ESTELLE POV:
King*na, ito na naman yung physics na buwisit. Sino ba naman kasing naka-imbento nito eh, pahirap talaga. Putang*na!! Pareho lang talaga sila nung Math. Nakaka-pressure sa utak lalo na sa mga boplaks katulad ko. Pang genius lang yata 'tong mga subject na'to eh. Hahay.
Kinalabit ko si Anaziah "May sagot ka na?" bulong ko sa kanya.
"Wala pa eh" bulong nyang sagot. Tada, masasabi kong mas ok nalang yung math kanina kasi multiple choice naman lahat yun pero itong physics hindi talaga madadala sa chamba-chamba eh, paano ba naman kasi solvings lahat. Tang*na. Parang gusto ko na'ng maiyak sa kabubuhan ko.
Napatingin ako sa wall-clock, at king*na malapit na matapos yung time wala parin akong sagot. Naloko na this. Nakakaputang*na naman, bakit kasi ang hirap nito eh, pwede naman enumiration or multiple choice nalang.
*KKKKKRRRRIIIINNNGGGGG*
"Pass your papers" si Teacher Zhee. Wala na, time na pero blanko yung papel ko. Hindi nalang ako magpapasa alangan naman ipapasa ko ito na walang sagot." We will check your answers tomorrow and Prepare for the oral recitation as well. Mag ra-random call ako.. Class dismiss"
Nakakainis, wala na nga akong answer may oral recitation pa bukas. Kabahan to the max. Hayst, ako lang siguro yung gising nung umulan ng kabubuhan kaya nasalo ko lahat. Punyeta!!!. Huhuhu..
"May sagot ka ba dun sa long quiz?" tanong ko ulit kay Anaziah. Nagbabasakaling wala rin siyang sagot. Nakakahiya kaya kung ako lang yung wala..
"Meron, pero di ako sure dun eh" si Anaziah. Napatanga ako sa kanya. Tang*na, ako lang talaga yung walang sagot. Paktay na this.
"Ba't hindi mo ako sinabi?" nakasimangot kong sabi.
"Hindi nga ako sure dun sa sagot ko eh, at isa pa hindi ko pa natapos yun" si Anaziah. Hindi nalang ako nagsalita baka magalit pa yan eh. Mahirap na. Pero kinakabahan talaga ako para bukas. What if ma-special mention ako kasi hindi ako nag pass. Na tang*na talaga. Huhuhu... Overthink malala.
*LUNCH*
Nakakawalang gana naman eh, nakakainis. Paano kaya kung hindi ako papasok bukas pero hindi naman ako papayagan ni lolo umabsent, kung magsinungaling naman ako na may sakit baka dalhin pa ako nun sa hospital, O.A pa naman yun, mas lalo akong mananagot. Tang*na talaga.. Wala na akong maisip kung ano ang dapat kong gawin para bukas. Dumagdag pa yung oral recitation. Buwisit talaga. Ang malas ko talaga ngayong araw na 'to eh.
"Hoyy!!!____"
"Tang*na!! Ano!?" inis na sabi ko.
"Mag la-lunch na tayo tulala ka pa dyan." si Anaziah. Hindi na ako nagsalita, kukuhanin ko sana yung baunan ko pero naalala ko na hindi pala ako nagbaon. Ok lang, wala naman talaga akong gana. Huhuhu.
"Hindi ka ba mag la-lunch?" si Aubrielle.
"Hindi ako nag baon, bibili lang sana ako kaso wala naman akong gana" walang buhay kong sabi. Napailing nalang si Anaziah at may kinuhang isa pang baunan sa bag nya. Binuksan muna nya saka ibinigay sa akin.