CHAPTER 6

18 0 0
                                    

AMIAH POV:

Hindi parin kami pinapansin ni Aubrielle hanggang sa nag uwian na. Sarap niyang sampalin para magising sa katotohanan, talagang sya pa ang may ganang magalit sa amin ah. Nakakabadtrip. Mapakaloko sya dun lalaking may higad sa titi. Hindi marunong makuntento. Kumakati siguro yung ano nun kung walang mai-kama. At yung kaibigan naman naming tanga. Ayun nagpaloko. Hahay. 

At alam niyo ba kung ano pa ang nakakainis, ang tagal dumaan ng jeep, kanina pa ako nag-aantay dito. Punyeta! Mapapagalitan na naman ako ni tita nito eh. Ang layo pa man ng bahay namin kung lalakarin ko.

Sa wakas may jeep narin at agad ko itong pinara. Huminto naman ito sa harap ko at dali-dali akong sumakay. Medyo nga lang masikip kasi masyado nang maraming nakasakay buti nalang may space pa..

"Ate, pakiabot po nang bayad ko" ako. "Salamat po"

~After 1 hour~

Nang nakarating na ako sa bahay agad naman akong sinalubong ng pusa kong si sushi. At agad ko naman siyang binuhat. Si sushi nalang kasi yung naiwang alaala nang parents ko since they died dahil sa pagkasunog ng bahay namin sa antique. At sa kasamaang palad hindi sila nakaligtas  sa sunog kaya nung nalaman ni Tita Ellen at Tito Marven na wala na  yung parents ko kinuha nalang nila ako. Mga grade 2 pa ako nung mga time na yun. Yan ang drama ng buhay ko.

"Amiah, andito ka na pala, halika, may sasabihin ako sa'yo" nakangiting saad ni tita. Ano naman kayang sasabihin nya. At mukang masaya pa siya ah.

Pumasok nalang ako sa loob bitbit yung pusa kong si sushi at umupo sa couch. Tumabi naman si tita sa akin.

"Amiah, may gusto sanang kumuha sa'yo bilang katulong nila, kung ayos lang sa'yo" si tita Ellen. Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot sa sinabi ni tita, pero nakakahiya kasi sa kanila ni Tito kung tumanggi ako eh, ang kapal ng mukha pag ganun.

"Ok po, tita" ako.

"Sigurado ka ba? si tita at tumango ako.

"Kailan naman po?" tanong ko.

"Ikaw kailan mo gusto?.. Ngayon o bukas nalang" si Tita.

"Ngayon nalang po" ako. Hindi na dapat ipagbabukas pa kung pwede naman ngayon. This is opportunity kaya, game na game ako.

"Ok po. Magbibihis lang po ako" sabi ko at tumungo sa kwarto.

I need to do this, para naman kahit papaano hindi na ako palamunin dito sa bahay. Nakakahiya kaya.

Nang matapos na akong magbihis, inihanda ko na yung mga damit na kailangan ko sa pag-alis ko at saka ako lumabas.

"Amiah, halika kumain ka muna" anyaya ni tita. Tumango lang ako at umupo.

Habang kumakain ako, bigla nalang dumating yung anak ni Tita na para lasing yata 'to eh.

"Anak, lasing ka ba?" si Tita at lumapit sa kanya.

Umiling siya "Nakainom lang, Ma" sagot nya at umakyat sa itaas.

Sarap niyang chop-chopin ng pinong-pino. Pasalamat sya at may nanay pa syang nag-aalaga sa kanya tapos ga-ganyanin lang nya. Ang kapal ng mukha. Walang utang na loob ang putang*na.

'Till You Opened Up My EyesWhere stories live. Discover now