KATHRYN'S POV
Wala pa rin akong tulog. Ayoko matulog, kasi sa tuwing natutulog ako, paulit-ulit lang yung napapanaginipan ko. Or should I say, bangungot. Lagi nalang yung bangungot na yun, nung bago pa mawala si Gino. Di rin ako makakain ng maayos.
Nakakainis! Wala akong magawa! Wala akong magawa para sa bestfriend ko..
"Kath?"
Si Seth. Nakapasok pala siya ng kwarto ko. Di ko napansin.
Tumingin lang ako sa kanya sabay tingin ulit sa bintana.
"Kath, aalis kami. Sumama ka naman." Seth.
"Ayoko. Kayo na lang." I said without looking at him.
"Kath, sige na oh. try lang natin, you need to unwind."
This time, humarap na ako sakanya.
"Alam mo, hindi niyo naman ako kagaya eh. Hindi ko kayang magpretend na parang walang nangyayari, na okay lang si Gino!"
"Kath, wag mo namang sabihin yan. Lahat naman tayo dito namimiss na si Gino eh."
"Well, parang ako lang naman talaga ang tunay na nagaalala sa kanya eh. Kayo? Kung san san pa nga kayo nagpupunta at nagpapakasaya habang si Gino, hindi natin alam kung okay pa ba siya o kung buhay pa ba siya!"
"Pano mo nasasabi yan Kath? Hindi mo lang alam kung gano kami nangungulila sa kaibigan namin. Gabi gabi pinapanalangin namin na sana okay siya at sana makabalik na siya."
"Iwan mo nalang ako. Please."
Umiling-iling nalang si Seth.
Bago siya lumabas ng kwarto ko. May sinabi pa siya.
"Alam ko naman kung gano mo kamahal si Gino eh. Magtiwala ka lang na okay siya."
Tuluyan na siyang umalis.
At eto nanaman ang mga luha ko.
----
GINO'S POV
Two weeks.
Two weeks na ang nakakalipas... pero andito pa rin ako. Malapit na nga ata akong mabulok dito eh.
Kailangan kong makaalis na dito. Pero pano?!
Gustong gusto ko ng makita ulit ang pamilya ko.
Lalo na si Kath..
Ewan ko ba, sa mga nagdaang araw, si Kath nalang lagi ang naiisip ko.
Nalilito na rin ako sa mga nangyayari.
*****FLASHBACK*****
"Kung ano ang nakikita mo sa salamin na yan ngayon.. ganyan na ganyan rin ang itsura ko."
Nangilabot ako sa sinabi niya.
At pagkasabi niya non, bumukas na ang lahat ng ilaw. At dun ko nakita ang mukha niya.
Totoo nga angn sinabi niya.
Kamukhang-kamukha ko talaga siya.
Ang pagkakaiba lang namin, mahaba ang buhok ko at ang kanya, maikli.
Pero... pero pano nangyari to?!
"S-sino k-ka?"
"Gino, hindi pa ba halata? Ako ang kakambal mo." Sinabi niya yun with a smirk on his face.
"Hindi ako naniniwala sayo." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
"Gino, ako nga ang kakambal mo. Hahaha gulat na gulat ka ah. Mukhang wala ka ngang kaalam-alam."
"Pero... p-pano?!"
"Si Karla at Rommel Padilla ang mga magulang natin."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.
"A-anong pangalan mo?"
"Daniel Dela Rosa."
"Sinungaling. Ni hindi nga tayo magka-apelyido!"
"Dahil inampon lang ako, Gino. Kaya naging Dela Rosa ang apelyido ko.Kung hindi lang ako ipinamigay ng nanay natin, edi sana Daniel Padilla ang pangalan ko ngayon."
Totoo ba ang lahat ng to?
****END OF FLASHBACK****
"Kailangan mong gawin to. Alam kong nagsisimula na silang hanapin siya."
Narinig ko ang nagsalita pero alam kong hindi si Daniel yun.
"Sa tingin ko hindi magiging magandang ideya to eh."
Si Daniel!
"Pero kailangan mong gawin kung ayaw mong makulong."
Tumahimik ang paligid ng sandali.
"Sige, gagawin ko." Daniel.
Teka, anong pinaplano nila? Anong ibig sabihin ni Daniel?!
BINABASA MO ANG
His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*
Fanfiction"Kath, hindi na ako ang Gino na kilala mo. Iba na ako. Sorry ka nalang, hindi mo nagustuhan. You have to deal with it."