******
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. At SH*T ang sakit ng ulo ko, napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa nararamdamang bigat at nahihilo din ako. Tiningnan ko ang paligid at nabigla na namangha sa aking nakita.
Ang ganda!
Napakaraming pinta sa dingding at ang ganda ng kurtina. Sa kulay pa lamang ng mga koloreteng nakalagay rito sa kuwarto nakakadagdag points! sa kong titingnan ay parang nasa museum.
'Yong feeling na parang VIP ka sa isang kaganapan tas free lahat ganurn! as in ganon ang nararamdaman ko ngayon.
Pero Jusko poo..anong ginagawa ko sa buhay ko? Ano ba ang nangyare kagabi?Biglang pumasok sa isipan ko ang tanong na
PAANO NGA BA AKO NAPUNTA RITO?!KANINONG KWARTO TO?! nyemas kalahati lang nito 'yong bahay namin t-tapos WAHH!!!!!! ang laki ng bed! mabango din ha!
P-pero sino ang nagdala sakin rito?
Nawala naba ang pagka birhen ko?
WAHHHH!!!!! wag naman sana, hindi pa ako handa huhuhuhu.
Kaya sinilip ko kaagad ang katawan kong nakabalot ng kumot dahil sa mga nababasa ko sa libro na mga naliligaw din eh ito ang una nilang ginagawa. Nang makita kong may suot pa ako eh kumalma naman ang aking diwa kahit papaano.Birhen pa tayo tihh KALMA! saad ng kukute ko.
Inilibot ko ang aking paningin kong may tao ba pero wala akong napansin kaya sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya dahil sa bigat ng katawan ko.
*Creeeek— nagulat ako ng bumukas amg pinto at nakita ko roon ang isang lalaking napakagwapong niluwa mula rito. Kinusot ko ang aking mga mata baka namalikmata lamang ako nang muli kong minulat ay shett siya nga talagaaaa! 'yong—'YONG LALAKING NAKABANGGAAN KO?!!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtantong siya nga. Para akong statuwang nakatitig lang sa kaniya.
"Wag mong piliting tumayo, hindi mopa kaya." anito.
Bat ang gwapo niya?!
Paanong—napunta ako dito? paano?! tapos siya pa? Grabe naman lord sana hindi to masamang tao.
Ay jusko sumasakit na ulo ko kakaisip. Mamaya na siguru ako magtatanong ang importante ligtas ako.
May bitbit itong tray na naglalaman ng pagkain patungo sa akin, inilapag niya ito sa tabi ko at umupo siya. Hinawakan niya ang aking noo na siyang ikinabigla ko.
"Ang init mo." saad nito at tiningnan ko lang siya.
Kumuha ito ng gamot sa drawer at inilapag sa tray. "Take this after you eat, okay? I'll be back." abot sakin ng gamot sabay kindat.
Hinalikan ako nito sa noo at humakbang na palabas ng kuwartong kinaroroonan ko.
"B-bakit niya ako hinalikan?" hindi ko makapaniwalang bulong saking sarili. Kinurot ko ang aking pisngi at sh*t nakaramdam ako ng sakit! talagang hindi ako nananaginip. Totoo iyong halikkkk!
Wala na...may lumapastangan nang humalik sakin.
KWIWHEBSJSUWHWNWAKIWWHSJIW—tumutunog na ang aking tiyan sinyales na nagugutom na ako, kaya naman kinuha kona ang pagkain na nasa tray at kinain ito. After kong kumain ay ininom kona ang gamot. Tatayo sana ako para hugasan ang pinagkainan ko nang bumukas bigla ang pinto.
Hindi ko napansin ang pumasok dahil busy ako pag angat sana ng tray.
"Ubos mona pala, ako na bahala jan. Just take a rest." nagulat ako nang bigla itong magsalita muntikan ko pang ma bitawan ang tray
