CHAPTER 10

0 0 0
                                    

ANAZIAH POV:

"Anong club ang sasalihan niyo?" tanong ni Mizia sa amin.

"Ikaw? Anong sa'yo?" walang-buhay na tanong ni Estelle sa kanya.

"Hindi pa ako nakapag-decide eh" sagot niya.

"Same" sabay na sagot namin sa kanya. Anong kayang magandang club ang pwedeng salihan?. Kung dance club, hindi naman ako marunong sumayaw, kung sa cooking club naman, ang daming O.A at sipsip dun baka magkakagulo pa. kung sa drama club, hindi rin ako marunong umakting. Nakakainis. Bakit pa hindi nalang nila tanggalin yang club-club na yan eh. Pahirap talaga. Eme-eme lang naman ako sa school na 'to.

"Guyz, sino daw sa inyo ang gustong sumali ng glee club and Painting club" nakangiting anunsyo ni Liam. "Just proceed in Sir Espinosa's room if you choose the glee club to audition, and proceed to Sir Haisson's room if you choose a painting club to audition also."

Si daddy na pala yung bagong nag ho-hold ng glee club pero ayoko sa glee club. Hindi naman maganda boses ko eh, mapapahiya lang ako. Kumakanta lang naman ako kung mga kaibigan ko lang yung kasama ko pero in front of my family at sa ibang tao. No way. But I always heard compliments with my friends pero hindi naman iyon totoo eh. Wag kayong magpapaniwala sa mga yun. Gusto ko sana dun sa painting club pero wala akong passion sa ganyan eh.

'I think sa painting club nalang ako'

'Mas preferred ako sa glee club, wala kasi akong talent sa painting eh'

'Ang hirap pumili sa dalawa'

'Salihan mo nalang lahat. Hahah"

'Let's go, guyz, I'm excited to audition'

Napangiwi nalang ako sa mga naririnig ko. Ang lalandi talaga nila. Excited mag audition o excited dahil may gusto makita. Tsk.

"Mga babae talaga" rinig naming sabi nung isa naming classmate na lalaki. Kunti nalang pala kaming naiwan dito room. Mga undecided kung anong club ang sasalihan.

"Anyway, may bago palang sports ngayon. Mix Martial Arts kung gusto niyo sa sports club at yan ang sasalihan nyo kay Sir Benjamin and Sir Haisson din kayo magpalista and sila rin yung trainer niyo. " dagdag ni Liam atsaka lumabas ng room.

"Drama club nalang tayo" si Mizia. Napatanga naman kami sa kanya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Mizia, gutom ka ba?" si Chermine.

"Kinulang ka siguro sa agahan noh?" si Astrid.

"Baka kinulang sa agura" si Amiah.

"Kaninong aruga naman.. Hahha" pakikisali ko.

"Guyz, seryoso, no choice tayo" pagtitimpi ni Mizia. Nagpipigil ng inis, buti pa siya may control sa sarili unlike me.

"Kung drama club tayo, hindi naman tayo marunong umakting, magmumukha lang tayong tanga dun" si Amiah.

"Oh nga naman, mag isip nalang tayo ng ibang club yung medyo basic lang" saad ni Chermine.

'Till You Opened Up My EyesWhere stories live. Discover now