun tuloy nawala.
"Let's go" sabi nya at hinawakan ang pulsuhan ko at hinila papuntang sa mga barbwires. Agad ko naman hinatak yung kamay ko. "I know where are they" sabi nya at naunang lumusot. Hindi na ako naghintay na tulungan niya ako kaya lumusot na rin ako. Sa hindi pagmamayabang expert ako dito. Gawain ko kaya 'to dati. Hehe..
Walang nagsasalita sa aming dalawa habang naglalakad kami. Hindi naman kasi kami close nyan eh.
"Why do you have to do this?" basag niya sa katahimikan. "You don't know this is..."
"Alam kong delikado ang ginagawa ko, but I have to do this to save her" seryosong saad ko.
Sana naman maabutan ko pa syang buhay.