“Munting Marama”
(Tula para sa Usad, Manunulat)
RoseliaPoessy
Tahanang nagbigay gabay,
Nagtala ng kakaibang pangarap,
Kung saan magpapatuloy sa paglalakbay.Maningning sa lahat ng bagay,
Mga letra'y kumikislap, dala'y hiwaga.
At kayang lumikha ng matinding ingay.Samo't saring pakikibaka ang naghihintay,
May iisang misyon— hindi susuko, ito'y panata ng bawat isa.
Handang sumubok, tumaya at magsalaysay.Iba't iba man ang kakayahan ngunit iisa ang pakay.
Tumula't sumulat, walang humpay ang suportahan.
Mula sa pantasya hanggang sa reyalidad ng buháy.Nagsilbing tahanan, gumamot ng mga latay.
Tumanggap ng buo nagmarka ng pulang kulay.
Sa tintang dinidikta, liwanag ang sumisilay.Mga kaganapan ay mahuhusay,
Hiling sa kalangitan ay biglang natutupad;
dahil kanya-kanya man ang buháy, may mahika itong mga sangay.Sa dilim na dinaan, binaybay gamit ang kamay.
Kung saan lumikha ng misteryosong masining na bahay.
Kapit-bisig at handang punan ang blangkong pahinang tinataglay.Patuloy sa pagkilala, paghubog at pagtayá.
Patuloy na guguhit, magsusulat at magsasalaysay.
Sama-samang susuntukin ang buwan, titiyakin mauuwi ang tagumpay.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan
RandomBalang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Weekly Writing Activity. Date Activity Posted: March 10, 2024