-Kinabukasan-
Nang makaakyat ako sa second floor ay nagulat ako sa pinto ng room nina Sir Paul dahil may malaking tarpapel doon na may mukha nya.
Pero bahagya akong natawa dahil picture nya pa yun noong nasa around 18 or 19 pa lang sya.
Dumeretso na ako sa classroom at nilagay ang bag ko.
"Beh! Napanood mo yung mga story sa fb ng advisory class nya?" Lizee said habang papalapit sa akin.
"Alangan! Ako pa ba!?" mayabang sa sabi ko. "Girl! Ang pogi" pagpapatuloy ko at binato sya ng tissue na nasa armchair ng katabi ko dahil sa kilig.
"Kapag kinikilig, kilig lang. Walang batuhan 'te" she said at binato din sa akin ang tissue then we both laughed.
Nakapila kami ngayon sa ground for the flag ceremony and I saw him beside Jed, one of his student that's why I also look at Lizee who's also looking at me with a teasing smile.
Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya hanggang sa matapos ang flag ceremony. Kaya naman todo din ang ngiti ko dahil if ever na tumingin sya sa side ko, hindi ako mukhang tanga na tulala at seryoso.
Ilang minuto nang makabalik kami sa classroom ay nagsimula na ang klase.
***
Naglalakad kami ni Stef papuntang canteen nang makita ko sya na nasa mushroom table kasama ang ilan sa mga students nya. They are laughing.
Napako ang paningin ko sa kanya, 'damn he's so cute' I said in my mind.
Nasa kanya lang ang paningin ko habang naglalakad kaya naman natalisod ako at muntik na ma-out of balance. Buti na lang at nahawakan agad ako ni Stef na ngayon ay tawa nang tawa dahil medyo malakas yung pagkakamura ko.
When I looked at sir Paul's direction, they are all looking in our direction and they are all look confuse.
Nagulat at nataka ako nang bigla silang nagtawanan 'Shet! Nakita ba nila pagkatalisod ko at napakinggan ba nila yung pagmumura ko?' tanong ko sa isip ko.
"Luko! Sa dinadaanan ang tingin, wag dito" he laughed, at imbes na mainis ako ay bahagyang natawa na lang ako.
"May tinitignan lang po ako doon" I lied at tinuro ko ang parteng likod nya. Kaya lumingon din sya at nakita si kuya guard na naka-upo lang doon.
"Ay bet mo si kuya guard ano!?" Pang-aasar nya kaya naman nagtatakang tumingin ako sa kanya at nagtawanan ang mga kasama nya pati si Stef. Ang ending, nakitawa na lang din ako at dumeretso na sa canteen.
Nang matapos ang recess ay bumalik na ulit kami sa classroom at nagsimula na ulit ang klase.
***
"Ang tagal naman mag-uwian" pagrereklamo ni Aldrich na nakasukbit na ang bag kahit 3pm pa lang naman. He's always been like that.
"Beh, sama ka?" Lizee asked me.
"Saan?"
"Sa faculty, ipapasa itong pinagawa ni Ms. Rica" she said and waved the papers that she's holding.
Agad na napangiti ako sa narinig ko, umaasa akong nandon sya kaya sumama ako, but sadly wala sya doon. May klase ata.
When we are about to go back in our classroom napansin ko ang lalaking kakalabas lang sa isang classroom and bigla akong naexcite kaya hinila ko agad si Lizee sa way na dadaanan ni Sir Paul, and there's his sassy walk.
Patay malisya kami ni Lizee habang naglalakad at nang malapit na sya ay agad akong ngumiti at bumati. Ganon din naman si Lizee.
"Good afternoon sir" we greeted him.
"Good afternoon" he said and he pat my head same with Lizee.
Nang medyo makalayo ay hindi ko mapigilan ang kilig at pinaghahampas ko si Lizee.
"Girl shet! Kita mo yun!? Hinead pat nya ako" I said at inuga-uga pa sya.
"Oo 'te! Ako din naman ginanon nya, jusko" she said habang hinahayaan ako sa ginagawa ko sa kanya.
"Ayos lang, at least ako ang una nyang hinead pat" Sabi ko at inayos ang sarili ko "Tara na, baka nandon na ang next teacher"
***
Finally! Uwian na, sa may faculty kami umikot at inaasahan na makikita sya pero ako ay nabigo.
"Oh girl? Lumbay ah" Lizee said na may halong pang-aasar.
"Wala sa faculty e"
"Aguy! Magfishball na lang tayo sa labas" I just let her to pull me hanggang sa makarating sa labas ng gate. Hinanap pa rin sya ng mga mata ko pero wala pa rin talaga.
"Beh wag mo na hanapin baka may pinuntahan lang" she said while eating.
I just gave her a sad smile kaya sinubuan nya ako ng fishball.
Nang makauwi na ako ay dumeretso ako ng higa sa kama dahil sa pagod. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako, parang may kulang. Hindi ko maintindihan kung anong nafifeel ko.
Maybe because I didn't see him before I leave the school.
Dali-dali kong binuksan ang phone ko nang tumunog ito. I thought he is the one who messaged me but it was Lizee.
From: Lizee
"Girl, may copy ka nung sa MIL?"
To: Lizee
"Wala beh, hindi naman ako nagsusulat ng notes HAHAHA"
From: Lizee
"Ay geh, hanep tama yan HAHAHA"
Nagreact lang ako sa last message nya at bumalik sa pagkakahiga. I just closed my eyes at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
***
The next morning binilisan ko na ng kilos dahil 6:15 na ako nagising, 7:15 ang time at may kalayuan ang bahay namin sa school.
"Bunso kain muna" Tatay said.
"Hindi na tay, bibili na lang ako ng pandesal doon sa kanto" I said at nagmano na ako sa kanila ni nanay.
Tingin ako nang tingin sa aking relo dahil kinakabahan na ako, ayokong malate, ayokong makunan ng I.d. at paglinisin ng ground.
Buti na lang at mabilis ang nasakyan ko kaya nang makarating ay tumakbo agad ako papasok ng gate, saktong pagpasok ko ay sinarhan na ang Gate para sa mga late na students.
Nakatayo lang ako sa may mga motor ng mga teacher dahil nagsstart na ang flag ceremony, naagaw ang attention ko ng isang motor na papasok ng Gate at paglingon ko 'Eyyy, target locked' I smiled dahil sa naisip ko at binalik ang attention sa nagdadasal sa stage. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang tumabi sya sa akin.
"Yan, late ka" pang-aasar nya.
"Mas nauna pa nga po ako sa'yo" I said and we both chuckled on what I answered.
Tumahimik na lang kami parehas after non, at nakinig sa mga student council na nasa stage at naglilead ng dasal.
Nang matapos ang flag ceremony ay nauna na syang naglakad papunta sa faculty at ako naman ay sa classroom. Magkaiba ang way na dinaanan namin kaya tinignan ko na lang sya bago dumeretso ng lakad papunta sa room.
__________________________________
♡
YOU ARE READING
Aroma of Love
RandomIn a world where the aroma of freshly brewed coffee, Amara Elle is known as a true coffee lover. Elle's love for coffee knows no bounds. Through laughter and tears, coffee remains her comfort, relaxing her in moments of chaos and lifting her spirits...