Part 37

1.4K 81 26
                                    

Dean's POV

Nakatambay ako ngayon dito sa may Centris

Ang tumal naman ngayon...

Huminga ako ng malalim

Maya-maya nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng taxi

Si Tots lang pala

Binuksan ko yung bintana

"Bakit?"

"Hindi ka pa uuwi?"

"Uuwi na, kayo?"

"Uuwi na din kami eh, ang tumal! Patambay sa bahay nyo"

Tumango ako

"Sige lang" sagot ko

"Sige, hintayin ka namin dun sa pinagpaparkingan natin ha!" sabi ni Tots

Tumango ulit ako

"Sige"

Nang makaalis si Tots kinuha ko yung phone ko, tinext ko si tatay Dante na pauwi na ako, pagkasend ko ng message ko nagdrive na ako pauwi

Naikwento ko kila Tots at Bei yung naging sagutan naming dalawa ni Jema, syempre nakaramdam din sila ng inis

Yung totoo nasaktan ako sa mga sinabi ni Jema, tanggap ko yung hindi nya ako mahal, pero yung hindi ko lang matanggap ay yung mapagbintangan na sinisira ko daw yung relasyon nila

Concern lang naman ako sakanya eh...

Niminsan hindi ko inisip o binalak na sirain silang dalawa...

Nakagat ko yung labi ko

Nakakasama lang ng loob...

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa pinagpaparkingan namin nila Tots

"Ang tagal mo naman!" reklamo ni Bei

"Sorry na..." sabi ko

Napatigil ako sa paglakakad nang nakita ko yung sasakyan ni Jho

Alam kong sakanya yan

Anong ginagawa nya dito?

Lumingon sakin si Bei dahil napansin nya na wala na ako sa tabi nya

"Oh, bakit ka huminto?" tanong nya sakin

"Yung sasakyan" sagot ko

"Ha? Anong sasakyan?" tanong nya ulit

"Kay Jho yang sasakyan na nakapark sa harap ng tindahan nila Ibyang" sagot ko

"Si Jho?! Ibig sabihin nasainyo si Jho?!"

Tumingin ako sakanya

Bakit parang natataranta to??

"Siguro? Baka nasa bahay nyo?" biro ko sakanya

Ngumiwi lang sya

Naglakad kami palapit sa sasakyan ni Jho

"Dean, mabuti nalang at nandito kana, may mga bisita ka sa bahay nyo, nandyan yung dalawang babae na pumunta dati sa bahay nyo, tapos may kasama pa syang dalawang babae" sabi ni Ibyang

Bumilis yung tibok ng puso ko

Sila Jema??

Anong ginagawa nila dito??

Nagkatinginan kami nila Bei

"Sila Jema yata yung tinutukoy nya" sabi sakin ni Bei

"Anong gagawin mo Dean? Akala ko ba ayaw kana nyang makita?" tanong naman ni Tots

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon