Dean's POV
Nang makauwi ako sa bahay namin agad akong dumeretso sa kwarto ko, pabagsak akong humiga pagkatapos huminga ako ng malalim kaya naamoy ko yung pabango ni Jema na kumapit sa cover ng kama ko
Bigla kong naalala yung nangyare kagabi kaya nakagat ko yung labi ko
Naiilang tuloy ako sakanya hays!
Pero bakit parang wala manlang syang naaalala??
Napakamot ako sa ulo ko
Hays!! Nakakainis!!
Pumikit ako kaso nakita ko yung mukha ni Jema kaya napaupo ako sa kama ko
"Ano ba?! Bakit ayaw mong umalis sa isip ko??!!"
Tok! Tok! Tok!
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok kaya tumayo ako at binuksan ko iyon, bumungad sakin yung mukha nina Danric, Sab at Dani
"Oh, bakit?"
"Kuya, may pasok ka po ba ngayon?" tanong sakin ni Danric
"W-Wala naman, bakit?"
"Punta naman po tayo ng mall" sabi nya
Napangiti ako dahil halatang nagpapacute pa sya sakin
Siguro nga mas maganda ng magpalamig ako sa mall para makalimutan ko yung nangyare kagabi
"Osige, maligo na kayo at pupunta tayo sa mall ngayon!" sabi ko
"Yehheeeyy!!" sabay-sabay nilang sabi kaya natawa ako
Naligo at nagbihis na din ako
Halos isang oras pa yung lumipas at nakaready na din kami
"Nay, Tay, aalis na po kami" paalam ko
"Sige, mag-iingat kayo" sabi ni Tatay Dante
Palabas na sana kami ng bahay ng biglang...
"Tao p--oh! Dean, aalis ka?" bungad sakin ni Jema
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko
"A-Anong ginagawa mo dito??" kunot noong tanong ko sakanya
"Aalis ka??" tanong nya uli
Tumingin ako sa mga kapatid ko
"O-Oo sana eh, b-bakit??"
"Saan ka pupunta?"
"Sa Mall" sagot ko
"Sakto! Pupunta tayo ng mall ngayon!" sabi nya
"W-Wait! Wait! Akala ko ba pahinga ko ngayon?? Naka-Oo na ako dito sa mga kapatid ko eh!"
"Problema ba yon?? Edi sasama natin sila" sabi nya
Ehh???
"Ano ba kasing gagawin mo??" tanong ko sakanya habang nakakunot noo
"Oh, iha, nandito ka pala" bati sakanya ni Tatay Dante habang nakangiti, kakalabas nya lang kasi ng bahay
"Hello po" bati ni Jema kay Tatay Dante
"Sasama ka ba sakanila?"
Ngumiti si Jema
"Opo, m-may kailangan kasi kaming pag-usapan ni Dean"
Bigla akong kinabahan
Ano naman kaya yon??
Baka naalala na nya yung kagabi???!
Mas lalo akong kinabahan
Ano ba yan! Pupunta nga kami ng mall para mawala sya sa isip ko eh, lalo na yung nangyare kagabi! Tapos sasama naman sya! 🙄
