******
I’m in the terrace where I can see all the parts of my hacienda. Maganda ito, malawak, maraming pananim. Binili ko itong lupaing ito at pinataniman dahil tahimik.
Habang ako’y tumutungga ng tequila ay may narinig akong yabag sa aking likuran na papunta sa akin.
"Boss..." pagtawag nito sa akin.
"Bakit?"
"Ayaw pa rin magsalita nong Bastardo," saad ng tauhan na siyang nagpakiyom ng aking kamao.
Inilapag ko ang baso at walang anomang pasabe-sabe na naglakad. Sumunod naman sa akin ang aking tauhan.
Tumungo kami sa bodega kung saan naroroon ang bastardong ayaw magsalita.
Nang makarating ako doon, nasilayan kaagad ng aking dalawang mata ang lalaking nakagapos. Nakayuko at duguan ito.
“Too strong, huh? Ayaw mo pa ring magsalita kahit nasasaktan ka na. Magkano ang binayad sa’yo para sunugin ang pagmamay-ari ko?!" Sigaw ko rito sabay hampas sa kanya ng isang dospordos na kahoy.
I don't care if it hurts or not, as long as he suffers. Kulang pang pambayad ang buhay niya sa kasalanang ginawa niya sa akin.
“Aamin ka o hindi?!” Pamimilit ko rito.
"Hindi! Kahit anong gawin niyo, hinding hindi ako aamin. Mas gusto ko pang mamatay kaysa magsalita," sagot nito na siyang ikina-init ng ulo ko.
“Oh. Is that so? Okay.” Kinuha ko kaagad ang baril ng tauhan ko at binaril ito.
Bang!
“Your wish is my command,” saad ko sa hangin. "Pakiligpit na ito, ayoko nang makitang may basura dito.”
“Noted boss!”
Linisan ko na kaagad ang lugar. Hinayaan ko nang gawin ng mga tauhan ko ang inatas ko at dumeretso sa mini bar dito sa bahay kung saan naroroon ang mga inumin at kung saan ako naglalabas ng hinanakit.
Nanginginig ako sa galit dahil sinunog ng walang hiyang taong 'yon ang isang bahagi ng farm ko.
Isa lang naman ang alam kong gagawa noon. Walang iba kundi si Oliver Rodriguez Amazon. Ang kumakalaban sa’kin.
I'll make him pay for what he did!
Tinungga ko na kaagad ang alak na nasa baso ko at bumalik sa kuwarto.
I was feeling dizzy kaya naisipan kong magpahinga. Siguro ay nakakaramdam ako ng ganitong sintomas marahil ay masyado akong abala sa buhay.
Pumanhik na ako sa hadgan kung saan ang daan ay patungo sa aking silid.
Nang makarating ako roon, pumasok agad ako sa bathroom upang maglinis katawan.
Pagkatapos non ay isinalampak ang buong katawan sa higaan.
I just want to relax. Ayokong mawala lahat ng pinaghirapan ko. I can't let that happen.
Pumanaw na rin ang aking mga magulang ng tumungtong ako sa edad na 17, kaya naiwan sa akin ang lahat ng pagmamay ari nila at ang responsibilidad. Tanging butler na lamang namin ang aking kasama na naging tatay na rin ang aking turing. Pinatay sila at aalamin ko kung sino ang may gawa noon. Sisiguraduhin kong magbabayad sila.
Ako na ang namamahala sa lahat. Huminto ako sa pag-aaral upang maturuan ng mahahalagang bagay para sa negosyo, pero kahit ganoon ay may nagtuturo at pumupunta sa akin sa bahay upang ako’y alalayan sa lahat. Mabilis lang naman daw akong turuan kaya naintindihan ko kaagad ang lahat. At ito ako ngayon, busy sa buhay.
I am Alfonso Zachary Evillian, and this is my story.