Jema's POV
Nagising ako dahil ramdam ko yung pananakit ng leeg ko
"Aarghh!" daing ko habang nakapikit, napahawak din ako sa leeg ko
Dahan-dahan kong idinilat yung mga mata ko at iginala ko yung paningin ko
Biglang nanlaki yung dalawang mata ko dahil hindi ko alam kung nasaan ako
"Shit!"
Tumingin ako sa lalaki na nakahiga sa driver's seat, hindi ko makita yung mukha nya dahil may harang na jacket yung mukha nya
Nakaramdam ako ng kaba
"Jusko! Baka masamang tao to!"
Lumapit ako sa kanya pagkatapos
*Paakk!!
Hinampas ko lang naman sya sa balikat nya
"Hoy!" sigaw ko sa kanya
"A-Araaaayyy!! Ano ba yan! Natutulog yung tao eh!" inis na sabi nya
Tinanggal nya yung jacket sa mukha nya at tumingin sya sakin habang nakakunot noo
"N-Nasaan ako?! Siguro kidnaper ka no??!"
Inayos nya yung upuan nya pagkatapos tumingin sya sakin
Tinuro nya yung mukha nya
"I-Ito? Itong mukhang to?? kidnaper?! Sa pogi kong to?!" inis na tanong nya
Ay! Ang yabang naman, pero totoo naman na pogi sya...
"Eh pano ako napunta dito??!" mataray na tanong ko sakanya
Nagkamot sya sa sintido nya
"Sumakay ka sa taxi ko kagabi, ang sabi mo QC lang, tinanong ko kung saan sa QC pero ang sagot mo ay magdrive lang ako, kaso nung nasa QC na tayo tinulugan mo ako!" sagot nya sakin
"Eh bakit hindi mo ako ginising?!!"
"Ginigising kita pero ayaw mo naman!" sagot nya ulit
"Kung ganon uuwi na ako!!"
Lalabas na sana ako ng sasakyan pero pinigilan nya ako
"Hep! Hep! Wait!"
Tumingin ako sa kanya
"Bakit??!!"
"Yung bayad mo!" sagot nya
Napairap ako
"Yun lang pala eh! Magkano ba?!" kunot noong tanong ko, tinuro nya yung metro
"Ito" sagot nya
Nanlaki yung mga mata ko
"8,600??!!!" sigaw ko
Napahawak sya sa tenga nya
"Makasigaw naman to... Bakit??" tanong nya
"8,600 yung babayaran ko??! Saan mo ba ako dinalang damuho ka?! QC lang diba?!" inis na tanong ko
"QC nga miss, kaso dito ka natulog sa taxi ko kaya umaandar parin yung metro mo" sagot nya
"Ayos ha! Dinaig ko pa yung nagbook ng hotel ha!"
Ngumisi sya
"Miss, ikaw na nga yung nakaperwisyo sakin tapos ikaw pa tong galit, alam mo ba kung magkano yung lugi sakin?" tanong nya
Grabe talaga!
"Nasaan na ba tayo?!" tanong ko sakanya
"Antipolo" sagot nya
![](https://img.wattpad.com/cover/364700095-288-k727897.jpg)