Part 33

1.1K 65 14
                                    

Dean's POV

"Ano? Tapos na kayo mag-usap?" tanong ni Ced nang makabalik sila

"Oo, tapos na, pumayag na si Dean" sagot ni Jema habang nakangiti

Tumingin ako kila Bei at Tots, umiling lang si Bei, napasipol naman si Tots

Alam kong pagsasabihan nila ako mamaya

Nag-inuman lang kami hanggang sa nag-aya na sila Tots na umuwi, umaga na din kasi at magdadrive pa si Bei

"Uuwi na kami guys, thank you sainyo!" paalam ni Tots

"Next time ulit ha!" sabi naman ni Ced

"Oo naman!" sagot ni Tots

Maya-maya nandito na kami sa taxi

"Deans, bakit ka pumayag? Akala ko ba iiwas kana?" tanong ni Bei

Sabi ko na eh..

"W-Wala eh, hindi ko matanggihan eh" sagot ko

"Ang weak mo naman! Hahaha! Ang rupok mo! Pano kapag mas lalo ka pang nahulog? Edi iiyak-iyak ka?!" sabi ni Tots

"Oo nga, saka edi sana hindi ka nalang nagresign kung papayag ka lang din naman pala!" sabi naman ni Bei

Napakanot ako sa ulo ko

"Hindi ko nga kasi matanggihan, ang hirap eh, bahala na, bahala na si Batman!"

"Hay nako! Wala na din naman kaming magagawa, naka-oo kana eh" sabi ni Bei

"Hayaan nyo, mas lalo pa akong magiging matatag, hangga't kaya ko pa" sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana

Kasi naman eh! Bakit kasi hindi ko nalang tinanggihan?!

Huminga ako ng malalim

Ilang araw naman kaya kami sa Baguio?!

Eh kung itext ko nalang kaya si Jema? Sasabihin ko na may mahalaga akong pupuntahan next week??

Kinuha ko yung phone ko at nagcompose ako ng message

To: Jema

Hi Jema, sorry may lakad pala ako sa Friday...

Tumaas yung isang kilay ko pagkatapos umiling ako

Hindi, erase! erase!

Binura ko yung nacompose ko

Ano kayang mas magandang dahilan??

Ano kaya kung magdahilan ako na nilalagnat?

Kaso baka puntahan nya ako...

Dahil wala akong maisip ibinulsa ko nalang yung phone ko

Tumingin ulit ako sa labas at nag-isip

Maya-maya nakarating na kami sa lugar namin, umuwi na kami nila Bei at Tots sa kanya-kanya naming bahay

Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin bumuntong hininga ulit ako

"Sige, pagbibigyan ko sya ngayon, pero wala ng susunod don! Promise! Tatanggihan ko na sya next time!" bulong ko sa sarili ko pagkatapos pumasok na ako sa bahay

Ilang araw pa yung lumipas at Friday na

"Deans, ingat" sabi ni Bei sakin, nandito kasi sila sa bahay ngayon

Tumango ako at pilit na ngumiti

"Thank you!"

"Yung puso mo Deans, ingatan mo din" sabi ni Tots

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon