Entry #17

6 5 0
                                    

Susuntokin ang buwan
daisyamberxviii

Malayo ang isipan,
Nakatanaw sa maliwanag na buwan
Habang tahimik ang kapaligiran
Namamalisbis naman ang mga luha na ito'y pinagmamasdan.

Kumikinang ang bituin sa kalangitan,
parang diyamante na natapatan ng buwan.

Isang ngiti ang pumaskil sa mga labi
Ngunit hindi matigil parin ang paghikbi.

Sa pagtaas ng kamay,
bahagyang inaabot ito
Hanggang mga braso't kamay ay nangalay.

Gusto ko lang naman maabot ang buwan,
Ngunit bakit ang hirap at nakakasakit sa puso't isipan?

Ano pa ba ang kailangan kong gawin?
Hindi na nga matigil sa pagsusulat hanggang sa maubos ang tinta at magkandapunit-punit ang mga papel.
Pero bakit hindi parin magiging sapat?

Subalit sa pagsapit ng gabi,
Buwan ay natanaw muli,
isang ideya ang sumagi
sa isipan at pusong naghahanap ng minimithi.

Pa'no kung suntokin ko ang buwan?
Maabot ko na kaya ang rurok ng kaligayahan?
Mahahanap na kaya ang nawawalang daan
Papunta sa lugar kung saan nababagay ang kagaya kong naliligaw at hindi alam ang patutungohan?

Inabot muli ang binitawang panulat
Pero sa pagkakataon na ito'y mga mata ay tuloyang nakamulat.

Susuntokin ko ang buwan,
Gagawing rocketship ang panulat at isipan
Hindi magiging alintana kung ilang buwan o taon pa ang gugulin para maabot ito at magpalutang-lutang sa kalawakan.

Suntok sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon