Part 9

1.1K 51 12
                                        

Jema's POV

Paglabas ko ng CR nakita ko si Fhen na nakasandal sa wall, nang nakita nya ako mabilis syang umayos

"Anong kailangan mo??" tanong ko sakanya

"Jema, pwede ba tayong mag-usap??" tanong nya

"Tungkol saan? Wala na tayong dapat pag-usapan Fhen" sabi ko

Pero yung totoo gustong-gusto kong mag-usap kaming dalawa

"Jema, hindi ko alam na mabilis ka din palang makapag move on?"

Tumingin ako sa kanya ng seryoso

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko din sakanya

"W-Wala, hindi lang ako makapaniwala na... ilang araw lang t-tapos meron kana agad iba?"

Gago din to eh! Pasalamat ka mahal kita! Pero galit parin ako, nasasaktan ako ngayon dahil sa ginawa nya

Ngumisi ako

"Ang lakas naman ng loob mo na sabihin sakin yan, ikaw nga agad-agad eh, kakabreak lang natin kinabukasan meron na agad!"

Ipinaramdam ko sa kanya yung galit ko kahit malumanay lang yung boses ko

"Pero Jema, sure ka ba na mahal ka ng lalaking yon?!"

"Wala ka ng pake don Fhen--"

Naputol yung sasabihin ko nang nakita namin si Dean

"Dean, anong ginagawa mo dito?"

"Ahh, mag CCR lang sana" sagot nya sakin

"Sorry bro, kinakausap ko lang si Jema" sabi ni Fhen

"Okay" sagot ni Dean

Bwisit to, kapag nakahalata si Fhen lagot to sakin!

Pumasok na sya ng CR

"Ha! Tingnan mo Jema! Parang wala ngang pake sayo yung boyfriend mo eh! saan mo ba nakilala yon?!!" inis na tanong nya sakin

"Wala ka ng pake don kung saan ko man sya nakilala!" sabi ko

"Hindi ako naniniwala Jema na boyfriend mo yung lalaking yon! Kilala kita, alam kong mahal mo parin ako hanggang ngayon at ginagamit mo lang yung lalaking yon!"

"Mahal ko si Dean! Hindi ko na problema kung maniniwala ka o hindi!" sabi ko

"P-Pano kung sabihin kong mahal parin kita? Ha??" tanong nya sakin at natigilan ako dahil sa sinabi nya

Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako, may gf sya tapos sasabihin nyang mahal nya parin ako??!

Nakita kong lumabas si Dean ng CR

"Tapos na ba kayo?" tanong nya

Tumingin sakanya si Fhen

"Uhm, oo, o-okay na kami" sagot ni Fhen

"Pwede ko na bang kunin yung girlfriend ko?"

"S-Sure" sagot nya

Lumapit sakin si Dean at hinawakan yung kamay ko

Hindi ko alam pero parang may kakaiba nanaman akong naramdaman

"Let's go babe, ihahatid pa kita sa office nyo" sabi ni Dean

"Wait... haha! J-Jema hindi talaga ako naniniwala na boyfriend mo to eh!" medyo inis na sabi ni Fhen

Tiningnan sya ni Dean ng seryoso

"Gusto mong patunayan ko?" tanong ni Dean kay Fhen

Kumunot yung noo ni Fhen at halata yung inis sa mukha nya

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon