Chapter 1

17 0 0
                                    




"Ma, Pa, alis na po ako,"


It was my last year in Senior High School, na-excite nga ako kasi malapit na akong mag college. Sumabay na ako kay Manang dahil pupunta rin siya sa palengke. Malapit lang ang school namin sa bahay kaya hindi na ako kailangan ihatid na gamit ang sasakyan. Nagtrycicle nalang kami ni Manang. Nang makarating ako sa school ay nagpaalam na ako sa kanya.


"Bye po, Manang. Take care," I said while waving my hand.


Habang naglalakad ako, naririnig ko na 'yung boses ng mga kaibigan ko. Umiling nalang ako at binilisan nalang ang paglakad.


"Aea!" Sigaw ni Abi. Ewan ko kung saan niya nakuha yung energy niya, 'eh ang aga aga pa. Ang energetic niya talaga. Tumawa nalang si Ari sa tabi niya.


Abi, Ari, and I have been friends since Junior High. Among the three of us, ako lang 'yung hindi masyadong mayaman. My family belongs to the middle class. The both of them came from a rich family although they were very humble and down to earth. As you can see, we all have the same initials, we were often called the powerpuff girls.


"Abi, it's literally 7:30 AM pero ang energetic mo na," Natatawang sabi ko. "Duh, ganyan talaga 'yan! Start your day with a beautiful mood," Saad niya. "Another day, another slay!" She added, flipping her hair. Tumawa nalang kami ni Ari at umupo na dahil magsisimula na ang klase.


"And for the Class President....." We are actually voting for our new Class Officers. Ganito naman talaga tuwing first day. "We have Ms. Chavez!" I immediately stood up to go infront and helped for the elections.


"New responsibility," I whispered. Last year kasi hindi naman ako naging isang Class Officer. Ari and Abi clapped, they also stood up to cheer for me.


"Whooo! Baby ko 'yan!" Pagmamayabang ni Abi. Actually, mukhang mas masaya pa siya kaysa sa'kin. Ngumingiti pa siya sa akin habang naka-finger heart.


Natawa ako at nagpatuloy na sa elections. The day continued and when it was our break, we went to the cafeteria to eat lunch. Bumili pa ang dalawa kaya ako nalang ang naiwan sa table. Nagbabaon kasi ako dahil pinagbaon ako ni Manang to make sure na healthy and clean yung pagkain ko. For today's menu, it was chicken with gulay. Hindi ko alam ang tawag pero it has some gulay.


"Pambihira, ang lakas ng trip ni Mendez para i-nominate ang sarili niya sa Class Treasurer! Naalala niyo last year? Ginamit niya 'yung class funds natin pang rebond!" Reklamo ni Ari habang kumakain.


"Buti nalang hindi siya nanalo, si Abi ba naman kalaban niya," Saad ko. Binoto lang talaga nila si Abi dahil mayaman daw. Ewan ko sa mga kaklase ko, basta pag treasurer dapat mayaman, basta secretary dapat maganda handwriting.


Patuloy na nagrereklamo si Abi at Ari habang ako ay tahimik na kumakain habang nakikinig sa kanila. Umalis naman sila saglit para bumili pa ng inumin at nagpasabay nalang din ako kasi ako yung magbabantay sa gamit.


Nagulat nalang ako ng may biglang tumabi sa akin.


"Do you mind if I sit here for awhile?" I blinked again to see if the man sitting beside me was real.


Gago, ang gwapo naman nito.


Hinihingal siya at mukhang may tinatakasan. Lumilingon siya sa paligid na para bang may tinatagu-an siya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagtago sa ilalim ng mesa.


"What the heck?!" I exclaimed. Bakit kasi bigla siyang pumupunta sa ilalim?!


"Please hide me," Pakiusap niya habang kinukuha ang mga jacket namin upang matakpan siya. Naguguluhan pa rin ako pero tumulong nalang din ako.


Ngunit habang inaayos ko kung nakikita pa rin ba siya ay may biglang kumalabit sa akin. Dahil sa bag namin at hoodie na nakatambak sa gilid ko ay talagang halos hindi na visible ang nasa ilalim. Buti nalang.


"Bakit po?" Sagot ko at dahan dagan na tumingin sa kumalait sa akin. Bigla naman akong nanlamig ng makaharap ko ang captain ng men's volleyball.


"Have you seen a guy wondering around here?" He asked. "He's tall, curly hair, and naka complete uniform." I stared at him and looked at his lanyard.


STEM.


Umiling nalang ako, I couldn't even speak! He said thanks and walked away, outside the cafeteria. Tiningnan ko talaga ng mabuti kung nakaalis na ba siya, at nung makaalis na ay lumabas na 'yung weirdo na lalaki sa ilalim ng mesa.


"Thank you, Lord! Mahal mo talaga ako!" The weird guy said. I wasn't really fond of watching sports but I recognized the captain because he was somehow famous.


"Miss na tumulong sa'kin! Eto, coke, para sayo 'yan! Libre ko, salamat sa tulong," He smiled and offered the coke.


He's inches taller than me, approximately around 6'2 or something. His curly hair was so cute but with his dimples and perfectly white teeth, he looked so perfect. His jaws were defined, narrow nose, almond eyes, and a perfect brows. He certainly is one for the books!


"By the way, I'm-" Naputol siya nung nakita namin ang kanilang captain at bigla nalang siyang tumakbo.


"Bye, Miss!" He shouted. Their captain was now chasing him. Umiling nalang ako at inayos ang mga gamit. Sakto rin at dumating sila Ari at Abi. We decided to go back to the room since it was almost time.


After class, nakasanayan na namin na kumain muna sa labas bago umuwi. Kumakain kami ng kwek kwek sa labas ng school at nakipagkwentuhan kay Manong. Naging close na rin kami sa kanya dahil naging suki na rin kami.


"Favorite ko talaga dito sa inyo, Manong! Doon kasi sa kabila, iba yung lasa ng sauce," Pabidang sabi ni Abi. We all laughed at her. "Gusto mo lang makalibre, 'eh!" Pabiro kong sabi. Inirapan naman ako ni Abi at patuloy namin siyang pinagbiruan.


"Grabe kayo sa'kin! Hindi naman ako ganyan! Pamumuhay kaya 'to ni Manong," Depensa niya sa sarili niya. "Pagpasensyahan niyo na po ang pinsan ko, Manong. 'Di bale, ako na babayad ng mga nilibre niyo sa kanya," Biro ni Ari. Abi kept on whining until they were already fighting. I shrugged and laughed at them.


"Isang kwek kwek po, Tatay Kuring!" Nagulat ako nung makita ko yung weird guy sa canteen. Namilog ang mata niya nung nakita niya ako. I smiled at him.


"Hi, Miss! Pasensya na pala kanina, bawal kasi kami mag coke kasi malapit na ang game namin. Patago ko lang yung iniinom pero sinumbong ako ng kaibigan ko ni Capt!" He explained. I could see the curious of eyes of Abi and Ari.


"Magkakilala pala kayo," Manong, or Tatay Kuring as called by the weird guy.


"By the way, I'm Zion!" Nilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko ito. Tahimik lang si Abi at Ari sa gilid ko.


"I'm-" I was supposed to introduce myself when he inserted. "Nice to meet you, Aea!" He said smiling. Paano niya ako nakilala? Hindi ko pa naman sinabi yung name ko. Nang mapagtanto niya ang ginawa niya ay nagsalita ulit siya.


"Ah, nakita ko kasi sa ID mo kanina nung nagtago ako sa ilalim ng table niyo," Dali-dali niyang sabi. Tumango nalang ako at kinain nalang ang kwek kwek ko dahil nag-uusap na sila ni Manong Kuring. Nakipag friends na rin si Abi at Ari sa kanya at hindi ko na namalayan na dumidilim na pala.


"Salamat, Manong! Bye,  Ari and Abi! See you around, Aea!" Paalam niya at umalis na. Umuwi na rin kami dahil late na. Sinundo kami ng driver nila Ari. Pinilit kasi nila ako na ihatid dahil delikado daw at gabi na tapos mag-isa lang ako. Wala akong nagawa at sumama nalang sa kanila. Nagtext kasi ako kay Manang na wag na ako ipasundo nila Mommy dahil panigurado at busy sila.


"Nakauwi na po ako," Sabi ko ng makapasok ako sa bahay, bumungad naman sa akin si Manang na nakangiti. I realized na baka nag overtime na naman sila Mama kaya kumain na agad ako dahil sabi ni Manang na panigurado ay kumain na sila Mama doon. Pumunta agad ako sa kwarto pagkatapos maglinis at naligo na.


The day ended well for me. Although it was quite chaotic. I was laying in my bed, scrolling through my feed. I didn't realize na nakatulog na pala ako.

Ubiquitous LoveWhere stories live. Discover now