Dean's POV
"Ano? Nag-usap na kayo?" tanong sakin ni Tots nang makalapit ako sakanila
Umiling ako
"Anak naman ng sampung kambing oh! Bakit hindi pa?!"
"E-Eh hindi ko alam yung sasabihin ko eh" sagot ko sakanya
"Tsk! Torpe!" asar nya sakin
Nakagat ko yung labi ko
Oo na, torpe na...
Sumulyap ako kay Jema, nakita kong tumutulong na sya sa mga kaibigan nya sa pagluluto ng pagkaen nila
"Dean, tumulong ka na nga lang dito! Akala pa naman namin kakausapin mo na eh!" sabi ni Tots na nagreready na din ng lunch namin
"Oo na!" sabi ko
Nakakainis naman eh!
Kung alam ko lang na may binabalak tong si Bei at Jho edi sana hindi nalang ako sumama dito, hays!
Hindi kasi ako ready, hindi ko din inaasahan na makikita ko si Jema dito
Tinulungan ko si Tots na mag-ihaw ng isda at liempo
Mmm... amoy palang nakakagutom na!
"Deans, mamaya kausapin mo na si Jema ha!" bulong sakin ni Tots
"Kaya nga! Gumawa na nga kami ng paraan para makita mo sya eh" sabi naman ni Bei
"Binibigla nyo naman kasi ako eh! Hindi ako ready..."
"Okay na yan! Sabi nga nila mas maganda daw kapag biglaan, hahah! Maganda yung nangyayare!" sabi ni Bei
"Ewan ko sainyo, hindi nyo manlang sinabi sakin yung plano nyo" sabi ko habang nakanguso
"Ang arte mo naman Dean! Para kang babae!" asar ni Tots sakin
"Hindi ah!"
"Edi kakausapin mo na mamaya?" tanong ni Bei
"Tsk! Susubukan ko!" sagot ko
Pagkatapos naming magluto inihanda na namin yung mga pagkaen sa lamesa na nasa harap ng kubo namin
Kada kubo kasi merong sariling lamesa sa tapat nito
"Guys, sabay-sabay na tayong kumaen" sabi samin ni Jho na naghahanda na din ng pagkaen nila
"Oo nga! Dito nalang kayo makitable samin, mas masaya kapag sabay-sabay" sabi naman ni Ced
Nagkatinginan kaming tatlo
"Oo nga, sabay na tayo sakanila, heheh!" sabi ni Bei pagkatapos binitbit nya yung mga pagkaen namin papunta sa lamesa nila Jema, ganon din naman yung ginawa ni Tots
Napakamot ako sa ulo ko
Tsk! May magagawa pa ba ako? Eh bitbit na ng dalawa yung mga pagkaen namin...
Lumapit ako kila Jema
"Wow! Ang sarap naman ng pagkaen nyo!" sabi ni Tots
"Kuha kayo, share-share sa pagkaen, mukhang masarap din naman yung inihaw nyo eh" sabi ni Ced
"Naman! Ako yung nagtimpla nyan eh!" sabinni Tots sabay kindat kay Ced
Tss! Pabida...
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jema kaya nakaramdam nanaman ako ng pagkailang
"Dean, dun kana sa tabi ni Jema oh!" sabi ni Kyla
Tumango lang ako
Naglakad ako palapit kay Jema at umupo sa tabi nya