Chapter 5

3 0 0
                                    



"Ano ba mas maganda? Eto or eto?"


Nasa harap ko sila Abi at Ari. Pinapapili ko sila kung anong mas magandang susuotin ko. Nakakunot ang mga noo nila habang pinagmamasdan ako. May hawak ako na dalawang tshirt.


"Teka nga, bakit ba kailangan mo pang mag make over? Akala ko ba sa Uncle John's lang ang punta mo? " Tanong ni Ari. I laughed awkwardly. Ganon ba ako kahalata?


"Ah, oo nga haha di ko kasi alam kung anong color ang mas gusto ko, yung pink ba or purple." Palusot ko. "Yung pink nalang ang suotin mo," Abi suggested kaya dumeretso na ako sa kwarto para magbihis.


I just wore a plain pink shirt paired with my white shorts. I brought my white cap with me just in case umulan na naman.


"Bye, guys! Bibili ako ng Tigerwinx para sa dinner natin!" I said. "Yes! Tigerwinx! Wohoo!" Sigaw ni Abi at Ari habang sinusuntok ang hangin. Tumawa nalang ako at umiling.


Bumaba na ako at pumunta na sa Uncle John's. When I went inside and bought my Choc-o and Reese's. Umupo ako sa table malapit sa windows. Tanaw ko ang "P. Noval Shibuya Crossing" sa harap ko. Si Abi ang nagsabi sa akin na yan ang itawag.


Nagulat ako nang nakita ko si Zion na tumatakbo sa pedestrian lane. He saw me and waved his hand. Pumasok kaagad siya at umupo sa tabi ko habang hinihingal.


"Hey...breathe," Paalala ko. He grabbed his water and drank.


"Sorry, Rae. Kanina ka ba pa?" He asked. Rae? Where did he get that?


"No, kakarating ko lang din." Tumango siya at lumingon sa likod. "Bibili muna ako ng pagkain, ano gusto mo?" I shook my head and showed my food.


Umalis na siya para bumili ng pagkain niya. I glanced at his things na parang anytime ay babagsak na iyon. Inayos ko ang bag niya sa table at nakita ko ang ID niya na nakasabit doon.


SANDOVAL, Zion Rye L.
Faculty of Arts and Letters
BA in Political Science


He was smiling with his teeth in the picture. He looks so neat in his ID photo. Lumipat ang tingin ko sa kanya na may dalang cup noodles. Dalawa iyon.


"Spicy or yung hindi?" He offered smiling. I was shocked because it was my first time for someone to order something for me without my consent. "I don't like spicy foods, yung hindi nalang," I replied.


"Ganda ng playlist, Uncle John's." He said when Party in the USA started to play. I laughed and we vibed with the song.


Kumakain kami ng biglang pumatak ang ulan. Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin. Sabay kaming tumawa nang mapagtanto na sabay kaming tumingin sa isa't isa.


"Mukhang stranded tayo dito, ah." Saad niya. "Wala ka bang curfew?" Dagdag niya. "Malapit lang ako, ikaw? Diba mag cocommute ka pa?" I asked.


"Sa condo nalang siguro ako ng pinsan ko matutulog ngayon, matagal din kasi natapos yung training. Mag papaalam nalang ako kay Mama mamaya," He replied.


Oh, so his cousin is also from UST. He's a PolSci student, I know na madaming readings sa course na yan. Athlete pa siya tapos umuuwi pa, isn't that too time consuming?


"Yung mukha mo parang ang daming tanong," He said while laughing a bit. "Hala, wala akong tanong. Na curious lang ako," I defended myself.


"Magtanong ka, mamaya pa siguro titila ang ulan." He initiated so I gave in. "Bakit hindi ka nalang nakipag hati sa pinsan mo? Knowing you're such a busy person," I said.


"Busy kasi si Papa at Kuya sa work kaya si Mama ang nasa bahay palagi, ayoko lang na makaramdam siya na nag-iisa nalang siya kasi minsan nag-oovertime sila Kuya." His words touched my heart. So there are still people who's like this.


"Ang bait mo namang anak," I whispered enough for him to hear. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko kaya nagulat ako. Biglang nag switch yung song sa Uncle John's.


It was Tadhana by UDD.


I finished my food quickly and the comforting silence filled us.


"Rae..." He called me so I looked at him.


Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?

Ibinubunyag ka ng iyong matang

Sumisigaw ng pagsinta


We were looking at each other when my phone rang. I cleared my throat and picked my phone. It was Ari. Again.


"Hoy, Francine Chandraea! Wag mo kalimutan yung Tigerwinx, ah! Tumila na ang ulan," Bumungad sa akin ang boses ni Ari. "Bibili na ako ngayon, bye." I ended the call and looked at Zion.


"Uh, bibili muna ako ng Tigerwinx. Mamaya ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kanya. "Samahan na kita! Pa España rin naman yung condo ng pinsan ko," He offered.


"Sige, tara na?" Aya ko sa kanya. "Wait lang," He said. Niligpit niya ang pinagkainan namin at tinapon ang mga basura. He grabbed his bag and faced me.


"Let's go?" Tumango ako at umalis na kami sa Uncle John's.


Habang naglalakad ay nagkukwento siya tungkol sa ganap ng training nila kanina. I was very entertained by his story. Nang makaabot kami sa Tigerwinx na nasa likod lang naman ng Uncle John's ay nag-order na kaagad ako.


"Yung group meal po, chili cheese at garlic parm po yung flavor, take out lang po." I said and paid. Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan! I had to pay him pa!


I went to Zion who was checking his phone. Kumuha ako ng exact amount ng utang ko sa kanya at binigay sa kanya. He looked confused for a moment but he got it naman kaagad.


"Naku! Wag na!" He said while crossing his hands. "Eh diba nagkita tayo ngayon para sa utang ko?" I said that made him pout. He looks so cute. Kinuha niya ang pera sa kamay ko at nagkwentuhan ulit kami.


Dumating na ang order ko kaya nalungkot naman siya dahil uuwi na daw kami. I laughed at him and was about to get my orders that was on the table when suddenly he grabbed it.


"Tara na?" He said, smiling. It was actually a weird feeling for me. I'm not used to be treated this way. He pulled me out of the store. Sinuot niya naman ang jacket niya sa akin dahil napansin niya atang giniginaw ako.


I stood still, and was very shocked. He pat my head and smiled a little. We walked until I reached our building. He gave me my food and nagpaalam na siya.


"Thank you, ingat ka!" I said as he waved his both hands at me. Damn, I'm in danger.

Ubiquitous LoveWhere stories live. Discover now