***
Nagising ako dahil sa ingay na umaalingawngaw roon sa baba.
Naiinis akong tumayo sa aking higaan at binaybay ang daan pababa.Hindi pa ako nakakababa eh naririnig kona ang mga boses ng mga barako kong kaibigan.
"Helll!! akin yan!"—Jaycie
Jaycie Montemayor, known as the most aggressive and hardworking ceo of Montemayors Business. Napaka yaman at mautak kaso isip bata. He is one of my friend.
"Shut up guyss." —Cian
Cian del-Valle is the nerd one, mahilig magbasa ng books pero may secret pala sa books na binabasa niya. Hindi kasi namin ito maintindihan at tanging siya lang ang nakakaalam. Matalino din ito, halata naman.
"Ang pogi ko talaga." —Blaze
Blaze Enrique. Trauxwell is the mahangin, akala mo naman bilib sa kanya lahat. Well pogi naman siya nasobrahan nga lang sa confident sarap isako.
"Pogi ka lang, marunong ako magluto." —Rigel
Rigel Operio is the most popular chef in our city. Nakailang contest na ito at siya talaga ang panalo walang nakakatalo. Paminsan siya talaga luto namin, husband material na iyon kaya naman 'di na ako magtataka kong habulin ito ng babae.
Ito lang naman ang mga kaibigan kong akala mo anghel may lahi palang engkanto. Pag nagagalit sureball wala kang takas.
"What are you guys doing here? Hindi ko maalalang nag invite ako na pumunta kayo." saad ko at tinaasan sila ng kilay. Bigla namn Silang natahimik.
"Oi hi bro! Ang aga aga ah sungit, sinapian kaba ni hitler?" —Jaycie.
Inirapan kona lang ito at pinuntahan ang refrigerator upang kunin ang tequila. Pagbukas ko ay wala nang laman ang ref! pati ang tequila ko ubos? Kalma alf kalma...mga kaibigan mo yan.
"Son of a bitchess! Nasaan tequila ko?!" sigaw ko na nagpaagaw ng attention nilang lahat. Isa isa naman itong natahimik.
Ilang segundo akong naghihintay ng sagot pero wala! Kaya naman nagpagisipan kong utusan nalang sila.
"Walang aamin? Sige, Mag grocery kayo at ibalik lahat ng pagkaing kinain niyo. Pag hindi niyo yan ginawa isa isa ko kayong puputulan ng paa para hindi na talaga kayo makalakad!"
Agad naman silamg tumayo at nagsalute pa mga akin bago tumakbo patungo sa labas ng bahay at pinaandar ang kani-kanilang kotse.
Nakahinga naman ako ng mulawag, bumalik ako sa ku kuwarto at ipinagpatuloy ang pahingang naudlot.
(Blaze P.o.v.)
"Ayan! ubusin niyo pa mga pagkain ni hitler! este alfa! Ayan tuloy nagalit." saad ko.
Kaagad naman ako pinukulan ng masamang tingin.
"Aba-aba! akala mo hindi lumunok ng isang basong tequila! ikaw ata umubos non eh." saad naman ni jaycie na kina irap ko.
Nagbabangayan kaming tatlo nang may biglang sumingit.
"Pwede manahimik kayo? lahat naman tayo may kasalanan para kayong aso at pusa! Arghhh Nakakaisturbo kayo sa pagbabasa ko." — Cian.
Natahimik na bga kaming lahat dahil pag nagalit itong si Cian kahit ano-ano nang sasabihin tapos hindi na naman namin maintindihan.**
Sa wakas! Natapos na rin kaming mag grocery! P*ta andami pala naming nakain. Halos lahat kasi ng pinamili namin ay kinain namin kanina.
Iniisa isa na naming kinarga ang mga malalaking box sa sasakyan. Pagkatapos naman ay bumalik na kami sa bahay ni Hitler para ayusin lahat ng pinamili namin.
Pagkarating namin roon ay tahimik kaya naman hind na kami nag ingay at inayos na nga ang lahat. Pagkatapos noon ay umalis na kami at hindi na nagpaalam kasi baka nagpapahinga si Hitler malagot pa kamo pag inisturbo pa.