"TAKBO!"
"HOY BUMALIK KAYO DITO!" sigaw ni Mrs. Faderon matapos namin tumakbo palayo.
Hingal na hingal kami na huminto sa tapat ng isang tindahan ng palamig.
"Ate pabili po, yung tig-10" turo ko sa buko juice, at ganon din naman sila.
"Letche ka girl! paano na tayo babalik neto sa school" Hailey said saka uminom ng buko juice.
"Edi aakyat ulit sa bakod" balewalang sagot ko.
"Jusmeyo mahabagin" tanging nasabi ni Lizee.
Nagpahinga lang kami saglit at bumili ng prutas na pwedeng dalhin kay sir saka sumakay na ng tricycle papunta sa bahay nina Sir Paul.
***
"Sure ka Faye? dito bahay ng dad nyo?" Lizee asked.
"Oo girl" she answered.
"Magtawag na" Hailey poked me
"Bakit ako?" I said
"Eh sino bang nagyaya?" nakapamewang na sabi ni Lizee.
"Ako" pilit akong ngumiti sa kanila kaya no choice ako kundi magtawag na lang.
"Tao po!" pagtatawag ko.
May lumabas na babae na maedad na, ito ata ang mama ni Sir Paul.
"Bakit mga hija?" she asked.
"Ah, ano po kase, w-we are looking for Sir Paul po" kinakabahang sagot ko, but still, I smiled.
"Nasa loob mga hija, estudyante nya kayo?" she asked.
"Yes po" I answered.
"Alas-dos pa lang ah, bakit nasa labas kayo?" Ang dami namang tanong huhu ang init kaya dito sa labas.
"Dadalawin po kase sana namin si Sir" nahihiyang sagot ko.
"Ay sige, pasok kayo mga hija, nandon sya sa loob" finally! Pinapasok din kami.
We knocked the door first before we enter the house. Nagulat sya nang makita kami. Ang pogi talaga kahit may sakit.
"Aba! Bakit kayo nandito? May pasok kayo ah" he said.
"Ihhh dinalaw ka po namin" I said at inabot ang prutas sa kanya.
"Taray, may paprutas ang mga ante" he said while looking at the fruits that we brought.
"Sir sa kanya lang po talaga yan galing" turo sa akin ni Hailey.
"Nag-cutting po kami para pumunta dito dahil nagpilit ang babaeng ito" panggagatong naman ni Lizee.
"Truths" ani Faye.
Mga walanghiyang ito, pinagkaisahan ako.
"Ay luko! Pwede naman after class pumunta dito. Yari kayo" pananakot ni Sir. Totoo naman eh, huhu.
"Kayo ay bumalik sa school, nako" Sir Paul said at napakamot sa ulo.
"Ihh mamaya na, ang pagod po kaya tumakbo" sabi ko at yumuko.
"Hindi kayo pwede magtambay dito at mayayari din ako" he said. "Balik na muna sa school at magpaliwanag kayo doon"
We have no choice kundi sundin ang sabi ni Sir.
Maingat kaming bumalik sa school at wala namang nakakita. Para di kami mapansin ay sa likod ng gym kami nagtigil hanggang sa matapos ang mga klase.
Sa kamalas-malasan nga naman ay nakasalubong pa namin si Mrs. Faderon kaya naman ang bagsak namin ay sa DAC Office.
"Why did the four of you do that?" She's pointing out sa pagkacutting namin, yung pag akyat namin sa bakod para puntahan si Sir.
"Ah, naisipan ko lang pong magpunta sa dagat. Masyado na po kaseng nakakadrain" I lied. Hindi ko pwedeng ilaglag si Sir Paul.
Sumang-ayon naman sina Faye, Hailey, at Lizee.
"That's not a valid reason para mag cutting kayo! We have our guidance counselors to help you. Bakit hindi kayo doon pumunta?" ani Mrs. Faderon.
Hindi agad ako nakasagot, tumingin ako sa tatlo para humingi ng tulong. Mukhang naunawaan naman ako ni Faye kaya sya ang sumagot.
"N-nahihiya po kase kami" nakatungo na sagot nya.
"Bakit naman kayo mahihiya? It's their job to listen and to help you, there's no reason para mahiya kayo" lahat kami ay hindi nakasagot. Mga naka tungo lang kami ngayon.
Mrs. Faderon let out a deep sigh. "Pero since kilala ko naman kayo, and I know na maaayos kayong students ay palalampasin ko muna ito. But the next time na mangyari ulit ito--" her right eyebrow furrowed "you will have a punishment, do you understand?"
Lahat kami ay sumagot ng 'opo'
After that ay sabay-sabay na kaming umuwi.
Pagod na pagod akong humiga sa kama kaya naisipan ko na lang na matulog agad.
Pagkagising ko ay umaga na, hindi na naman ako nakakain ng hapunan. Sabado ngayon at walang pasok. Hindi ko na naman sya makikita.
Naisipan kong lumabas para bumili ng almusal. Wala sina nanay at tatay dahil pumuntang Calapan, chinat ako ni nanay at hindi na din naman daw ako ginising dahil ang sarap daw ng tulog ko.
Pabor din naman sa akin yun dahil gusto ko talaga magpahinga. Pero bigla naman nagyaya na magkape sina Faye kaya hindi ko tinanggihan.
Binilisan ko ng lakad pabalik sa bahay at nag-intindi para makaalis agad.
After almost an hour ay nakaalis na ako ng bahay.
***
Nandito kami ngayon sa bagong coffee shop dahil gusto naming itry. Nang maka upo kami ay nagkwentuhan na lang din kami hanggang sa dumating ang order namin.
I ordered café mocha, this is one of my favorite coffee. Umorder din kami ng kanya-kanyang waffle. Sulit ang binayad namin dahil masarap talaga dito.
We decided to stay here for awhile kahit tapos na kami kumain at magkape. We talk, we laugh, yan ang ginawa namin sa pagi-stay sa coffee shop na ito.
"May bago na naman tayong tambayan" saad ni Lizee.
"At least maayos na yung place, hindi na tayo pakalat-kalat na nagkakape sa park." Faye said.
Nang maisipan ko na mag cr para magganda-gandahan ay nagpaalam muna ako sa kanila saglit.
I put powder on my face, and also lip tint and cheek tint para naman hindi ako mukhang maputla. I also comb my hair and tied it in a high ponytail. Mukha na ulit akong tao.
Naglalakad ako pabalik sa pwesto namin nang may makabanggaan akong lalaki. Hindi ko napansin dahil inaayos ko ang suot kong damit.
"Shit!" napamura sya dahil nataktakan sya ng kape nya. Inis syang tumingin sa akin at agad din na umalis. Hindi man lang nagsorry amp.
'Mga lalaki nga naman' I said in my mind.
Hinabol ko na lang ng tingin yung lalaki na ngayon ay lumabas sa kabilang pinto ng coffee shop.
Dalawa ang pinto nito. Ang isa ay sa harap for entrance, at ang isa naman ay sa gilid for exit. Nang hindi ko na makita ang lalaki ay bumalik na agad ako sa pagkaka upo sa pwesto namin.
"Tagal mo naman girl, sino yung tinitignan mo kanina? Mukha kang tanga doon" they laugh on what Hailey said.
"Ewan ko, nakabanggaan ko lang" sagot ko.
"Ay tanga, bakit kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Lizee said na naka cross arms.
"Eh hindi din naman sya nakatingin sa dinadaanan nya kaya hindi din sya nakapag-adjust" I defend myself.
"May point sya girl" ani Faye.
"Sa bagay" pagsang-ayon na lang din ni Lizee at Hailey.
"Anyways, pogi ba?" Biglang tanong ni Faye. Ang paningin nila ay nasa akin ngayon.
"Ewan, hindi naman ako interesado" simpleng sagot ko.
_______________________________
♡
YOU ARE READING
Aroma of Love
RandomIn a world where the aroma of freshly brewed coffee, Amara Elle is known as a true coffee lover. Elle's love for coffee knows no bounds. Through laughter and tears, coffee remains her comfort, relaxing her in moments of chaos and lifting her spirits...