Chapter 1

21 3 6
                                    

"Lizee! Saan ididikit itong tarpapel?" I asked tapos na kase naming pagdikit-dikitin. We are preparing for the teacher's day celebration.

"Beh sa blackboard na lang, tas yung isang tarpapel ay dadalhin natin sa gym pati yung ibang mga lobo" she answered.

"Sige sige"

After idikit sa blackboard ay inabot sa akin ni Sean yung camera nya, ako na lang daw ang magpicture mamaya.

After a few minutes ay pinababa na din kami para pumunta sa gymnasium dahil bago ang program sa kanya-kanyang classroom ay meron munang general program na doon magaganap.

Hindi nagtagal ay nagstart na din ang program. Chosen student council namin ang mga host ngayon and they are now introducing the teachers and the other non-academic worker sa school na ito.

Masaya naming sinusuportahan ang mga teacher na dumadaan sa gitna at lalo na ang mga grade 12 teachers na ngayon ay iniisa-isa na nila.

One of them got my attention, kakaiba ang dating nya, he looks attractive sa hairstyle at outfit na yun. It suits him so much. Pero hindi pwede itong nafifeel ko, kailangan kong ituon sa iba ring teachers ang attention at paningin ko, at hindi ako nabigo dahil nagawa ko syang hindi pagtuonan ng pansin.

Pero bago magtapos ang general program ay sasayaw ang mga teachers at nandon sya sa unahan at gitna pa. No doubt, dahil magaling talaga sya e. Napakatalented.

When they are dancing, I didn't notice that I am already smiling while watching him dancing there not until hampasin ako ng pamaypay ni Lizee.

"Girl, ngiting-ngiti?" she said na may mapanuksong ngiti.

"Gaga natutuwa lang ako, ang cute nila panoorin" I lied, but she really knows me well.

"You can't lie to me Elle, I know kung anong meron sa ngiti mong yan"

"Oh ano naman?"

"Anong oh ano naman!? Girl, teacher yan ha, pero I support you" then she laugh again at may paghampas pa sa braso ko.

"Humahanga lang naman ako" I said to defend myself.

"Humahanga lang? Sige, sabi mo e" she said but obviously hindi sya naniniwala, she just gave me a teasing smile.

Pagbalik ng paningin ko sa stage ay bumababa na sila at tapos na magperform. Nakaramdam ako ng panghihinayang but at some point napangiti na lang ako nang maalala ko kung paano sya sumayaw.

'Happy crush lang 'to, mawawala din agad' I said in my mind.

***

We are already here in our classroom at nagi-start na din ang program dito with our adviser and adopted non-academic worker.

I'm the one who's taking the pictures, and the hosts are our class president and class vice president.

Maayos naman ang naging program at may mga palaro kaya naman kami ay nag enjoy kahit sobrang napagod. After ng games ay nagjamming din kami with our class adviser kumanta kaming lahat ng iba't-ibang kanta kaya lalo namang nag-enjoy ang lahat.

Pagkatapos ng nakakapagod na program ay nag-uwian na at hindi ko inaakalang makakasalubong ko si Sir Paul.

Bagay na bagay talaga sa kanya ang ganong hair style. Pero mas bagay kami.

Natigilan ako sa sariling naisip. Tanga hindi pwede huhu. Napapikit ako at na-estatwa ng may marinig ako na pamilyar na boses.

"Huy udang anong nagawa mo dyan? Bakit nakapikit ka dyan sa may hagdan?" He said, kaya minulat ko ang mga mata ko and he's standing in front of me. "Pag laang ikaw ay natulak-tulak laang dyan hulog ka" he was about to go upstairs nang magsalita ako bigla.

"Pogi mo sir" I looked at him at tumingin din sya sa akin. "Alam ko" he said at dumeretso na paakyat.

Ang attitude, but I just chuckled sa naisip ko.

***

Nanonood ako ng mga story ng fb friends ko at nakita ko yung kay Hailey, she is part of his advisory class and she is my friend.

Nakasakay si Sir Paul sa maliit na motor, yung pangbata habang tinutulak ng ilang students nya. He's so cute, I smiled while watching him. Naka-ilang ulit ako na panoorin yung story dahil nakakatuwa talaga.

Nagchat ako kay sir para batiin sya ng 'Happy teacher's day' at nagreply naman agad sya ng 'thank you' and with that conversation masaya na ako at buo na ang araw ko.

__________________________________

Aroma of LoveWhere stories live. Discover now