CHAPTER 15

0 0 0
                                    

ESTELLE POV:

Hindi pa talaga masyadong magaling 'tong mga sugat ko. Pambihira naman eh. Kainis!. Padalos-dalos pa more ito tuloy napala ko. Tang*na.

Buti nalang at sinamahan ni Matthew dahil kung hindi nasa ICU siguro ako ngayon, nakahiga na may oxygen. Lesson learned don't be padalos-dalos.

But I'm just worried about Aubrielle kaya ko nagawa yun eh. Natakot lang kasi ako baka kung anong mangyari sa kanya. Pero may mali parin ako eh, sumugod ako dun ng padalos-dalos kaya napuruhan kaming dalawa ni Matthew. Hayst, hindi talaga maiiwasan ang  maging impulsive minsan eh.

"Apo, sigurado ka ba'ng papasok ka ngayon?" si Lolo habang inihahanda yung baon ko.

"Opo, Lo, ngayon kasi namin sisimulan yung paggawa ng costume and props eh" ako.

"Kaya mo ba?. Hindi pa naman masyadong magaling yang mga sugat mo." may halong nag-alalang sabi ni Lolo.

Tumango ako "kaya ko naman po, Lo" kaya ko nga ba?!. Kakayanin. Hahay. Napatingin ako sa wrist clock ko. It's already 6:30. I have to go, dahil baka mapagalitan na naman ako ng adviser namin. "Alis na po ako, Lo"

"Mag-ingat ka" si Lolo.

Tumango ako "Opo, Lo" isinukbit ko ka yung bag ko atsaka umalis.

Buti nalang at may dumaan na jeep, at agad ko itong pinara. Nagbayad muna ako sa conductor at saka sumakay. Marami ng sakay ang jeep but I'm thankful dahil may space pang natira. And mostly sa mga student na naka-sakay ay ka-schoolmate. Bakit ko nalaman, obvious naman siguro kapareho ko sila ng uniform at hindi ko makakapasok sa campus kung hindi ka mag susuot ng uniform and ID. Masyado silang secured.

~10 minutes later~

*SCHOOL*

Ano ba'ng problema ng mga taong 'to, kung makatingin wagas, parang ngayon lang nakakita ng dyosa. Charizz. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin.

Nang makarating na ako sa first floor ng building iniisip ko kong kakayanin ko pa ba'ng umakyat patungong third floor. Saklap kapag nasa third floor yung classroom. Sumakit kasi yung sugat ko sa tagiliran, hindi manlang makisama. Pahupain ko muna yung sakit saka ako magpatuloy.

"Estelle!" alam kong si Kayson yung tumawag sa akin. Boses palang alam na. Hindi ko sya nilingon dahil masakit talaga.  Putang*na. "How are you?" tanong nya agad ng makalapit sa akin.

"Ayos lang ako" pagsisinungaling ko. Ayokong ipaalam sa kanya na masakit yung sugat sa tagiliran ko. OA pa naman yan.

"Are you sure?" si Kayson na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.

Tumango ako "Yeah, ok lang ako"

"Sandali lang, perstym mo yatang hindi nagsuot contact lenses" mahinang sabi ni Kayson. Nagulat naman ako ng sinabi nya yun. What the fuck! Kaya pala ang daming nakatingin sa akin kanina. Pambihira naman oh. "It's okay, hindi naman nila alam kung anong totoong kulay ng mata mo eh, maybe they think you're just wearing lenses"

"Oh nga naman noh, halika na" ako. Paakyat na sana kami ng Bigla nalang may nagsabunutan kaya napaatras kami ni Kayson. Problema ng dalawang 'to.

Agad naman silang inawat ng ibang mga students at pinaghiwalay.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng malandi pero ikaw pala yung malandi!" galit na turan nu'ng isa.

"Bakit totoo namang malandi ah! Bakit sino ba sa atin yung nagpalaglag" ganti naman nung isa.

"How dare you! I will kill you
b!tch!" sigaw nung isa at pilit na kumawala sa mga nakahawak sa kanya.

"Bitch? Ikaw yung b!tch! Pokpok!" sigaw nung isa. Tang*na, hindi ba sila nahihiya sa pinag-gagawa nila.

"Ano ba! Let go of me!" sigaw nya sa mga may hawak sa kanya pero hindi sya pinapakawalan.

Napailing nalang kami ni Kayson at nagpatuloy na sa pag-akyat. Kaloka yung mga yun.

Sa wakas nakarating na rin kami ng third floor. Medyo masakit pa rin sya ng kunti. Sumilip muna kami ng room, buti nalang at wala si Ma'am Zaragoza, kaya dali-dali kaming pumasok at naupo sa kanya-kanya naming upuan.

"Pasalamat kayo lumabas sandali si Ma'am" bulong sa akin ni Chermine. Shems, late na pala kami. Buti nalang naisipan ni Ma'am Ang lumabas muna."Nakalimutan mona naman isuot ang lenses mo"

                     
                       ~•~•~•~•~•

MIZIA POV:

Masyado sigurong malalim yung natamo niyang mga sugat dahil hindi pa masyado magaling ang mga ito. But mas malala yung natamo ni kuya Maxton compared sa kanya dahil hanggang ngayon, naka-confine parin sa hospital. Pero hindi ko masisisi si Estelle sa nangyari kay kuya dahil si kuya mismo ang  kusang sumama. Actually, hindi naman dapat sya ang mabaril pero iniharang niya sarili nya para protektahan si Estelle. Feeling hero kasi minsan yun si kuya. Akala nya bulletproof yung katawan nya. Pareho lang sila ni Estelle, sarap pag-untugin. Pero ang pinagtataka bakit nya ginawa yun?.. I smell something fishy.

"Mizia, Sorry pala sa nangyari sa kuya mo, dahil sa akin mapahamak sya" 

"Hindi mo kasalanan yun, kasalanan yun ng gagong bumaril sa kanya" saad ko. Buti nalang at nakakulong na rin yung bumaril kay kuya. Deserve nya sa kulungan, hindi na sana makalaya. Dun na sana sya mamatay.

"Kamusta na sya" si Estelle.

"As of now naka-confine pa rin sya" ako.

"Ganun ba?" si Estelle at halata sa kanya na nag-aalala sya kay kuya. Gusto ko sana sya asarin pero baka magalit. "Pwede ko ba syang dalawin mamayang uwian?"

Tumango ako "Yeah, of course"

"Hindi ba galit yung parents mo sa akin?" si Estelle.

"Hindi, alam naman nilang hindi mo kasalanan yun eh, so, don't worry they're not mad at you" ako. Ngumiti naman. Nakalimutan nya sigurong mag wear ng lenses. Ang ganda nya talaga kaso barako lang. Boyish na boyish.

~20 minutes later~

"Class, go to your clubs now, the principal announced that we have to prepare for the upcoming intramurals next week" si Ma'am Zaragoza. "You can go" Isang magandang balita. Haha..

"Mauna na ako. Anyway, just call  me anytime if you need me" si Kayson at ngumiti. Ang cute nya kapag nakangiti sya.

"Sige, salamat" si Estelle. Minsan na iingit ako dito Kay Estelle kasi madali lang niyang nakakausap si Kayson. Ako hanggang tingin lang, nahihiya kasi akong kausapin sya eh. Pero sabi ko dati crush ko lang talaga sya, crush lang. Pero kung may pagkakataon bakit hindi, diba?.. Charizz.. hahaha.. Pero imposible na kasi may jowa na sya. Nakaka-sad. 😢

'Till You Opened Up My EyesWhere stories live. Discover now