KATHRYN'S POV
"Gino!"
Napabangon ako bigla at ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
Panaginip! Panginip pala!
Sa sobrang pag-aalala ko. Lumabas ako agad ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Gino.
Wala ng katok katok.
Pero pagpasok ko dun, wala siya.
Mas lalo akong kinabahan.
Agad akong bumaba at hinahanap si Gino.. pero wala siya!
At pagbukas ko ng pintuan ng bahay.. laking tuwa ko at nakita kong nasa tapat lang pala si Gino at may kausap sa phone.
Pagkababa niya ng phone, humarap siya sa direksyon ko at nakita niya ako.
"Oh, Kath!" Ngumiti siya at papalakad na papunta sakin.
Hihinga palang sana ako ng maluwag nang biglang may itim na van na mabilis na huminto sa likod ni Gino at agad na bumukas ang pinto.
Bumaba ang dalawang lalaki na may takip ang mga mukha at hinawakan sa magkabilang braso si Gino.
Nanlaki ang mga mata ko.
"GINO!"
Agad na sinakay si Gino ng dalawang lalaki.
Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko bago magsara ang pinto.
Tumakbo ako agad at hinabol ang van.
Sinubukan kong tignan ang plate number pero wala! Walang plate number!
"GINO!"
Patuloy lang ako sa pagsigaw at pagtakbo.
Hanggang sa madapa ako at pagtingin ko sa harap ko...
Wala na yung van.
Naiyak ako.
I can't believe this. Hindi ko nailigtas si Gino! Wala akong nagawa!
Bat ba napakabagal kong tumakbo?!
Naiyak na lang talaga ako.
"Kath!"
Agad na lumapit sa akin si Tita Karla. At nang makita niya akong umiiyak ay agad niya akong inalalayan tumayo at niyakap.
"Oh my god, Kath. What happened?" Tita karla.
"Tita. I-i tried! S-sinubukan kong h-habulin y-yung v-van! S-sorry tita! I'm.. I'm so sorry!" Patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Kath, calm down. What do you mean? Bakit mo hinahabol yung van?" Tita Karla. Hawak niya ako sa magkabila kong balikat at pinapakalma.
"Tita, s-si... G-gino p-po.... H-he was k-kidnapped.. Oh god tita I'm so sorry!" At mas lalo pang lumakas ang iyak ko.
"What?! Oh my god." Tita Karla. Napatakip siya ng bibig niya dahil sa sinabi ko. Nanahimik saglit si Tita Karla.
"Um. Kath, listen, don't be sorry. Alam kong ginawa mo ang makakaya mo. Don't blame yourself. Mahahanap din natin si Gino, okay?" Tita Karla. Niyakap niya ako ng mahigpit and I hugged her back.
----
"This can't be happening! Kausap ko lang siya kanina!" Bea.
Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Nakaupo lang ako sa sala. Nasa tabi ko si mama, trying to calm me down. Andito rin si papa. Agad kasing pinaalam nila Tita't Tito sa parents ko ang nangyari kaya sumunod sila agad dito.Gabi na rin sila nakarating.
At oo, andito na rin sila Kats, Seth, Lester, JC kasama si Bea, na kanina pa hindi mapakali.
"You!" Bea. Sabay turo sakin.
"Kasalanan mo to! Bakit wala kang ginawa?! Ha?" Bea.
"Hija, can you please calm down and stop blaming my daughter." Mama Min.
"What? Diba tama naman ako? Si Kath ang nandun sa mga panahong yun! Kaya dapat ginawa niya lahat ng makakaya niya! My gad!" Bea.
"Hija, wala namang kasalanan si Kath dito, in fact, she tried everything para mahabol niya yung van! Manahimik ka nalang muna kasi wala ka rin namang naitutulong rito." Tita Karla.
"Maghintay nalang tayo ng update galing sa mga pulis. Huminahon na muna kayo. Walang mangyayari kung magsisisihan lang." Tito Rommel.
And with that, nagwalk out nalang si Bea.
Tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ko.
---
Nagising ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin.
Pagtingin ko, si Tita Karla.
Umayos ako agad ng upo, pero nakayuko lang ako. Namamaga pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi.
Napansin kong naiiyak rin si Tita Karla. Kaya ako na ang unang nagsalita.
"Tita Karla." Panimula ko.
Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang akong niyakap ni Tita.
"Tita, alam ko pong anak niyo si Gino kaya mas nasasaktan pa po kayo sakin pero gusto ko lang pong sabihin sainyo na sobrang halaga po sa akin ng anak niyo. Alam niyo naman po yun diba?" Sabi ko habang nakayakap pa rin kay Tita Karla.
"Yes, Kath. I know that. Pero ang hirap lang talaga. And thank you for loving my son kahit hindi niya yun nasusuklian sa paraang gusto mo." Tita Karla.
And yes, she knows what I've been trying to hide to his son.
Mas lalo pang humigpit ang yakap ko kay Tita Karla. Parehas na lang kaming naiyak.
Matagal niya ng nalaman dahil matagal niya na rin akong kinukulit. Kaya sakanya ko nalang sinabi, at naintindihan niya naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/4857223-288-k460872.jpg)
BINABASA MO ANG
His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*
Fanfiction"Kath, hindi na ako ang Gino na kilala mo. Iba na ako. Sorry ka nalang, hindi mo nagustuhan. You have to deal with it."