Jema's POV
Napapatingin ako kay Dean habang nagdadrive sya
Mukhang maganda yung gising nya
Napangiti ako
"Dean kumaen kana ba?" tanong ko sakanya
Lumingon sya sakin sabay ngiti
"Ayiie! Sana all tinatanong kung kumaen na, hahah! Tapos na po" sagot nya
Natawa ako
Anong nakaen nito??
"Baliw ka nanaman, nag-aalala lang ako kasi baka hindi ka kumaen" sabi ko
"Sana all concern, heheh!" sabi nya
Pinalo ko sya ng mahina sa braso nya
"Anong nakaen mo? Nang maiwasan!" irap ko sakanya
"Hahah! Joke lang, pero kumaen na ako, mahaba yung byahe natin kaya dapat may laman yung tiyan"
"Good! Pero daan tayo ng McDo, drive thru tayo, hindi pa ako nag-almusal eh, bibilihan din kita ng snack mo" utos ko sakanya
"Okay po!" sagot nya
Maya-maya nandito kami sa McDo
"Dean, anong gusto mo?" tanong ko sakanya
"Ikaw" sagot nya
Natawa ako ng mahina
Tumingin ako sakanya sabay sampal ng mahina sa pisngi nya
"Ano nga? Tinatanong eh"
"Hahah! Kahit ano na Jisika, kinakaen ko naman lahat ng pagkaen sa McDo eh" sagot nya
"Okay, dalawang hotcake, dalawang iced coffee, dalawang big mac"
Si Dean yung nagsabi ng order namin dahil sya yung mas malapit
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot ko iyon kay Dean
"Ito yung ibabayad mo" sabi ko
Ilang sandali pa at nakuha na namin yung order namin kaya nagpatuloy na kami sa byahe
"Dean, kakaen muna ako ha, gutom na talaga ako eh, inumin mo na yang iced coffee mo para hindi ka antukin" sabi ko sakanya
"Opo" sabi nya
Nagsimula na akong kumaen, kaso naiilang ako dahil ako lang yung kumakaen
Tumingin ako kay Dean
"*E-Ehem! Dean, kainin mo na din kaya muna yang pagkaen mo?"
"Bakit?"
"Eh kasi naiilang ako, hindi ako sanay na ako lang yung kumakaen tapos ikaw nagdadrive" sagot ko
Ngumiti sya
"Edi subuan mo ako"
Tiningnan ko sya ng masama
"Parang tanga naman to, ihinto mo nalang yung sasakyan sa gilid"
"Ayoko---"
"K.Fine! Susubuan na kita, pero wag kang mag-isip ng kung ano-ano ha!"
Lumingon sya sakin habang nakangiti
"Oo naman!" sagot nya
"Anong gusto mong kainin?"
"Hmm.. yung hotcake nalang" sagot nya habang nakangiti
"Okay"
Kinuha ko yung hotcake pagkatapos sinubuan ko sya