[CHAPTER 14]
Angelina!
ANG pangalan ng babaeng pinagtanggol ni Boss Hunter laban sakin. Narinig ko kasi ang usapan ng mga katulong tungkol sa babaeng iyon. Hindi lang pala ako ang nagkaroon ng insecure sa sarili ng makita ang babaeng iyon ganun din ang mga katulong na babae sa mansion. Siguro ganun din sa labas sa tuwing makikita nila si Angelina. Mukha syang isang inosenteng manika bagay ang pangalan na yun sa kanya dahil kamukhang-kamukha nya si Angelina Jolie.
Nakakainis man aminin ay mas lamang ang alindog ng babaeng iyon kaysa sakin. Bukod sa mala diyosa na kagandan ay dumagdag pa ang mabilog nitong dibdib. Inis ko na namn kinuha ang unan at binato sa pader dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi na ito maganda dahil kahit anong pilit kung sabihing sa sarili ko na wala akong nararamdaman para kay Boss Hunter dagdag pa na hindi ako nagseselos ay kabaliktaran ang lahat ng iyon. Dahil tangina nagseselos ako.
Para na akong masisiraan kung iisipan ko pa ang mga iyon. Magsama silang duwa. Napalunok ako ng maramdaman ang malamig sa aking pisngi. Hinaplos ko at doon ko nakumpirma umiiyak na pala ako. Sh*t sobrang bilis naman ng pangyayari. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan nandoon ang pusong nagluluksa. Hindi na itong simpleng pagkagusto sa kanya mukhang higit pa doon. Napasinok ako dahil sa mga luhang sunod-sunod na pumatak sa mata ko.
Mahal ko na yata ang walanghiyang yun!
Masasaktan lang ako pagsinabi ko sa kanya na gusto ko sya baka pagtawanan nya lang ako dahil sa sobrang bilis na nararadamdaman ko para sa kanya. Pero wala namang pinipiling oras, araw at panahon ang pag-ibig hindi ba. Dahil kusa naman itong dumadating at nararadamdaman. Sa sitwasyon kung ito malas yata ako sa daming lalaki sa buong mundo sa kanya pa ako magkakagusto. Wala yatang puso ang lalaking iyon. Kahit kwinento nya na ang mga pinagdaan nya ay hindi parin sapata iyon para ibigay nya sa akin ang buong tiwala nya. Lalo na merong dumating na bruha. Sumubosob ako sa kama dahil nahihirapan akong huminga.
"Bakit sa kanya pa!"mahina kung saad, napabangon ako ng makaranig ng malakas na katok sa pinto ko. Pinagmasdan ko ng ilang minuto ang pinto, doon lamang ako napatayo ng kumalabog na iyon. Inayos ko muna ang itsura ko. Mahirap na baka si madam iyon at bigla na namang tumakbo dahil sa pagmumukha kung mangbabarang. Ganun nalamang ang gulat ko na si Hunter ang sumalubong sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito ngunit hindi iyon tumagal. Umiwas ako ng mapansin ang pagtitig nya sa mga mata ko. Baka mahalata nya na umiyak ako dahil sa kanya.
"Anong kailangan mo!"walang ganang saad ko at yumuko.
"Kung makapagsalita ka parang-"
"Parang ano?"pagpuputol ko sa sasabihin nya, nakayuko parin ako.
"Damn! Pepsi what's your problem?"inis nyang bulyaw sa akin. Pinagsaklop ko ang mga daliri ko dahil nararadamdaman ko na naman ang mga luha ko na unting-unti na namang papatak.
"Wala akong problema!"napamura ako sa iisipan ko ng bigla akong suminok senyales na kunti nalang ang bibigay na ako. Napaatras ako ng humakbang sya papalapit sakin.
"Ano-!"napalunok ako at hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"What Pepsi?"matigas nyang saad, tumalikod na ako, hindi pa oras para malaman nya na may gusto ako sa kanya.
Hindi pwede!bulyaw ko sa sarili ko.
Isang hakbang ang ginawa ko pero kasabay non ang paghawak nya sa braso ko at hinatak ako paharap sa kanya. Gulat na gulat ang mga mata nya.
"Hunter-"naiiyak kung bigkas sa pangalan nya. Sunod-sunod syang napalunok at kasabay non ang pagtikom ng bibig nya. Gulat na gulat sya na para bang meron syang nakitang aswang sa harapan nya na handa na syang dakmain.
"Ano-!"sh*t anong ano ba Pepsi! Kanika ko pa sinasabi ang salitang yun Pero wala akong maidugtong.
"Do you like me Pepsi?"seryoso nyang tanong na ikinagulat ko at kinasinghap ko. Anong sasabihin ko! dapat bang oo o hindi. Ito na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya na gusto ko sya. May alam na ba sya o nahahalata nya na may gusto ako sa kanya dahil sa mga kinikilos ko at kanina.
"Uulitin ko Pepsi may gusto ka ba sa akin?"kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil bigla akong nakiliti na para bang kinikilig. Mas sexy sa pandinig ko ang panglawang sinabi nya. Napapikit ako ito na ba talaga ang ang oras kupido para sabihin ko sa kanya na oo ang sagot ko sa tanong nya. Huminga ako ng malalim ang dinilat ang mga mata ko matamis akong ngumiti sa kanya.
Bahala na!
"Natatae ako!"mabilis kung saad, napamura ako at natakpan ko ang bibig ko. Bakit ganun! Bakit natatae ang sinabi ko anong connect Pepsi ng natatae sa tanong nya. Binawi ko ang braso kung hawak nya at lumayo sa kanya. Sobrang akward nito dagdag pa ang kahihiyan.
"Cr muna ako!"bulyaw ko sa kanya at dali-daling tumakbo papuntang banyo. Nang masara ko na ang pinto at agad akong sumandal.
"Natatae!"paulit-ulit kung tinampal ang bibig ko dahil sa walang kwentang sinabi ko. Kinabahan lang siguro ako dahil seryoso sya. Sigurado akong sasabog na si Hunter sa galit dahil sa sinabi ko.
Anong gagawin ko?
Natatae na ba ang uso! Pag tinanong ka ng crush mo na kung may gusto ka sa kanya.
Natatae na ba ang meaning ng Oo!
MoonLoverPrincess2
#SORRY FOR THE WRONG GRAMMAR SPELLING AND DELAYED UPDATED!
#YOU MAY VISIT MY FACEBOOK PAGE FOR ADVANCE UPDATE! Name: Moonloverprincess I
BINABASA MO ANG
DANGEROUS TRAP [MAID SERIES 1]
Roman d'amourPepsi Cola Bulaklakan ay palaban na babae at bastos ang bunganga sasabihin nya ang gusto nyang sabihin kahit nakakainsulto na para sa iba dahil may motto sya- "Mas masarap ang petchay pag fresh! Para sa kanya ang buhay ay isang masagana ngingiti nal...