MIZIA POV:
"Bunso" tawag sa akin ni Kuya Tristan.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa laptop.
"Ano pala yung pangalan dun sa kaibigan mong sopistikada at parang tomboy.?" tanong niya.
"Ahh, Estelle Saldivar" sagot ko. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. "You have a crush on her?" pang-aasar ko sa kanya.
Umiling siya "Not me, but the____What the hell! What's wrong with you?" inosenteng tanong ni Kuya Tristan kay Kuya Matt habang hindi hinihimas yung batok niya.
"Shut your f*cking mouth" seryosong sabi ni Kuya Matt kay Kuya Tristan.
"Ikaw yung may crush kay Estelle, kuya Matt?" nakangising tanong ko.
"Of course not" sagot nya at tinalikuran kami. Nagkatinginan naman kami ni Kuya at sabay na natawa. Naupo naman si Kuya sa couch.
"Indenial talaga" bulong ni Kuya Tristan kinuha yung cellphone sa bulsa nya.
"Kuya, totoo ba'ng crush ni kuya Matt si Estelle??" ako.
"Actually, I'm not sure" si Kuya Tristan. Sus, akala ko naman, hindi naman pala sure. Ibinalik ko nalang yung tingin ko sa laptop.
Habang nanonood ako ng Horror movie ng bigla... Waaahhh.. Punyeta!. Badtrip sino ba 'tong wrong timing tumawag.. Unknown number?... Pinatay ko yung tawag at inilapag ko sa mesa ang phone ko at nagpatuloy sa panonood.
Nag vibrate muli yung phone ko. Tang*na, sino na itong gagong 'to, ang kulit.
"Hello" ako.
"Hello, babe.. Haha" sagot nung gago sa kabilang linya. I know sino 'to, walang iba kundi yung anak ni Sir Haisson na ang sarap sapak-sapakin.
"Zion Rhaego Vale Saldivar, hindi ako nakipagbiruan sa'yo! Sabihin muna ang gusto mong sabihin! Punyeta!" inis na sabi ko.
"I like the way you say my full name" sabi pa niya.
Napabuntong-hininga ako "Yan lang ang sasabihin mo?. Nonsense, bye" akmang i-co-call ended ko na yung tawag ng...
"Just wait, are you still mad at me?" tanong niya. Napangiwi naman ako. "Actually, I call you para mag apologize sa'yo" tang*na, para tuloy kami nitong mag jowa na may LQ, yay..
"Sino yung tumawag sa'yo?" Halos maitapon ko na yung phone ko dahil sa gulat. Napatingin agad ako sa pinangagalingan ng boses na iyon at ayown, ang sama ng tingin sa akin ng dalawa kong pakialamerong mga kuya.
"K-kaibigan ko l-lang" utal na sagot ko. Pero parang hindi sila kumbinsido sa sagot ko.
Napataas naman ng kaliwang kilay si Kuya Tristan "Kaibigan ba kamo?"
"Give me your phone" utos ni Kuya Matt sa akin at nakalahad pa talaga yung kamay niya.
"Kuya naman eh" napapadyak pang sabi ko. "Kaibigan ko nga lang yun"