Chapter 12.

500 17 6
                                    

Hi! Sorry nadelete ko yung chapter 12 :( so eto nagtype ulet ako. Medyo shunga lang talaga ako. Inedit ko na rin, sorrryyyyyyy telege. Huehuehue

Enjoy!

-----------

DANIEL'S POV

"Gino?"

Nung napatingin siya sa mukha ko, halatang nagulat siya kasi nakita niya yung dugo sa labi ko.

"Oh my god, anong nangyari sayo?"

Tinignan ko lang siya.

Pero hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko na lang siyang niyakap.

Hindi ko alam, pero ngayon na lang ulet ako naging ganito kalapit kay Kath.

Namiss ko siya.

Siguro nagtataka 'to.

Ang tagal ko kasing hindi nagparamdam sakanya tapos ngayon basta basta ko na lang siya yayakapin.

"Uhh, Gino. Huy. Ano bang nangyayari sayo ha? Anong nangyari?"

Hindi ko pinansin yung tanong niya.

"Kath, hindi mo man lang ba ko papapasukin?"

Pabulong kong tanong habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Ay, sorry. Sige. Pasok."

Kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya. Tapos pumasok na ako sa loob.

Umupo ako sa kama niya.

"Wait, kukunin ko lang yung first aid kit."

Pumunta agad siya sa cr at kinuha yung first aid kit.

Pagbalik niya, nagumpisa na agad siyang gamutin yung sugat ko sa labi.

Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa yun.

"Napaaway ka ba, Gino?"

"Hindi."

"Nadulas? Tapos tumama labi mo?"

"Hindi rin. Kasi-"

"Eh ano? Napagtripan ka?"

"Hindi nga. Ano nga kasi-"

"Ano basta mo na lang sinapak sarili mo?"

"Ano? Hindi nga sabi. Kasi nga-"

"Sige Gino, kung ayaw mong sabihin edi-"

Siya naman ang hindi ko pinatapos sa pagsasalita ngayon. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat.

"Kath. Kalma. Pwede pagsalitain mo muna ako?"

Hindi naman kasi ako pinapatapos eh. (-_-)

"Sorry."

I sighed.

Kailangan niya na rin namang malaman to.

"Wala na kami ni Bea."

Napahinto siya sa ginagawa niya.

A moment of silence.

"Gino.. Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan."

"Kath, mukha ba kong nagbibiro? Seryoso ako."

"Gino, pero.. B-bakit?"

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo naman."

His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon