Chapter 13.

52 1 0
                                    

ALAM KONG NAMISS NIYO SIYA KAYA............


GINO'S POV

Ilang araw na lumipas simula nung huli kong nakita si Daniel.

Malakas talaga kutob ko na may hindi magandang nangyayari eh.


Pero ang di pa rin mawala sa isip ko, eh yung pinagusapan nila ni Jerome na narinig ko.



***************FLASHBACK****************


"Pre anong bang pinagsasabi mong nakabalik na si Robin?"


Robin? Sino nanaman yon?


"Totoo yung sinabi ko, pare. Nakabalik na talaga ang tatay ko."


Tatay ni Jerome?


Ano nanaman kaya ang issue dun sa Robin na yun?


"Pucha naman. Akala ko pa naman tapos na ko sa gagong yon."


"Kahit ako. Ayoko nang makita pa yun. Kahit tatay ko pa yun."


Okay, I get it. Galit sila pareho dun sa Robin. Pero ano naman kaya dahilan ng pagkagalit nila dun?


"Pano siya nakalabas? Tumakas?"

"Hindi ko rin alam pre. Pero anong balak mo na ngayon? Sigurado akong hahanapin tayo nun."

"Di ko alam pero gagawin ko ang lahat wag lang kami magkita ulit ng gagong yon.... Kahit na magkamatayan pa."


Hindi ko alam pero nung narinig ko yun, may kakaiba talaga akong naramdaman.


Kaba.


********END OF FLASHBACK********


Napatigil ako sa pag-iisip kasi narinig kong nagbukas yung pinto ng kwarto ko.

Si Jerome.


"Musta pre?"

Seryoso ba siya sa tinatanong niya?

Gaguhan lang pre?


"Let me see, kinidnap ako ng sarili kong kapatid na hindi ko naman alam na meron pala, nakakulong lang ako sa kwartong 'to ng halos mag-iisang buwan na. Hindi ko na nakikita ang pamilya ko. Siguro nga okay lang ako."

Nakakainis na.

Gusto ko nang makaalis dito.

Kaso putangna wala akong magawa.


"Pare ang ayoko sa lahat yung tinatarantado ako kapag nagtatanong ako ng maayos."


Magsasalita na sana ko kaso di ko na natuloy kasi may naramdaman akong malamig na bakal sa leeg ko.

Isang maliit na kutsilyo.

"Wag mo kong gagaguhin pare."


Diniin niya pa ng konti yung kutsilyo pero hindi sapat para lumubog at mahiwa ang leeg ko.


"Hayop ka."


"Hahahaha. Takot ka na nyan?"


ULUL.

Kung pakawalan mo ko dito tska tayo magharap. Gago


Ipinaikot-ikot niya pa yung kutsilyo sa leeg ko bago niya pababain yung hanggang sa mapunta yun sa mga tali ng kamay ko.

Kinalagan niya ko.

Naramdaman ko kaagad yung sakit ng mga kamay ko.



"Ano pa ba kasing kailangan niyo sakin?!" Ako.


"Chill ka lang pre."

"Babayaran kita kahit magkano pa gusto mo. Pakawalan mo na ko"

"Hindi ako ganyan katanga pare. Pati hindi ko naman kailangan ng pera mo. Hahaha" pailing iling pa siya.


"May kailangan lang akong ipagawa sayo."

Kumunot naman ang noo ko.

Nang hindi na ko nagsalita, nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.


"Magpanggap kang ikaw si Daniel."

"Ano?! Hindi pwede yon!"


"Hindi kita tinatanong. Inuutusan kita. Kaya sumunod ka."

"Well, you can't make me do that."


Nakita ko siyang ngumisi.


"Hindi mo alam kung ano pang mga kaya kong gawin. Gawin mo nalang kung ayaw mong magkanda-leche leche mga buhay natin"


JEROME'S POV

Handa na lahat.


Ako.

Pati na rin si Gino.


"Wag mong kakalimutan lahat ng napag-usapan natin. Ikaw si Daniel ngayon. Naiintindihan mo?"

Tumango lang siya. Alam ko namang napipilitan lang 'to eh. Magkamukhang-magkamukha man sila ni Daniel, pero magkaibang magkaiba naman ang ugali nila.


"Anong oras ba siya dadating?"


"Parating na yon. Maghanda ka na."

-------------------

PATAWARIN NIYO KO SA NAPAKATAGAL NA UPDATE. Inabot ako ng ilang years :( Charot. May nagbabasa pa ba nito? I hope so. Huhu, really sorry guys.

Anyway, I edited some parts. Kayo na bahala kung babasahin niyo pa siya uli from the start :) Sana tanda niyo pa. Hahaha but here you go! Sorry talaga :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon