Chapter 9. ~His soft side

505 17 10
                                    

KATHRYN'S POV

"Aray naman Kath! Pwede dahan-dahan naman?"

Imbis na magdahan dahan ako, mas diniin ko pa yung masahe ko sa likod niya.

"ARAY! KATH TAMA NA NGA! AYOKO NA." Halatang halata sa mukha niya na naiinis na siya. Umupo na lang siya. "Buksan mo na nga lang yung TV. Tsk."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Seriously? Para san pa't binigyan ka ni Lord ng paa't kamay?"

"Natalo ka diba? At may usapan tayo." Aba't! Nakasmirk pa ang loko loko. Ugh! Bwiset! Oo, natalo ako sa pustahan namin. Akala ko talaga mananalo na ako eh, pero mali pala ako.

Kaya eto ako ngayon, nagpapakajulalay kay Gino.

Inirapan ko na lang siya at tumayo na para buksan ang tv. Aalis na sana ako ng magsalita siya. "Oy."

Napalingon naman ako sakanya."Bakit nanaman ba?"

"San ka pupunta? Balik dito." sabay tingin ulit sa tv.

"Ugh." hindi na lang ako nagsalita at bumalik.

"Hoy. Bat ka andyan? Dito ka sa tabi ko."

At syempre kahit na inis na inis na ako sa kanya, tumabi na lang ako. Bwisit na to, di kaya kami bati. Galit pa rin ako sakanya dahil dun sa ginawa niya sakin na.. uhm.. pambabastos? Para na rin kasing pambabastos. Hindi talaga ako sanay na ganon ang inaasal ni Gino. Naalala ko nanaman. Aish.

Tahimik lang kaming dalawa, walang nagsasalita.

Naramdaman kong nakatingin siya sakin. Kaya napatingin na rin ako sakanya. Medyo nakaka-conscious kasi kaya nagsalita na ako. "B-bakit? May dumi ba ko sa mukha ko?"

Hindi niya naman sinagot ang tanong ko dahil tanong din ang ibinalik niya sakin na sobrang ikinagulat ko.

"Gusto mo ba ko?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong niya. Parang nalaglag yata ang puso ko sa kung saan.

"B-bakit mo naman n-natanong y-yan?" Aish nauutal pa ako! Umiwas na lang ako ng tingin.

"Kasi alam ko kung gusto ba ako ng isang babae." Hinawakan niya ang baba ko para iharap sakanya ang mukha ko. At napangisi nanamn siya. -__-

Oo, matagal na. Sa totoo nga lang hindi lang kita gusto eh. Mahal kita. Kaso nagiba ka eh.

Syempre sa isip ko lang yun. Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Ramdam kong umakyat ang dugo ko sa mukha ko.

"Sabi na eh. Gusto mo nga ako."

At mas lalong namula ang mukha ko. Ramdam ko eh. Errr nakakahiya >.<

"Aw Kath namumula ka na oh. Okay lang naman kung gusto mo ko eh. Cute ka naman eh." Nagchuckle pa siya. Hay ayan nanaman ang tawang yan eh. Nakakalimutan ko tuloy na galit ako sakanya!

Ano ba kasing pinagsasabi ng lalaking to! At bakit hindi ako makapagsalita? Speechless ako eh. Okay lang daw na magkagusto ako sakanya? Cute daw ako? Di ba dapat nagagalit ako ngayon? Eh bakit ganto, bakit parang kinikilig pa ata ako? Bwiseeet!

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at... nakatitig na lang siya ngayon sakin.

Palapit siya ng palapit sa mukha ko. Malapit na malapit na yung mukha niya sakin. At eto naman si ako, napapikit na lang.

...nang biglang magring ang phone niya.

DANIEL'S POV

Pucha. Yun na yun eh. Malapit na malapit na eh. Istorbo tong telepono na to eh.

His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon