'Thank you, sa susunod ulit:)'
I smiled nang mabasa ko ang message nyang yun.
To: Maverick Austin De Vera
Sureee, thank you din!
Nagseen agad sya pagkasend ko nung message ko. Ang bilis ah.
From: Maverick Austin De Vera
Nakauwi ka na?
I replied 'yes' at nagheart na lang sa message.
After that I fell asleep.
The next morning when I checked my phone, it's already 7am. Napabalikwas ako ng bangon at tumakbo sa CR dala ang towel para maligo.
8 am ang time kaya nagdali-dali na ako. Binilisan ko ng pagligo at nagbihis agad. Pagkatapos, ay kumain lang ako saglit at nagtoothbrush tapos umalis na din. Naglakad ako ng kaunti papunta sa kanto.
Nang icheck ko ulit ang oras ay 7:35 am na, at walang dumadaan na tricycle or van na papuntang pinamalayan.
Nagulat ako nang may huminto sa harap ko na big bike at nang tanggalin ang helmet ay si Mavi.
"What the hell are you doing here?" Gulat na tanong ko.
"Sakay na, malelate ka na" inabot nya naman ang helmet sa akin.
Chineck ko muna kung nasa labas ng bahay sina nanay at tatay bago kunin yung helmet.
Nang hindi ko sila makita ay kukunin ko na sana yung helmet kaso bigla nyang nilayo.
"Tangina?" nagpapanic na sabi ko, ayoko talaga malate huhu.
"Lapit" he said, kaya kahit nagtataka ako ay agad akong lumapit. Medyo kinabahan ako nang sya ang maglagay ng helmet sa akin. Bakit ako kinakabahan? Pero hinayaan ko na lang muna at umangkas agad sa kanya pagkasuot ng helmet sa akin.
"Hawak" he said.
"H-huh?" Nagtatakang tanong ko pero nagets ko din agad kaya humawak ako sa hawakan sa likod.
"Sa akin ka na humawak para mas sure na safe ka, don't worry walang malisya" kaya kahit gusto kong tumutol ay ginawa ko na lang dahil malelate na talaga ako.
Nang makayakap ako sa kanya mula sa likod ay agad nyang pinaharurot yung motor nya. And now I get it kung bakit sa kanya nya ako pinahawak. Binilisan ngunit maingat syang nagdrive.
Agad kaming nakarating sa school kaya dali-dali kong tinanggal ang helmet at nagpasalamat. Tumakbo agad ako papasok kahit gusto ko syang tanungin kung bakit sya nandoon dahil sasaraduhan na yung gate for the late comers, buti nakaabot ako. Thanks to Mavi. Hindi na ako nakapila, dahil naabutan ako ng dasal dito sa may gate.
After the flag ceremony nagsimula na akong maglakad papunta sa section ko.
"Talagang sinasagad mo ang oras ah" Lizee joked when we entered the classroom.
"Alangan, nakakatamad kaya pumasok" I said habang binababa ang bag ko. She chuckled.
"Buti talaga hindi ka nalelate" She said.
"Malakas ako kay Lord eh, alam nyang ayaw ko maglinis sa ground" I joked that's why we laugh.
Nang pumasok ang adviser namin sa room ay nagsimula na ang klase. After ng first period ay may isa pang subject bago magrecess.
"Girl nagugutom na ako" bulong ko kay Lizee.
"Ako din" we looked to each other at nagkaintindihan kami.
Patago nyang binuksan yung tinapay na dala nya at patago rin kaming kumakain habang nagkaklase. Hindi naman kami agad mapapansin dahil nasa may parteng likod kami at gilid pa.
YOU ARE READING
Aroma of Love
RandomIn a world where the aroma of freshly brewed coffee, Amara Elle is known as a true coffee lover. Elle's love for coffee knows no bounds. Through laughter and tears, coffee remains her comfort, relaxing her in moments of chaos and lifting her spirits...