After I graduated, bumalik ako sa probinsya namin para magbakasyon. I want to rest kahit mga 2 months lang bago mag-apply ng trabaho.
I received a message from my friend Hailey. She's inviting me to go to her birthday celebration and sino ba naman ako para tanggihan pa.
It's been a long time noong huli naming pagkikita, graduation pa nga ata yun noong senior high school. Hindi ako umuwi dito simula nang magcollege ako sa Manila. I want to forget someone. Gusto kong magfade ang feelings na meron ako sa kanya. It hurt me so damn much, and I think that it is the best way to heal and move on.
Nang makarating ako sa coffee shop na tinatambayan namin nina Hailey, Lizee, at Faye before ay nakaramdam ako ng kaba dahil dito din kami tumatambay ng lalaking minahal ko noon at nagflashback sa akin kung paano kami nagsimula at kung paano rin kami natapos, kung paano natapos ang lahat.
"Wala naman siguro sya dito" I said in my mind para naman kumalma ako kahit papaano.
When I entered the coffee shop ay nakita agad ako nina Hailey, kasama nya na sina Lizee at Faye. Sinalubong nila ako and we greeted each other.
"Tagal mong hindi nagparamdam ah, anong pinaggagagawa mo sa manila?" Hailey asked.
"Nag-aral malamang" I chuckled.
"Gaga!" inirapan nya ako at tumingin sa may pinto na para bang may hinihintay pero hindi ko na lang pinansin, baka si Zach yun.
"Kamusta nga pala kayo ni Zach?" I asked.
"Okay naman, hindi sya makakasama ngayon sa atin. Busy sa work nya" she answered at tumingin sa relo nya. Eh kung ganon, sino ang hinihintay nya? May biglang pumasok sa isip ko, pero imposible naman dahil hindi naman sila close.
Si Lizee ay busy sa phone nya at parang may kausap, sana all. Si Faye naman ay may sinagot na tawag.
Kinakabahan ako, and I don't know why. Parang may kakaiba, parang may mangyayari or maybe nag-ooverthink lang ako? I'm not sure.
Nang makabalik si Faye sa table namin ay dumating na din yung inorder nilang kape. Sila na ang pinaorder ko ng akin dahil hindi naman ako choosy pag dating sa kape.
Nagtaka ako nang makita na lima ang inorder nilang kape, eh apat lang kami.
"Bakit lima? Sino yung isa?" Nagtatakang tanong ko.
When they are about to answer, napunta ang tingin nila sa pinto ng coffee shop, meaning may pumasok. They smiled widely at kumaway, kaya lumingon ako sa likod ko. Nanglaki ang mga mata ko and I can't even speak. I was stunned in my place kahit tumayo silang tatlo at sinalubong ang lalaking kararating lang.
Wala akong nakita na pagkagulat sa reaction nya, tila ba ay expected na nya na nandito ako.
Kelan pa sila naging close? Kelan pa nila naging kaibigan yan? I can't think properly. Shit! After 4 years, ngayon ko na lang ulit sya nakita. At sa pagkikita naming ito, parang bumalik yung pain, yung pain na akala ko wala na dahil 4 na taon na din naman ang lumipas. Pero bakit ganito?
Tumingin ako kina Faye, Lizee, at Hailey. They are smiling at me, ngiti na hindi ko maexplain, para bang alam na din nila yung nangyari noon.
Nang makalapit sila ay sa harap ko pa nila pinapwesto ang lalaking 'to. Ang awkward.
Nakakatangina lang dahil hindi man lang nila sinabi sa akin. Tahimik lang ako habang nagkakape when I remembered something, kaya naman napatingin ako sa kanya and he is also looking at me, agad akong umiwas ng tingin.
Tangina ano ba 'to? Bakit naman ganito? Bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang? Eh hindi naman dapat. Masyado akong nasaktan sa nangyari noon kaya hindi dapat ako makaramdam ng ganito.
Hindi dapat ako manghinayang because I deserve someone better.
YOU ARE READING
Aroma of Love
RandomIn a world where the aroma of freshly brewed coffee, Amara Elle is known as a true coffee lover. Elle's love for coffee knows no bounds. Through laughter and tears, coffee remains her comfort, relaxing her in moments of chaos and lifting her spirits...