Chapter 9

12 2 10
                                    

"Let's grab a coffee"

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. I don't know this person who texted me, number lang din kasi ang nakalagay.

Imemessage ko sana sina Lizee, Faye, at Hailey if alam nila kung kaninong number yung nagtext sa akin nang biglang magmessage ito ulit.

"Sorry, si Mavi ito. I forgot na wala pala dyan ang number ko"

Tangina si Mavi lang pala, kaya nagreply na lang din ako.

"Hayop na 'to hindi agad nagpakilala"

Agad syang nagreply after kong isend ang message ko.

"Sorry na ngaaa, kape tayo"

"Sige, ngayon ba?" I replied at nilagyan ko ng pangalan yung number para naman makilala ko na sya sa sunod. Bumibigla na lang eh.

Mavingot:"Kelan mo ba gusto?"

"Bukas na lang, gusto ko mag-me time ngayon hahahsksk" reply ko.

Mavingot: "sure sure, i'll pick you up tomorrow at your school"

Agad akong nagreply at tumanggi noong sinabi nya na susunduin pa ako sa school. Hanep din 'to ah, ayoko nga ng issue huhu.

Mavingot: "bahala ka"

Hindi ko na sya nireplyan at dumapa na lang sa kama para manood ulit sa tiktok. After ng tiktok ay movie naman sa netflix, kaya kumuha ako ng chips at nagtimpla ng iced coffee saka dinala sa kwarto.

***

"Bakit hindi ka nagrereply kagabi?" Lizee asked while we are eating lunch dito sa room nina Hailey.

"Naka-dnd ako gaga" I answered.

"Bakit ka naman nag-dnd aber?" Tanong ni Hailey at tinuro ako gamit ang tinidor nya.

"Nag-me time ako, sawa na ako sa inyo" malokong sagot ko.

"Sa amin nagsasawa, pero kay Mavi at sa kape hindi" Faye said.

"Alangan" napatigil ako sa sariling sagot. I looked at them at nanlaki ang mata nila na nakatingin sa akin, "I-i mean sa inyo nina Mavi ako nagsasawa, hindi s-sa kape" ano ba yan! Huhu. Agad na napaltan ng nakakaloko at mapang-asar na ngiti ang reaction nila. Naghihintay ako na mang-asar sila pero wala akong narinig. Wow, himala ah.

Natapos kaming kumain at naging mabilis ang oras. "Fishball tayo?" pag-aaya ni Faye.

Sasama sana ako ng maalala ko ang usapan namin ni Mavi. Shet!

"May lakad ako beh, hindi ako makakasama" I gave them an apologetic smile.

"Alam ko, sila ang niyayaya ko. May sundo ka e" napakunot ang noo ko because of what she said.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Ayun oh! Gaga" turo ni Lizee sa nakapark na motor malapit sa gate. "Nakakahalata na kami ha" dagdag pa nya.

"Gaga, wala yan" I said.

Ano ba yan!? Sinabi ko na wag na akong sunduin eh. Jusmeyo mahabagin.

Nang makalabas kami sa gate ay lumapit na kami kay Mavi na sakay sa Nmax na motor at naghihintay. Ngumiti sya sa amin at bumati, ganon din naman ang ginawa nina Hailey, Faye at Lizee.

"Sabi ko sa'yo wag mo na akong sunduin diba?" Naiiritang tanong ko.

"Hoy! Wag mo munang awayin, andito pa kami oh. Mahiya ka naman beh jusme" Hailey said kaya napasapo ako sa noo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aroma of LoveWhere stories live. Discover now