#10

17 2 2
                                    


ALFA POV.

Sa wakas napakilala kona siya sa mga tauhan ko. Wala nang magiging problema at magiging maganda ang buhay niya sa poder ko, pangako iyan.

Nang matapos ang lahat ay I decided na  dalhin  siya sa isa  sa mga  magandang spot  ng hacienda ko upang makapagpahinga.

Pinaupo ko ito sa ilalim na kahoy.

“For you, ” abot ko rito ng bulaklak.

“wow, thank you, " sabay ngiti
at bakas sa mukha nito ang  kasiyahan.

“This is one of my favorite spot and ikaw palang ang dinala ko rito, I usually come here when I have problems and pag gusto ko magpahinga at malayo muna sa ingay ng kapaligiran,” kuwento ko rito.

“Ow....kaya naman pala, but thank you for bringing me here and thank you for this flower. This is my favorite tapos fav ko din itong  kulay niya.”

“No problem, basta para sayo,” sabay ngiti at hawak sa kanyang kamay.

Sharmaine P.O.V

Fvck! E held my hand! Nabigla ako pero hindi natin papahalata. Nagkatitigan kami ngunit ilang sandali pa ay bigla nitong sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

“Let's stay here for a while I need to rest on you,” bulong niya.

“Sure, as long as you want,” sagot ko naman rito.

Nakamasid lamang ako sa kapaligiran nang mapaigtad ako sa gulat dahil biglang humiga sa paanan ko ang asawa ko. Hindi ata comfortable ang shoulder ko.

“May I?” paalam nito at tanging tango lamang ang sinagot ko.

At nahiga na nga ito.

Ang gwapo—bulong ko.

Kahit saan at anong angulo talaga ng taong ito, napakagwapo. Hindi ko alam at ano ang nakain nito at pinakasalan ako. Pero I promise gagawin ko ang role ko bilang asawa niya.

Habang ako ay nagmumuni-muni hindi ko mapigilang sukalayin ang buhok niya gamit ang kamay ko.

Napakabango at ang smooth—ginaganahan ako.

Ilang minuto ko iyon sinusuklay at nang magsawa ako ay tinigil ko dahil napagod na.

“D-dont s-stopp....” utos nito.

Ay? Akala ko tulog hindi pala. You're wish is my command.

Kahit na pagod na ang kamay ko 'eh pinagpatuloy ko parin dahil ginanahan siya.

Halos ilang oras na kaming nakatambay rito kinakagat na ako ng lamok. Dumidilim na pero tulog parin siya.

Jusko katakot naman dito.

It's 6 pm na so I tried to wake him up pero ayaw talaga 'eh, tulog mantika.

“Hubby..” tangka ko ulit na paggising rito pero wala talaga eh.

Hubby hmpt!  Panget pakinggan!

*Yawning

Hayss inaantok na din ako. Total ayaw naman niya magising edi Sige! Matulog kaming  dalawa rito sa ilalim ng kahoy—kaka antok!

Unti—unti konang ipinikit ang aking nga mata at nagpatangay na nga sa antok.

Alfa POV.

Nagising ako dahil sa kagat ng langgam—ang hapdi!

Nang tiningnan ko ang paligid sh*t napakadilim naman. Gabing-gabi na pala hindi man lang niya ako ginising.

“Uwi na tay— naputol ang sasabihin ko sanan nang makita siyang napaka himbing ang  tulog. Hindi ko siya pwedeng gisingin so napagdesisyonan kong karagahin nalang siya para makauwi na kami.

Tumayo ako, tiningnan ko ito at napakganda talaga niya. Hindi na ako magtataka kong madaming magkakagusto rito. Pati nga ako nahulog 'eh. Dahan-dahan ko  siyang kinarga na mala bridal style. Nang ma karga kona ito ay dahan-dahan na akong naglakad.

Ilang sandali pa lamang ay nakasalubong ko si Mang Tomas.

“Señorito?” tawag nito habang iniilawan ako nang dala ngiyang flashlight. Nakakasilaw nga lang.

“Opo ako nga po,” sagot ko naman.

“Bakit nandito pa po kayo?  Gabing-gabi na ay?”

“Nagpahinga lang po kami doon sa bandang  may nga bulaklak at inabotan ng gabi,” sagot ko naman.

“Nako nako baka may ginagawa kayong kakaiba señorito ah! Sa bagay kasal naman na kayo.”

Napatawa lamang ako. “Mang Tomas naman, Hindi pa po pwede 'eh. Mauuna na po pala kami,” paalam ko.

“Sige ho señorito at uuwi na rin ako, mag ingat ho kayo!”


“Maraming salamat po.”

Pinagpatuloy kona nga ang paglalakad ko hanggang sa  natanaw kona ang  aking sasakyan. Dinalian kona sa paglalakad at dahan-dahan binuksan ang pintuan bago iningatang ipasok ang aking asawa sa loob.

Nang ma-ayos kona siya at kinabit kona ang seatbelt upang safe naman. Nang maging okay na 'eh hindi pa ako nagtumpik-tumpik pa at dumeretso na sa driver seat at pina-andar ang sasakyan. Pinaharurot kona kaagad ito papuntang bahay at ilang minuto ay nakarating na  kami sa bahay.

Hindi parin s'ya nagigising  kaya  binuhat kona ito papuntang kwarto. Napansin kong madumi ang damit nito kaya kumuha ako ng damit sa closet. Simple T-shirt ma oversized lamang.


Medyo kinakabahan pa ako noong una dahil it's my first time na magbihis ng babae. Pumikit na lamang ako at dahan dahang tinanggal ang damit niya. Nang matanggal ay sinuot ko kaagad ang T shirt s kanya. Nang matapos ay kinumotan kona siya, inopen ang aircon at lumabas na.


Iiwan ko muna siya at may gagawin pa akong importanteng bagay.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TOUCH OF DEATH Where stories live. Discover now