Part 36

1K 52 7
                                    

Jema's POV

Nakatingin ako kay Dean habang naglalakad sya palayo

Aaminin kong nasasaktan ako ngayon, pero mas nangingibabaw yung inis sa puso ko

Ilang sandali lang at nandito na ako sa condo ko, kinuha ko yung phone ko at tinext ko sila Kyla, Ced at Jho, gusto ko ng makakausap ngayon

Habang hinihintay ko sila Kyla nakaupo lang ako sa sofa at nakatulala, para bang nakarecord sa tenga ko yung mga sinabi ni Dean kanina

"Jema sana wag mong masamain tong sasabihin ko sayo, gusto lang kitang tulungan"

"Jema niloloko ka lang ni Fhen"

"Jema hindi! Nagsasabi ako ng totoo! May  ibang babae si Fhen at buntis yung kausap nya kagabi!"

"S-Sorry kung yun yung dating sayo... sinabi ko yon k-kasi ayaw kitang masaktan eh"

"Oo mahal kita, p-pero hindi ako humihingi ng kapalit Jema, hindi ko hinihiling sayo na gustuhin mo din ako... makita nga lang kita na masaya okay na ako eh... sinabi ko lang yung nalaman ko kasi concern ako sayo!"

"P-Pero ang sakit lang kasi... p-parang ako pa yung naging masama sa paningin mo"

"Hayaan mo, hindi na ako magpapakita sayo, w-wag kang mag-alala, mawawala din tong nararamdaman ko sayo"

Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko

Nakakainis naman eh! Bakit ka tumutulo?!

Pumikit ako

Habang nakapikit ako nakita ko yung mukha ni Dean

Ganyan... ganyan na ganyan yung reaction nya kanina, halata sa nga mata nya na nasaktan sya

Maya-maya lang at nandito na sila Kyla

"Bes, may problema ka ba?" tanong ni Kyla sakin

"Bakit biglaan yung patawag mo samin?" tanong din ni Ced

Naglakad si Jho papunta sa kusina para kumuha ng pagkaen at inumin

Sanay na ako sakanila, kapag nandito kasi sila sa condo ko daig pa nila yung may ari...

"Bes? Ano? Magsasalita ka ba o magtititigan nalang tayo dito?" tanong ulit ni Kyla

"Magkaaway nanaman ba kayo ni Fhen?"  tanong ni Jho habang naglalakad palapit samin, may dala na syang baso, wine at pagkaen

"H-Hindi" sagot ko

"Eh ano nga? Ikwento mo na yan bago pa ako manggigil sayo girl!" sabi ni Ced

Huminga ako ng malalim

"Kasi ganito... diba magkasama kami ni Dean sa Baguio?"

"OMG! Wag mong sabihin na may nangyare sainyo?!" tanong ni Ced

Napairap ako dahil sa sinabi nya

"May nangyare--"

"Hala!!--"

"Wait!! Pero hindi tulad ng iniisip nyo, okay?!" putol ko din sa sasabihin nila

"Oh? Eh ano naman yan?"

"Kasi naaksidente ako, iniwan kasi kami ni Ms. Cruz don sa lugar dahil naiwan nya yung survey plan at iba pang document... Habang hinihintay namin si Ms. Cruz napagpasyahan kong maglakad pababa kaso nadulas ako tapos tumama yung ulo ko sa bato, nadamay din yung tenga ko kaya namaga" kwento ko sakanila

"Oh tapos? Anong nangyare sa kalampahan mo bes?" tanong ni Kyla

"Tsk! Umulan non eh kaya kinarga ako ni Dean papunta sa maliit na kubo--"

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon