Jema's POV
Nagpaiwan ako kanina kila Jho, nakita ko kasi yung taxi na ginagamit ni Dean
Napangiti ako habang naglalakad papunta sa condo ko
Buti nalang at okay na kaming dalawa...
Nang makapasok ako sa condo ko dumeretso ako sa kwarto ko
Inalala ko yung mga nangyare kanina
Nakaramdam nanaman ako ng lungkot
Kanina nasaktan ako nung nakita ko si Fhen na may kasamang iba, pero ewan ko ba, bakit parang biglang nawala noong nakita ko si Dean
KINABUKASAN...
Maaga akong nagising para maglinis, napagpasyahan kong wag na munang pumasok sa office ngayon
Balak kong alisin yung mga gamit ni Fhen pati na rin yung mga pictures namin ni Fhen dito sa condo ko
Inilagay ko sa karton yung mga gamit at itinabi ko iyon
Ilang oras pa yung lumipas at natapos na akong maglinis, nakaligo at nagpapahinga na din ako ngayon dito sa sofa habang umiinom ng juice
Dingdong! Dingdong! Dingdong!
Napatingin ako sa pintuan
Sino to??
Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan pagkatapos binuksan ko ito
Bumungad sakin yung mukha ng mga kaibigan ko
"Hi Bes, k-kamusta? Okay kana ba?" tanong ni Kyla sakin
"B-Bakit kayo nandito? Tuloy kayo"
Nilakihan ko yung pagkakaawang ng pinto para makapasok sila, napansin ko din na may wine na dala si Jho
"Wow! Parang umaliwalas yung condo mo Jema" sabi ni Ced sabay upo sa sofa
Tumabi ako kay Kyla
"Naglinis kasi ako kanina, inalis ko lang yung ibang kalat" sagot ko sabay ngiti
"Aba... Alam mo Jema pumunta kami dito sa condo mo para damayan ka eh, pero parang okay na okay ka naman" sabi ni Jho
"O-Oo naman, okay na ako" sabi ko
"Hindi kana nasasaktan dahil sa ginawa ni Fhen?" tanong ulit ni Jho
Huminga ako ng malalim
"Nasaktan, pero ewan ko ba kung bakit okay na okay na ako ngayon, siguro nasanay ako noong una kaming naghiwalay" sagot ko
"Hhmmmmmm!!!! Bakit kaya?!" pang-aasar ni Ced kaya natawa ako
"Baliw..." sabi ko
"Eh kamusta naman kagabi? Nakapag-usap ba kayo ni Dean?" tanong naman ni Kyla
Napangiti ako sabay tango
"Abaaa.... eh bakit ka nakangiti? Para kang kinikilig girl! Hahaha!" asar ni Jho
"Masaya lang ako" sagot ko
"Weh?! Parang hindi eh, parang kinikilig ka eh!" asar din ni Ced sakin kaya natawa ako
"Ewan ko sainyo" sabi ko
"Kaya siguro hindi ka nasasaktan kasi baka inlove kana kay Dean?" tanong ni Kyla sakin
Kumunot yung noo ko
"H-Hindi ko alam" sagot ko, "A-Ang gulo" dagdag ko pa
"Bakit?" tanong nilang tatlo
Binuksan ni Jho yung wine na dala nya, kumuha naman ng baso si Kyla. Pagbalik ni Kyla binigyan ako ni Jho ng wine
"Jema, ano na? Bakit magulo?"
