CHAPTER 24

368 9 0
                                    

[CHAPTER 24]

NANIGAS ang katawan ko ng marinig ang sinabi ng doctor. Naging mabilis ang paghinga ko at naging taranta din ako.

"Kalma Misis!"saad nya pero hindi ko alam kung paano ako kakalma pagkatapos ng mga narinig ko. Hindi ako buntis! napahilamos ako ng mukha at umiyak, kasalan ko ang lahat dapat ay gumamit muna ako ng pregnancy test para malaman kung buntis nga talaga ako. Ano ang gagawin ko? paano ko sasabihin kay Hunter na hindi ako buntis. Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo na ginawa nya sakin ay ganito lang ang mangyayari. Nawala ang lahat sa kanya tinalikuran nya ang Mommy nya para sa akin sa magiging anak namin. Pero walang laman ang tyan ko. Tanggapin ko pa sana na delikado kung ipagpapatuloy ko pa ang pagbubuntis ko pero ang balita na walang laman ang tiyan ko yun ang hindi ko kayang tanggapin.

Inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at hinarap ang doctor hinawakan ko ang dalawang kamay nya ramdam ko rin ang panginginig ng nga kamay ko.

"Doc wag nyo sang sabihin sa kanya ito!"pagmamakaawa ko Tila nagulat ang doctor sa sinabi ko. Ayaw kung marinig sa labi ni Hunter na disyamado sya sa nangyari sakin.

"Doc baka iwan nya ako?"sabay piyok ko kita ko sa mga mata nito ang awa at takot.

"Pero Misis dapat nyang malaman ang lahat?"

"Ano dapat kung malaman?"pareho kaming napatingin ng biglang sumulpot si Hunter. Tumutulo ang pawis sa noo nya tila ay tumakbo sya ng sobrang layo. Tumingin ako sa doctor at nagmakaawa sa kanya gamit ang nga mata ko, bumuntong ito.

"Wala naman kailangan nya lang magpahinga!"saad ng doctor bago umalis, nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi nya ako nilaglag sa harapan ni Hunter dahil pagnagkataon na sinabi nya ang totoo ay katapusan ko na. Lumapit sakin si Hunter at umupo sa kama.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"hindi ko pinahalata ang pagkabalisa ako.

"Ayos lang pwedeng umuwi na tayo mas gusto ko sa bahay!"saad ko.

"Bukas nalang Pepsi!"umiling ako baga bumalik ang Doctor at kausapin sya.

"Ayos lang ako Hunter baka sumama lang ang pakiramdam ko kung dito ako sa hospital tatagal!"pagkukumbinsi ko sa kanya tumango sya sabay halik sa noo ko.

"Okay!"saad nya, naging panatag ako dahil hindi na sya ng tanong. Pero hanggang kailan ako magpapanggap na buntis ako. Hindi pwedeng habang buhay ko itong gawin. Nang makauwi na kami sa bahay ay maingat ang bawat galaw no Hunter. Pinagsisilbihna nya ako, natatakot sya na baka merong nangyari sa akin sa magiging anak naming dalawa kung alam mo lang Hunter ang totoo. Alam kung ayaw nya sa mga taong sinungaling pero wala naman akong choice kundi gawin ang bagay na ito. Mahal ko sya at ayoko sa ganitong dahilan lang matatapos ang lahat. Magpapabuntis ako sa kanya, kahit araw-araw pa na yayain ko sya na may mangyari sa aming dalawa gagawin ko. Napamura sya ng hinaplos ko ang dibdib nya, kakatapos lang nya maligo sabi ko pupunasan ko ang basa nyang buhok pero iba ang ginagawa ko. Hinuli nya ang kamay ko ng bumaba ang iyon sa tyan nya.

"Pepsi!"suway nya sakin kita ko sa mga mata nya nagsisimula iyong magliyab.

"Pwede pa naman!"nakangiting saad ko, pinitik nya ang noo ko magkatabi kaming nakaupo sa kama.

"Hindi pwede!"suway nya sakin napalabi naman ako. Nung nalaman nya kasing buntis ako ay sabi nya ay hindi nya na daw ako panggigilan baka may mangyari pa sa anak naming dalawa pero iba na ang sitwasyon ngayon.

"Kahit isa lang!"sabay pout ko sa harapan nya. Napahilamos sya ng mukha, kilala ko sya madali syang bumigay pagdating sakin lalo na ako ang nagyaya.

"Matulog ka-"hindi sya pinatapos dahil hinalikan ko sya sa labi sabay haplos ng kamay ko sa hubad nyang dibdib. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nya. Lumayo ako sa kanya at ngumiti.

"Ang kulit mo!"saad nya at hinakit ang leeg ko para halikan ng marahan at nangyari nga ang gusto kung mangyayari. Nasundan pa iyon kinaumagahan bago sya umalis papuntang trabaho. Hinaplos ko ang tiyan ko sigurado akong magkakalaman narin ito. Inayos ko ang mga pagkain sa baonan gusto kung supresahin si Hunter sa trabaho nya. Isang beses lang ako nakapunta doon at ito ang magiging panglawang punta ko. Pinagbawalan nya kasi ako baka malanghap ko daw ang usok ng mga truck at ang dami nya pang sinabi na pwedeng ikasama ko daw sa pagbubuntis ko. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay umalis na ako sa bahay nakangiti ang mga labi ko habang nakasakay sa tricycle. Sigurado akong magagalit sya dahil sinuway ko sya. Kahit kailan talaga mainit palagi ang ulo ni Hunter.

"Salamat po manong!"sabay bigay ko ng bayad. Pagkapasok ko palang sa gate ang humarang ang isang matapang guard may hawak itong patola at mahinang hinahampas sa palad nya.

"Miss anong kailangan mo?"tanong nito, pinakita ko sa kanya ang plastic na merong mga pagkain.

"Idadala ko lang sa asawa ko!"saad ko, pinagmasdan nya ako bigla tuloy akong kinalabutan sa ginagawang pagtitig nya.

"Sino po ba ang asawa nyo?"

"Si Hunter po!"saad ko bigla itong tumawa ng malakas dahilan para maagaw namin ang atensyon ng iilang trabahador na pumasok sa gate.

"Miss umalis kana niloloko mo yata ako!"saad nya kumunot ang noo ko. Nasaan na ba yung dating guard dito kilala ako nun.

"Manong guard hindi ko po kayo niloloko!"inis kung saad.

"Miss imposible na ikaw ang asawa ni Boss Hunter!"kumunot ang noo ko sa sinabi nya Boss? Na promote na ba si Hunter kung ganun nga bakit hindi nya sinabi.

"Kailangan ko pa ba magdala ng marriage certificate para patunayan na ako ang asawa nya!"inis kung saad.

"Miss-"hindi nya natapos ang sasabihin ng makarinig kami ng isang bosena. Hinawakan nya ang braso ko at marahas na tinulak sa gitna ng gate. Napatingin ako sa pulang kotse na ngayon ay nakahinto sa harapan ko.

"Good morning madam!"saad ng guard, bigla akong kinabahan habang pinagmamasdan ang pulang kotse. Unatarad ako ng bumukas ang pinto.

"Angelina"gulat kung tawag sa pangalan nya, nakataas ang isang kilay nya habang pinagmamasdan ako.

Anong ginagawa ng bruha dito!

MoonLoverPrincess2

DANGEROUS TRAP [MAID SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon