Chapter 7.

401 9 2
                                    

At dahil hindi ako makakapunta sa concert ni Daniel, eto. Maguupdate nalang ako :( Hahahaha. Dedicated sayo :) eto na update! 

Enjooooooooy!

-------

KATHRYN'S POV

Lahat ng tao ngayon ay maayos na.

Masaya na ako ulit, andito na siya eh. :)


Eto, nanunuod lang ako. Hindi ko alam kung nasan ang mga tao ngayon. 

Si Tita Karla, umalis. Sila Kats naman, may pinuntahan. 

Si Bea? Ewan ko dun. Like I care.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Pagtingin ko, syempre sino pa ba?

"Oh, Gino." :)

Tahimik lang siyang umupo sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita. Ako naman, nakatuon lang sa TV ang mga mata.

Maya maya, biglang nilagay naman ni Gino ang kanang kamay niya sa braso ko at nirurub niya ito. Mas nilalapit niya pa ako sakanya.

Uhm... ano nanamn to? Napatingin ako sa kamay niya na nasa braso ko at sakanya.

"Ah.. Gino? Anong ginagawa mo?"

Tumingin naman siya sakin. "Ha? Bakit? Ano bang ginagawa ko?" tanong niya. 

Tumingin naman ako ulit sa kamay niyang nasa braso ko at pagbalik ko naman ng tingin sa kanya, naka smirk nanaman siya.

Ang lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa. 

And he started leaning in. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko.

And bam! The last thing I knew, nakadikit na ang mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako. 

Ang... ang sarap ng halik niya.... 

But then, napamulat ako agad! Kath! Ano ba?! Mali to!

Tinulak ko siya palayo sakin. "G-gino! Ano ba, mali to. Maling mali to!"

"Kath wag ka ng magkunwari pa. Alam ko namang gusto mo eh."

"Gino ano ba? May girlfriend ka. Nakakalimutan mo ba?!"

Nilapit nanaman niya ang mukha niya sa akin. "Dapat niya bang malaman?"

Tinulak ko ulit siya palayo. "Gino umayos ka nga!"

Nakita ko sa muka niya na nainis siya. Kaya tumayo siya. "Okay, fine. Kung ayaw mo, edi wag. Ang dami mong arte. Pupuntahan ko nalang si Bea, sigurado akong gusto pa nun."

Napatayo na rin ako. "Gino, ano bang nangyayare sayo ha? Why are you acting like this?"

"Anong pinagsasabi mo ha?"

"Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Gino. Hindi ka naman ganyan dati ah? Hindi ikaw yan Gino. Ibang iba ka na."

Natahimik siya ng sandali. Nakatingin lang siya sa akin. 

"Kath, hindi na ako ang Gino na kilala mo. Iba na ako. Sorry ka nalang, hindi mo nagustuhan. You have to deal with it."

Aalis na sana siya pero nagsalita ako ulit.

"Bakit ganyan ka Gino? Parang.. para bang may ibang kumuha ng katawan mo at sobrang nagiba ka."

Napatingin ulit siya sakin. "Wala akong pake." Matigas niyang sabi at umalis na.

Naiwan akong tulala. Si Gino ba talaga ang nakausap ko?

At tumulo nanaman ang mga luha ko. 

Napaupo ako at napaisip. 

Gino... Anong nangyari sayo? Ang kilala kong Gino ay hinding hindi ako tatratuhin ng ganon. 

Kailangan kong malaman kung anong mali. At maibalik siya sa dating Gino.

Bago pa to lumala.

----

Short update. Hehe :)

His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon