Entry #9

9 5 0
                                    

aerasyne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

aerasyne

Nakatingin sa kawalan habang ang isip ay patuloy na nalulunod na sa mga katanungan.
Mga tanong na walang kasiguraduhan kung kailan mabibigyan ng kasagutan.
Paulit-ulit na mga tanong na pumipiga sa pusong puno ng kalungkutan.

Limot na kung kailan nagsimula na ang kumpiyansang mayroon ay nauwi sa pagdududa.
At tila ba isang malayong ala-ala na lang ang mga gabi't araw na puno ng gaan at saya.
Dahil imbes na halakhak at tawa'y mga pigil na hikbi ang pumalit dahil sa bigat na nadarama
Hindi na mabilang kung ilang gabi na ba ang lumipas na walang tigil ang pag-agos ng luha.

Habang ang iba'y kasalukuyang nasa unang palapag na ng kanilang mga pangarap
Ikaw ay nananatili pa ring gumuguhit
At nakakulong sa isang gising na panaginip

Hindi humakbang dahil sa kahinaan ng loob at kaduwagan.
Hindi magawang kumilos dahil mas nauuna ang takot at pangamba.
Mahirap magsimula,
Ngunit mas mahirap ang walang masimulan.
Hindi madali ang sumubok muli,
Ngunit mas hindi madali ang tuluyang pagtigil.

Nakakatakot harapin ang mundo subalit mas nakakatakot ang mamuhay sa likod ng anino
Kaya puno man ng pagdududa't takot, pauloy na maniniwalang kaya ko.
Na ang mga pangarap na binuo'y matutupad at ipapanalo.
Suntok man sa buwan, hindi ko pa rin isusuko.

Suntok sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon