Chapter 3

19 4 4
                                    

Naiinip na ako kakahintay na matapos ang klase, gusto ko na magrecess huhu. Gusto ko na din sya makita.

Tumingin ako kay Lizee na pinipigilan ang antok nya kaya natawa ako.

"Yes ms. Ylagan! Why are you laughing!? Anong nakakatawa?" masungit na tanong ng aming subject teacher sa akin.

"Ah ano po kase---" I don't know what to answer kaya tumingin ako kay Lizee na inosenteng nakatingin sa akin dahil antok na antok talaga sya. Ibinalik ko ang paningin ko kay Ms. Pedraza "m-may naalala lang po ako na joke kaya po ako natawa, sorry po" magalang na sagot ko huhu nakakahiya.

She just raised her right eyebrow at tinalikuran ako. It makes me feel relieve kaya umupo na ako and she continue her discussion.

Minutes pass by at natapos na ang klase. Hinila na ako ni Stef papunta sa canteen para bumili ng recess pero wala akong gustong bilhin kaya sinamahan ko na lang sya.

Umupo kami sa mushroom table at nagpalipas ng oras. Hindi ko nakakasama lumabas ng recess si Lizee dahil madalas ay sa room lang sya kumakain.

Hindi ko sya nakita ngayong recess 'nasaan naman kaya yun?' I asked in my mind. Kaya nang makabalik kami sa classroom ay nag ayos na ako ng sarili ko dahil naalala ko din na may subject kami sa kanya after ng subject ngayon.

Naging mabilis ang oras at subject na ni Sir Paul ngayon, kahit ayaw ko ng Practical Research ay inienjoy ko sya dahil subject nya ito.

5 minutes late sya kaya agad kaming pinapunta sa kanya-kanyang mga kagrupo para gumawa ng papers.

He's just sitting at the teacher's table while checking the other chapters that we finished.

As what we are expecting there's a lot of parts that we need to revise.

He stood up at pumunta sa grupo namin. "Ano? Kamusta?" He asked while watching us.

"Ayaw na namin sir, ang hirap" napakamot sa ulo nya si Gelo.

"Abaw ah, daling-dali laang gumawa ng papers" Sir Paul said at tinawanan kami bago sya lumipat sa ibang grupo.

Pinagmasdan ko lang sya na nakatayo sa ibang grupo while talking and laughing. Grabe, sa dinami-dami ng mga pwede ko magustuhan bakit ikaw pa? Bakit teacher pa? Huhu ayaw ko na.

"Elle, baka matunaw" pang-aasar ni Lizee na nasa kabilang group, pero katabi lang namin yung grupo nila.

"Ingay mo" I rolled my eyes at itinuon na lang ang attention sa ginagawa. She laugh at me at hinampas ako ng papel sa ulo kaya napatingin ako sa kanya at gumanti. We both laugh but not so loud.

***

Isang oras ang lumipas at nagpaalam na si Sir Paul. Lunch break na namin at ang iba ay nag-uwian.

Kami nina Lizee at Stef ay dito na sa room kumakain dahil malayo ang mga bahay namin.

We just ate lunch at after nito ay nag-ayos kami ng aming mga sarili para mag mukha namang presentable kami.

Sa hapon na yun ay hindi ko na naman sya nakita. Hayssst, saan kaya yun nagasusuot.

At ayun! Nakita ko sya na palabas ng faculty. May mga dala syang paper, parang papapirmahan ata sa principal dahil doon sya dumeretso sa principal's office.

Pagkatapos ko syang sulyapan ay umuwi na din ako agad.

Nagtimpla ako ng iced coffee at saktong pag open ko ng messenger ay nakita ko ang note nya doon, 'tara kape' agad akong napangiti ng maalala ko na he also loves coffee.

Nagreply ako sa messenger note nya ng "lezzgo" at ikinagulat ko ng magreply agad sya.

From: Alexander Paul Javier

When?

To: Alexander Paul Javier

Bukas po, G?

From: Alexander Paul Javier

Ge, sa hapon after class

To: Alexander Paul Javier

Sigi po, see u tomorrow:)

Nagreact na lang sya ng heart  sa message ko kaya naman natulog ako ng masaya.

***

When I woke up, nakaramdam ako ng excitement dahil sa usapan namin kagabi. Magkakape kami mamayang hapon.

Talagang pinagdasal ko na bumilis ang oras ng mga klase para matapos na.

Lunch break na at habang kumakain kami ay nag-open ako ng messenger and I saw his message.

From: Alexander Paul Javier

Hindi ako makakasama mamaya bunso, umuwi na ako

While reading his message, nakaramdam ako ng lungkot. Excited pa naman ako.

To: Alexander Paul Javier

Aww bakit sir?

From: Alexander Paul Javier

Nilagnat ako

To: Alexander Paul Javier

Get well po

After that ay ibinalik ko na lang ang phone ko sa bag.

"Oh? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Nagtataka na tanong ni Lizee

"Nilalagnat daw sya e, hindi makakasama mamaya" I said at kumain na lang ulit.

Tahimik akong nakaupo at iniisip kung ayos lang ba si Sir. Hindi ako mapakali at niyaya na lumabas sina Lizee, Faye, at Hailey.

"Anong nangyari sissy ko? Bakit forda sad ang ferson?" Hailey asked me while eating ice cream

Hindi ako sumagot kaya si Lizee na lang ang sumalo ng tanong.

"Paano'y nilalagnat ang dad n'yo, hindi makakasama mamaya sa pagkakape" she said.

"Ayah! Kaya naman pala" Faye said while caressing  my back.

May pumasok bigla sa isip ko na kalokohan, kaya napangiti ako.

"What's with that smile?" kunot noo na tanong ni Lizee.

"Tara sa cacawan!" Masayang sabi ko.

"Ay girl, its a no! Hindi ako aabsent today" Hailey said at naunang maglakad papasok ng gate.

Sumunod naman yung dalawa kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila.

"Hoy teka! Dali naaa ngayon lang naman e" pamimilit ko habang hawak ang braso ni Lizee at Faye at sinipa ko ng mahina ang paa ni Hailey para kunin ang attention nya.

"Nakapasok na tayo hindi na tayo makakalabas sis" Faye said.

"Paggusto may paraan, pag ayaw madaming dahilan" I said at humarang sa kanila nang nakangisi.

"Ano na namang kalokohan yan girl?" Lizee asked while Faye is massaging the bridge of her nose. Si Hailey naman ay nakatingin sa akin na hindi maintindihan ang itsura.

"Please please pleaseee" pagmamakaawa ko.

"Paano tayo lalabas? E hindi na tayo papayagan lumabas ni kuya guard." ani Hailey.

"Doon oh" turo ko sa bakod na nasa likod ng gym.

"Are you serious!?" hindi makapaniwalang sabi ni Faye.

"Oo, sino ba may sabing nagjojoke ako?" seryosong saad ko.

At the end wala din silang nagawa kundi samahan ako sa kalokohan ko.

Maingat kaming umakyat sa bakod at sa hindi namin inaasahan ay may makakakita sa aming teacher.

"Paktay, si Mrs. Faderon" I whispered. Sya ang aming Disciplinary Affairs Coordinator.

Bago pa sya makalapit ay dali-dali kaming bumaba sa bakod.

"TAKBO!" nagpapanic na sabi ko.

______________________________

Aroma of LoveWhere stories live. Discover now