Part 35

1.6K 87 41
                                    

Jema's POV

Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko at nakita ko si Dean na nakayuko sa gilid ng higaan ko

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon

Saya? Pero alam kong mali...

Dahan-dahan kong hinaplos yung buhok ni Dean

"J-Jema, sige na, sasabihin ko na kung sino yung nagugustuhan ko ngayon..."

"Natatakot ako pero nilalakasan ko lang yung loob ko... aaminin kong m-masaya ako kapag kasama kita, h-hindi ka din maalis sa isip ko, kaya nga ako nagresign kasi... k-kasi gusto kong umiwas sayo eh... alam kong mali tong nararamdaman ko kasi m-may bf kana eh, may mahal kanang iba... Hindi din tayo bagay kasi langit ka, tapos lupa ako... pero hindi naman ako humihingi ng kapalit, hindi ko hinihingi na gustuhin mo din ako... gusto ko lang tong sabihin sayo.... g-gusto ko lang sabihin sayo na...."

"Jema gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita... i-ikaw yung gusto ko..."

Mahina man pero narinig ko yung lahat ng sinabi ni Dean sakin kanina, nagsinungaling lang ako na hindi ko narinig dahil hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sakanya

Kaya pala sya nagresign para iwasan ako

Gumalaw si Dean habang nakapikit kaya tinigil ko yung paghaplos sa buhok nya

Napangiti ako

Haha! Ang sarap ng tulog nya

Kinuha ko yung phone ko para icheck kung may update si Fhen sakin, kailangan nya ding malaman yung nangyare sakin

Kaso pagtingin ko sa phone ko wala manlang syang message or tawag

Baka busy pa sya??

Nagcompose ako ng message at sinend ko iyon sakanya, sinabi ko lang yung aksidente na nangyare sakin

Tumingin ulit ako kay Dean para gisingin sya

"Dean..."

"Hmmm.."

"Dean, gising na, gusto ko ng bumalik sa hotel"

Napabalikwas sya paupo dahil sa gulat pagkatapos napatulala sya sakin

"Huy! Okay ka lang??" tanong ko sakanya

"K-Kamusta kana?! Okay kana ba?! Nakakarinig kana ba?! Hindi kana ba bingi?! Ano?! Sabihin mo?!!"

Kitang-kita ko yung pag-aalala sa mukha ni Dean

Mahina parin yung pandinig ko pero naririnig ko sya

Teka nga, mapagtripan nga to...

"H-Haa??"

Kumunot yung noo nya sabay kamot sa ulo

"Kasi!" reklamo nya pagkatapos nag act sya

Nagthumbs up sya tapos tinuro nya yung tenga nya at kung ano-ano pa yung ginawa nya

Yung totoo, para syang tanga... HAHAHAH!

"HAHAHAHA!" tawa ko

"B-Bakit??" tanong nya

"Para kang tanga Dean, hahah!" sagot ko

"Seryoso kasi ako Jisika!" sabi nya

"Hahahaha! Binibiro ka lang eh, nakakarinig na ako pero mahina nga lang" sagot ko

Napaupo sya

"Kainis! Pero okay lang, basta okay kana" sabi nya, ipinagkrus nya yung braso nya at umiwas ng tingin sakin

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon