“To Punch The Moon”
daisyamberxviiiKung kalahi ko lang siguro si Saitama ng one punch man ay baka matagal ko ng naabot o nasuntok hanggang sa madurog iyong buwan. Iyon ngalang ay napaka-suntok sa buwan na mangyari at magawa iyon.
Naalala ko pa kung pa'no nila ako tinawanan matapos makita at mabasa iyong isinulat ko sa isang pirasong papel. Tandang-tanda ko pa na isinulat ko doon ang kataga na "Gusto kong masuntok iyong buwan."
Malinaw ko pa ngang naririnig ang mga tawa nila at nasabihan pa na nahihibang o nababaliw na ako. Parang isang sira na plaka na paulit-ulit na pumapasok lang rin sa isipan ko at maging ang puso ko ay hindi nakatakas mula sa kanilang pangungutya at pangaasar.
"Masuntok ang buwan? Nagshashabu ka ba? Ipatokhang na kaya ka namin?"
"Kaka-anime mo iyan."
"Kung suntokin nalang kaya namin ang mukha mo at ng magising ka? Mukhang nakalimutan mo na yatang magising sa realidad at puro imahenasyon nalang ang laman ng kukute mo."
"Ayos kalang? Ipapa-mental kana ba namin?" Iilang pang-aasar na natanggap ko mula sa mga kaklase ko.
"Uy, si suntok sa buwan pala ito 'o."
"Si future astronaut pala ito." Mga pang-aasar na isinawalang bahala at pinapalabas sa kabilang tainga ko na lang. Mas pinili kong itikom ang bibig dahil wala naman silang alam.
Hindi naman kasi nila alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin non. Hindi man nila ako binigyan ng pagkakataon para ipaintindi sa kanila ang dahilan at ayaw rin nilang makinig sa tuwing sinusubokan kong magsalita.
Alam kong suntok sa buwan na masuntok ang buwan. Pero hindi naman porke't imposible ay malabo ng maging posible. At isa pa, ibang suntok sa buwan ang gusto kong gawin. Iyong klaseng suntok sa buwan na tatatak kahit ilang henerasyon pa ang dumaan. Iyong klaseng suntok sa buwan na sa tuwing mababalik-tanaw ka ay mapapangiti ka na lamang dahil mas pinili mong huwag magpadala sa mga sinasabi nila at magpatuloy lamang sa pagtahak sa daan na pinili mo.
"Miss Rosa, inumin niyo na po ang gamot niyo," ani sa'kin sa kararating lang na nurse.
Hindi ko ito magawang pansinin dahil abala ako sa kakatanaw mula sa buwan. Bahagya ko pang itinaas ang kamay ko na tila pilit na inaabot ito.
"Nagde-delusion na naman po kayo na may buwan na. Tanghaling tapat pa po." Pagsasalita nito ulit.
Agad na ibinaba ko ang kamay ko ng makaramdam ng pangangalay.
Ibang suntok sa buwan ang gusto ko! Pero tila nasobrahan yata ako nang tulog at lalo na't sa panaginip para aksidenti ko na lamang masuntok ang ulo ng isang tao dahil sa pagaakala na nasa harapan ko na ang buwan. Hindi ko naman alam na kalbong ulo pala iyon ng kaklase ko at ang masaklap pa ay anak ng congressman ito.
"Maayos ang pag-iisip ko. Hindi ako baliw," pagsasabi ko ng totoo.
Bumuntong hininga ito.
"Iyan rin ang paulit-ulit na sinasabi na nasa kabilang ward, Miss Rose, tapos makikita na lamang namin na pilit na umaakyat sa kisame dahil sa pag-akala na siya ay isang spiderman. Inumin mo na po ito," hindi naniniwalang ani ng nurse.
Bigo at lupaypay ang mga balikat na ininom ko na lamang ang gamot na ibinigay.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan
RandomBalang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Weekly Writing Activity. Date Activity Posted: March 10, 2024