Unti-unti ko nang nagagamay ang trabaho. Actually, nagulat pa mga kaibigan ko na andito ako. Hindi ko kasi sinabi noon ang tungkol dito. Even si Ice ay nagulat na hindi pala alam ng mga kaibigan namin.
"I'm going to SanLo today, baby."
He's been so busy rin lately. Basketball training, job interviews, and he once again participated in a rubik's cube competition.
"Susunduin kita, opo yes po, madam."
"Nasa loob ka ng sarili mong restaurant pero ako pa rin pala masusunod sa ating dalawa? Bawal po special treatment."
"Okay, call me Sir." Ngumisi siya sa akin.
"Okay, Sir. Ingat po!" I waved and turned my back.
Nang muli ko siyang nilingon, he's pouting na parang baby. Imagine, nakikita siyang clingy ng mga employees niya. Mabuti at naka lunch break ako, andito lang kami malapit sa kitchen.
My gosh, Isaac Miguel.
"Aalis na ako..."
"Ingat?"
Tumaas ang kilay niya. "Matagal nang tapos pagiging tropa natin, baby. Baka nakakalimutan mo? Ipinapaalala ko lang."
"This is noted, Sir. What else po?"
He stamped his foot like a child. "I need my daily medicine."
"Pinagsasasabi mo?" kumunot ang noo ko.
"Is that how you talk with you boss?" ganti niya sa akin.
"You're taking meds? Anong gamot? Seryoso."
"I love you."
"Ano munang medicine nga? For what?"
Umiling siya. "I love you, baby. Iyan 'yong medicine ko. Sorry na."
"Alam mo? Ang pangit ng joke mo talaga. Naiinis ako sa iyo." Pagsusungit ko sa kanya.
"Oh, tamo! Asar talo!" Mahigpit niya akong niyakap. "Ayon nga 'yon, baby. Sorry na."
"Anong gusto para bati na?"
"Kapag nanalo sa competition."
He smirked. "Baby, wala na bang mas ihihirap 'yan?"
Sabagay? May point. Nanalo nga iyan sa ibang bansa.
"Yabang, kainis!" Napatawa na lang ako. "Until evening ka?"
"Nope, baby. One to two hours lang kami everyday. Diretso agad ako rito."
Natapos na ang lunch break ko, at he decided to leave na rin para daw makabalik kaagad. Practice pa lang naman sila today, and by next week daw ang competition. After that, by University na raw ang next, and sinong mananalo, ilalabam ulit sa ibang bansa.
Well, I know my boyfriend, he can do it.
"Matagal na kayo ni Sir Iaac?" Ate Lily asked. She's from San Lorenzo rin daw noon. After she graduated, tinanggap niya ang offer ng company nila Ice para mag-work dito.
"Six months, Ma'am." sagot ko.
"He's outgoing, 'no? Gustong-gusto siya ng mga managers dito. Ang gaan sa pakiramdam kapag siya iyong andito sa office. Si Ma'am Isabela, bihira siya rito. Si Lola nila...masungit. Very perfectionist."
"Totoo. Kaya gusto namin kung si Sir Isaac ang andito. Minsan tumutulong din siya, e. Hindi rin kamo sila madamot sa leave. Kaya kapag may biglaang leave, nakakahiram siya sa ibang branch. Very hands on din siya. Gulat nga ako na mas bata siya sa amin." Si Kuya Fred.
![](https://img.wattpad.com/cover/364665107-288-k92855.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)
JugendliteraturAmari Gracey, a young woman with a heart full of love and strong independent personality, found herself irresistibly drawn to Isaac, her brother's charming and effortlessly captivating friend. Their friendship grew into a love story that defied the...