Chapter 5

13 2 11
                                    

"Sisimba kayo bukas?" Faye asked habang naglalakad-lakad kami.

"Oo girl, ako pa ba?" saad ni Hailey

"Yep, may serve ako bukas" Lizee answered.

"Ikaw Elle?" tanong nya sa akin.

"Hindi ko sure" sagot ko.

"Baka nasa choir yun bukas, sumimba ka na" napatingin ako bigla kay Faye at naalalang si Sir Paul din nga pala ang adviser ng choir.

"Sige sige sisimba ako bukas dito sa Pinamalayan" chance ko na yun para makita sya.

Umuwi na lang din kaming lahat after nun para magpahinga na lang kase alam naming mapapagod na naman kami buong week.

Pagkauwi ko nanood lang ako ng movie sa Netflix at naging mabilis ang oras. Dumating na din sina nanay at tatay kaya sabay-sabay kaming nagdinner.

Pagkatapos maghapunan ay naghugas lang ako ng plato at natulog.

Kinabukasan ay ginawa ko ang ilang activities na hindi ko pa nagagawa at nag intindi na para sa pagsimba.

I'm just wearing a white t-shirt and black cargo pants. Nagrubber shoes na lang ako para komportable gumalaw.

Nang makarating ako sa simbahan ay sinalubong ako ni Faye.

"Si Hailey?" I asked.

"Nasa loob na, kasama si Zach" she said at niyaya na ako sa loob

We are sitting kung saan kita ang mga choir, and when I look at the choir loft, I saw him fixing the mic that they will use.

After a few minutes, nag start na ang mass. Kumakanta din sya at medyo nangingibabaw ang boses nya. Ang sarap pakinggan. Nagfocus na lang muna ako sa misa hanggang sa ito ay matapos.

Bago umuwi ay nag picture muna kaming magkakaklase para sa attendance. Si Faye at Hailey ay nasa kanilang section kaya doon kami dumeretso sa pwesto nila.

As what I am expecting, nandon sya. Tapos na ata sila mag-attendance dahil nagtatawanan na sila.

"Hoy kape naman tayo" pakinig ko sa pag-aaya ni sir kaya agad akong napatingin sa direksyon nila. Ang mata nina Faye at Hailey ay nasa akin din na may mapang-asar na ngiti.

"Ay may date ako sir, next time na laang" sagot ng isa nyang student.

"May lakad pa po kami nina mama, need ko na umuwi" sagot naman nung isa.

Most of them ay di makakasama kaya sina Faye at Hailey ang pumayag na ikinasaya ko naman.

Hinintay lang namin sila ni Lizee na makalapit at kunwari ay walang alam.

"Hi sir!" Bati namin ni Lizee.

"Oh finally makakapagkape na tayo" he said, kaya natawa kami.

"Kakagaling mo lang ata sa lagnat sir, magkakape ka agad" I said.

"Oh ano naman? Gamot ko ngane yan" we laugh on what he said.

Nilakad lang namin papunta sa Coffee Grind, ito yung bago naming tinatambayan na coffee shop. 

Nang makarating kami ay humanap na ako ng pwede naming pwestuhan habang sila ay umoorder. I am sitting comfortably when I notice someone sa kabilang table.

He is the guy na nakabanggaan ko. I'm staring at him and I didn't notice that Lizee, Faye, Hailey, and Sir Paul are already here.

"Huy!" paggising ni Lizee sa diwa ko kaya nagulat ako.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa lalaking nasa kabilang table ay nakatingin na din sya sa direksyon namin, kaya agad ko ring ibinalik ang paningin kina Lizee.

Aroma of LoveWhere stories live. Discover now