Chapter 3

5 0 0
                                    


The family lunch went well. Walang pagtatalo ang naganap. I went directly to my room when we arrived at the house. It was a tiring day for me. I lay in my bed to take a short nap.

Nagising naman ako dahil sa ingay ng phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang tumatawag si Abi kaya sinagot ko na.

"Aea, bukas ah! Sa bahay lang tayo tapos sleepover! Nagpaalam na ako kila tito at pumayag naman sila kaya wala ka nang magagawa," She giggled. We talked for awhile kung ano ba ang plano namin bukas. After that, I ended the call and looked at the time. It was already 6PM so I decided to go down for dinner.

Nakita ko si Manang na nag-aayos ng table para sa dinner namin kaya tinulungan ko na siya. Tinawag niya kaagad sila Mama pagkatapos para makakain na agad kami.


Tahimik kaming kumakain pero biglang umimik si Papa. Tumingin ako sa kanya at napansin ko na nakatingin pala si Mama at Papa sa akin.

"We decided to let you enroll at UP, anak. This is our graduation gift for you," My eyes widened upon hearing what he said. "But you must agree with our terms," He added.


"We won't be buying you a condo near the school, so it's either you commute or hatiin ang allowance mo for rent and the bills," Tumango naman ako sa sinabi niya. Siguro magcocommute nalang ako, pero ang hassle naman.


"You must maintain your high grades, and lastly we won't buy you a car also." He added. "Okay, I agree with your terms. I'll be enrolling next week, thank you for considering my decisions." I said and finished my food.


I was peacefully watching a movie but I can't seem to focus. I was thinking of ways on how will I be able to commute daily. I think it's time to ask for help. Try ko nalang siguro kausapin sila Abi bukas.


"So, ano na?" Atat na sabi ni Ari. Nandito na ako sa bahay nila para sa sleepover namin. We are currently here sa swimming pool nila, just chilling while watching a movie through their projector.


Our airbed and food was floating around the pool, nakakatakot nga eh kasi baka mahulog ang mga 'to at magkalat pa sa pool.


"Magdodorm ba kayo sa España? Or condo?" I asked them. "May condo na ata kami, binili last year nung nag USTET," Paliwanag ni Abi.


"Pwede bang sa condo niyo nalang ako? I'll pay rent, the bills, groceries and take part sa paglilinis." I negotiated. Tumawa lang sila kaya napasimangot ako.


"Ano ka ba! Anong rent? Nabayaran na yun ng buo ni Mommy! Para naman tayong di magkaibigan niyan, Aea. Take turns kasi sila Mommy at Tita sa bills and groceries kaya walang problema yan." Abi said. I looked down because of embarrassment. Nahihiya ako sa kanila. Ang bait nila, sobra.


"OMG! Na-excite ako, so bale hindi na natin kailangan i-convince si Aea na tumira kasama natin, Ari!" Dagdag pa niya. "Actually, may plano na kaming isama ka sa condo kaya nga nagpasleep over kami eh," Natatawang saad niya. I laughed with them.


I thank the Heavens for blessing me with friends full of love and happiness.


Nag-uusap lang kami at pumasok na sa loob para matulog na. Kinabukasan ay umuwi na kami dahil may flight pa ang family ni Ari papuntang NYC for vacation. Si Abi naman ay magtotour around Europe with her family also. Habang kami naman ng pamilya ko ay pupunta ng Hongkong.


2 months felt like a summer breeze. We went to Hongkong and went back home para asikasuhin ang enrollment ko. It ended quickly than I expected. Ngayon ay nag-aayos na kami ng gamit sa condo, pawisan na kami dahil sa dami ng mga dinala ng dalawa.



"Bakit ba ang daming damit ang dinala mo, Abi?!" Pikon na sabi bi Ari. Natawa ako sa kanila, sa aming tatlo ay si Abi ang mahilig sa fashion, ginagawa niya nga kaming barbie doll minsan. Pumunta ako sa kusina para mag luto ng dinner namin.


The condo was enough for the three of us. May tatlong kwarto, dalawang common bathroom, may sala, kitchen, at laundry area.

Pagkapasok mo sa condo ay bubungad agad sa iyo ang sala na may veranda. Sa left side ay makikita mo agad ang kitchen, tapos sa right side naman ay may maliit na table kung saan kami kakain. May maliit naman na hallway sa right side para sa 3 kwarto.


The view in our condo was breathtaking. Especially at night, the city lights shines bright while people are busy minding their own lives.

Habang nagluluto ako ng adobo ay biglang pumunta si Abi sa kitchen, halatang napagod sa pagayos ng mga damit niya. Si Ari naman ay binagsak ang sarili niya sa sofa habang nakatuon sa kanya ang aircon.


"Aea, hinanda ko na yung table. Yung adobo nalang kulang," Sabi ni Abi. Tumango ako sa kanya at dinala ang adobo sa table. Nagsimula na agad kaming kumain.


Our day ended peacefully. Maaga kaming natulog dahil bukas ay first day of school na namin bilang college students.


Nagising ako sa sigaw ni Abi. Nagluluto na ata siya at tinawag na kami para kumain. I looked at the clock beside me and my eyes widened when it was already 6AM. Nagmamadali akong naligo at nag-ayos.


Lumabas ako at nakita ko si Ari na parang hindi pa siya nakakarecover mula sa tulog niya. Nakaayos na kaming lahat at kumain na.


"First day of school tapos late nagising, eto tayo eh," Sabi ni Abi na natatawa. "Magjejeep ka pa diba, Aea? Marunong ka na ba?" Alalang tanong ni Ari.


"Tinuruan ako ni Manang kung paano magcommute, tapos may nakita rin akong post sa page kung paano pumunta doon from España," I replied. Tumango na sila at umalis na kami.


"Mag-iingat ka, Aea! Tawagan mo kami pag naligaw ka! Next time ihahatid ka namin sa UPM pag wala kaming mahanap na pogi sa Ruaño!" Natatawang sabi ni Abi. Tumawa nalang ako at kumaway na.


Thankfully, I arrived at UPM safely. Pumasok na ako at dumeretso sa building namin. I met my blockmate named Chastaine, she was really loud and bubbly. Reminds me of Abi. The day ended well, naubos talaga yung social battery ko doon.


College really makes my day faster than ever. Now, we're on our second year!


Habang nag-aantay ng jeep ay humihikab na ako. I can't wait to sleep. Good thing may jeep agad na dumaan. Bumaba agad ako sa may P. Noval Uncle John's. I was craving for Jollibee kaya naisipan ko na bumili nalang bago dumeretso sa condo.


Naghihintay ako sa traffic light dagil saktong pagbaba ko kanina ay hindi ko na naabutan yung pagtawid. While waiting, across the road, I saw a familiar man standing and waiting for the traffic light. Then, our eyes locked. It was him! The weird guy back in my senior year!

Ubiquitous LoveWhere stories live. Discover now